Aljur Abrenica keeps mum about Carla Abellana’s "nonsense" comment: "Nirerespeto ko po yung sinabi niya."

Aljur Abrenica on changing his religion: "Mga pangalan lang ‘yan, for me kasi, what’s important is kagaya ng mga itinuturo ng mga tao sa paligid, ’tapos yung relasyon sa Panginoon—Katoliko ka man, Kristiyano ka man, Muslim ka man, Jehovah’s Witness ka man—kahit ano man ang relihiyon na ‘yan, mga pangalan lang ‘yan. Ang importante, ako kasi, ngayon mas lumapit lang talaga ako, mas nagkaroon lang kami ng r


Noong Linggo, March 16, ipinalabas sa Startalk ng GMA ang panayam kay Aljur Abrenica kung saan tila pinatamaan niya si Geoff Eigenmann, ang co-star ng girlfriend ng una na si Kylie Padilla sa nagtapos nang primetime series ng GMA, ang Adarna.

Read: Aljur Abrenica rants about respect

Sa mga kasunod na panayam sa Kapuso hunk, inamin nitong nagkausap na sila ni Geoff tungkol sa isyu.

Naayos na raw ang gusot na namagitan sa kanilang dalawa.

Hindi ba naapektuhan ang relasyon nila ni Kylie dahil sa pangyayari?

Sabi ni Aljur, “First of all, tao lang po tayo.

"Kung may mga nasaktan man ako, kung may naapektuhan sa mga nasabi ko, humihingi po ako ng paumnahin, humihingi po ako ng sorry.

“Sa mga nagtatanong kung kamusta po kami individually, maayos naman po kami.

"Nasa magandang place kami, nasa magandang kalagayan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga TV crew ng GMA si Aljur sa advance birthday celebration nito kahapon, March 20, sa World Vision office, sa Quezon City.

Sa hiwalay naman na panayam kay Carla Abellana, sinabi nitong “nonsense” ang mga naging pahayag ni Aljur sa Startalk tungkol sa kanyang boyfriend.

Tugon ni Aljur tungkol dito, “May kanya-kanya po tayong pananaw, may kanya-kanya po tayong opinyon.

"At nirerespeto ko po yung sinabi niya."

Inalam din namin kay Aljur ang balitang diumano ay nabasa niya lahat ang text messages ni Geoff kay Kylie.

Sagot niya, “Sa akin na po yun, yung mga ganung bagay, personal na po yun. Pasensiya na po.”

Inusisa rin ng PEP si Aljur tungkol sa laman ng mga mensahe, pero ayaw na niyang sagutin ito.

DEEPER RELATIONSHIP WITH GOD. Sa kabilang banda, mas lalo raw lumalim ngayon ang relasyon ni Aljur sa Panginoon.

Hindi na sinabi ni Aljur ang relihiyon na kanyang iniwanan at ang kanyang bagong religious group na kinaaniban, pero masaya raw siya sa naging hakbang niyang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “For me kasi… I wanna make it clear, they’re just names.

“They’re just names, lahat ng mga religion na ‘yan, pangalan lang ‘yan.

"Mga pangalan lang ‘yan, for me kasi, what’s important is kagaya ng mga itinuturo ng mga tao sa paligid, ’tapos yung relasyon sa Panginoon—Katoliko ka man, Kristiyano ka man, Muslim ka man, Jehovah’s Witness ka man—kahit ano man ang relihiyon na ‘yan, mga pangalan lang ‘yan.

“Ang importante, ako kasi, ngayon mas lumapit lang talaga ako, mas nagkaroon lang kami ng relasyon… ng mas malalim na relasyon ng Panginoon.”

Ang nag-influence daw sa kanya na umanib sa ibang religious group ay ang ka-batch niya sa StarStruck 4 na si Jan Manual.



MISSION IN LIFE. Hindi ba naging hadlang ang kanyang bagong paniniwala sa role na ginagampanan niya ngayon sa Kambal Sirena ng GMA?

Kuwento niya, “Well, malalim ‘yang mga bagay na ‘yan, e.

“I think, kasi everybody has a purpose, e, kayo bakit kayo nandiyan ngayon, bakit ako nandito ngayon sa industriya.

"Meron tayong misyon, e."

Dagdag pa ni Aljur, “So, I believe na inilagay ako ng Panginoon dito, bawat isa sa atin may misyon, ang importante lang na ‘yang mga ganyang katanungan ay masasagot sa guidance from Him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN