Diego Loyzaga on dad Cesar Montano’s advice on love and women: "Baka ako ang magbigay ng advice sa kanya!"

Diego Loyzaga bargained with dad Cesar Montano for permission to go back to acting. He is set to start college after his stint in Mira Bella as part of his agreement with his father.


Marami ang humanga kay Diego Loyzaga sa pagpayag na gumanap ng supporting role sa Mira Bella, pagkatapos mapabalita noon na isa siya sa magiging leading men ng bida ritong si Julia Barretto.

Sabi ng young actor tungkol dito, "Kasama po ‘yan sa buhay.

"I mean, don’t look at it so negatively, ‘di ba?

"Bakit ka magiging negative doon, e, [show] business naman ‘to, ‘di ba?

"In life naman, you don’t always get what you want.

"So, yun, take it lightly, take it positively.

"If that happens to you, God has bigger plans for you, ‘di ba?

"It’s a test kasi, a test from God."



JULIA’S SHOW. Honestly, ano ang naramdaman niya nang pinalitan siya bilang leading man ni Julia sa Mira Bella?

Sabi ni Diego sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "If you want me hear say na na-disappoint ako, hindi mo yun matatanggal sa akin.

"Tao naman tayo.

"Pero kung sinasabi mong naging sad ako or depressed, hindi po."

Dagdag pa niya, "Hindi rin po ako na-offend kasi ka-close ko naman sina Sir Deo [Endrinal], si Mr. M [Johnnny Manahan], si Miss Mariole [Alberto, Star Magic].

"Kinakausap ko sila at tinatanong, like, ‘Ano po yung payo ninyo sa nangyayari ngayon?’

"They explained it to me, tanggap ko naman.

"I agreed with them na it’s Julia’s show.

"She deserves the best that she can get, right?"

HEEDFUL. Hindi naman daw nanghinayang si Diego na ang unang role niya sana sa Mira Bella ang maaring maging daan para sa pag-angat ng career niya.

Pahayag niya, "Hindi po.

"I wouldn’t think of it as ganoon na ako [rising star], ’tapos napatigil na ako?

"I mean, I wanted to study because they keep telling me dapat mag-aral muna.

"I listened bilang sila naman ang nakakatanda sa akin, sila naman ang mas nakakaalam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I took my parents’ advice, mga advice ng peers ko, to study first."

Si Diego ay anak ng aktor na si Cesar Montano sa dating actress-singer na si Teresa Loyzaga.

Tinuruan ba siya ng kanyang mga magulang sa mga isasagot niya sa interviews?

Sabi ni Diego, "Siyempre po, lahat naman po ng anak, image naman yun ng magulang, ‘di ba?

"Eto po, nanggaling na po sa akin ‘to, on the spot ninyo ako tinanong.

"Pero siyempre, pinag-usapan naman namin yun ni Dad, ni Mom.

"Binibigyan nila ako ng advice, pero hindi naman handa yung speech ko."

AWESOME DAD. Nakatira ngayon si Diego sa ama niyang si Cesar.

Kumusta ang daddy niya?

Sagot niya, "My dad is awesome, masaya siyang kasama.

"Lagi kaming nagba-basketball, nanonood ng sine, bonding-bonding."

Nasaan naman ito nung kasagsagan ng hiwalayan ng ama at ng stepmother ni Diego na si Sunshine Cruz?

Tugon niya, "Katabi ng dad ko, siyempre.

"Bilang anak, whatever he needs, nandodoon lang naman ako.

"Hindi naman ako adviser niya, hindi naman ako secretary niya.

"So, whenever he needs me lang, nandoon lang."

Paano niya pinasaya ang kanyang ama?

"Hindi po, e, that guy is bigger than me.

"Hindi ko pa naman naranasan ma-divorce, ‘di ba, so hindi ko naman siya bibigyan ng advice.

"Lalabas kami, ‘Basketball tayo, Dad. Let’s stay strong and healthy. Huwag tayong uupo at magmumukmok sa isang tabi.’"

Natawa naman si Diego nang tanungin namin kung ano ang pinakaimportanteng advice na ibinigay sa kanya ng ama on love and women.

Mabilis nitong tugon, pabiro, "A, ano po, baka ako ang magbigay ng advice sa kanya!"

Pero dugtong ni Diego, "You know, we never really had this kind of conversation.

"Hindi rin po muna ako nagtatanong, wala pa naman tayo diyan, e.

"Bata pa tayo, trabaho muna tayo.

"Naghanhanda ako ako, nag-gym ako para whatever projects come after this [Mira Bella]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AGREEMENT. Pansamantalang nawala sa showbiz si Diego dahil nga sa gusto ng mga magulang nito na magaral muna ito. Paano niya nakumbinse si Cesar na payagan siyang magartista ulit?

"Pinag-usapan namin, syempre may agreements.

"‘Okey, Dad, ganito kahaba ang shooting, ganito kahaba ang taping.

"’Ganito ako kahaba mawawala sa school, papayag ka ba?’"

"‘Okey, basta i-promise mo sa akin, mass tayo every Sunday.

"’Next year papasok ka ulit pagkatapos ng Mira Bella,’ ganyan-ganyan.

"He will let me do whatever I want to pursue pero may limitations.

"Bilang anak, gusto mo lang, gusto mo ‘yung gusto mo, ‘di ba?

"Pero may guidance ng parents mo, ng magulang mo."



MOM IN TOWN. Kasama naman ni Diego sa presscon ng Mirabella ang kanyang ina na si Teresa, na naka-base na sa Australia.

Kararating lang ni Teresa kasama ang stepbrother ni Diego na si Joseph, anak ng dating aktres sa nakahiwalayang asawa.

Si Diego raw ang dahilan ng pagbisita ng mommy niya sa Pilipinas.

Sabi ng young actor, "Siyempre binibista niya ako.

"Kasi kung hindi sila pumunta dito, ako ang pupunta ng Australia.

"Kaya pinagkakamalan ng mga tao nawawala ako.

"I used to live in Australia, bumabalik lang po ako doon for my citizenship.

"Kailangan po talaga."

Ayon kay Diego, mga sampung araw lang na mananatili sa Pilipinas ang kanyang ina.

"Habang nandito si Mommy, sa kanya muna ako."

BEEFING UP. Kapansin-pansin naman ang paglaki ng katawan ni Diego at pagbukol ng muscle sa kanyang mga braso nang ipinakilala siya bilang isa sa cast members ng Mira Bella, sa grand launch ng programa noong Martes, March 18.

"Naghahanda ako para sa Boracay, e, saka sa show," sabi ni Diego.

Ano ang gagawin niya sa Boracay?

"Wala po, personal ko lang," ngiti niya.

Kailangan sexy sa Boracay, ganoon?

"Opo!" natatawa niyang sagot.

Kailan siya nagsimulang mag-gym?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time last year, magwa-one year na ako."

Turning 19 na si Diego at naka-graduate na siya ng high school sa OB Montessori Greenhills.

Naipasa na rin daw niya ang entrance examination ng De La Salle University (Taft Avenue) at enrolled na siya dito.

Pero pinag-iisipan pa raw niya kung Mass Communication o Business ang kursong kukunin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN