Dom Roque clarifies rumors about aunt Beth Tamayo; sheds teenybopper image for Moon of Desire

Dom Roque clarifies rumors about aunt Beth Tamayo: “Actually, nakakatawa rin yung mga ganun, kasi ilang beses yun na nabalita na namatay na. Nagkaroon din ng balita na nakapila siya na bibitayin sa China, mga ganun. Tinatawanan na lang namin. Yung mga kakilala niya, mga kamag-anak namin, yung mga kaibigan niya sa press na alam naman nila ang totoo.”


Pamangkin ng dating aktres na si Beth Tamayo ang young Kapamilya actor na si Dom Roque.

Nasa U.S. ngayon si Beth kunsaan ito lumipat, dahil sa mga kasong kinasangkutan ng asawa nitong si Johnny Wong.

Sa pangalawang grand presscon ng Moon of Desire noong nakaraang Huwebes, March 20, sa 9501 resto sa 14th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN ay agad naming kinumusta kay Dom ang tiyahin at kung may katotohanan na nagbabalak daw itong bumalik ng bansa.

Panimula niyang saad, “Okey naman siya, kakausap lang namin the other day, nasa taping kami ng Moon of Desire.

“Kinumusta ko siya, binalitaan ko siya about sa mga nangyayari sa akin. Sa mga bago kong ginagawa, about the show.

“Actually, may mga kaso pero maaasikaso niya yun, e. ’Di siya takot bumalik. Babalik at babalik din naman siya sa Pilipinas.

“I think this year uuwi siya or early this year. Puwede naman siyang bumalik talaga pero inaayos niya, inaasikaso niya yung kaso na ’di naman talaga siya yung may gawa.”

May mga kuwento ring naglabasan na kung anu-ano raw mga trabaho ang pinapasukan ni Beth sa U.S. at balitang hirap daw ito sa buhay. Binigyang-linaw naman ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Dom.

Sabi pa niya, “Sa pagkakaaalam ko, nagtatrabaho siya sa isang office na under sa isang political ano, government office yata.

“Happy naman siya, marami rin siyang mga kamag-anak dun sa father’s side niya. May pamilya yung daddy niya dun, mga kapatid niya, mga kaedaran din niya.”

CLARIFIES RUMORS ABOUT AUNT BETH. Binigyang-linaw din ni Dom ang mga naglabasang balita noon na nagpakamatay, namatay, at nakalinya raw sa mga bibitayin noon si Beth sa bansang China.

“Actually, nakakatawa rin yung mga ganun, kasi ilang beses yun na nabalita na namatay na. Nagkaroon din ng balita na nakapila siya na bibitayin sa China, mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinatawanan na lang namin. Yung mga kakilala niya, mga kamag-anak namin, yung mga kaibigan niya sa press na alam naman nila ang totoo.

“Yung ibang press, kunektado naman sa tita ko, ka-Facebook niya ‘yan, so alam nila ang mga nangyayari sa kanya,” saad pa ng binata.

AUNT BETH MAKING SHOWBIZ COMEBACK? Tungkol naman sa pagbabalik-bansa raw ng namamahingang aktres, may balak balitang balak daw nito na magbalik-showbiz.

Naniniwala naman si Dom na hindi ito kataka-taka dahil nasa puso ng tiyahin ang pag-arte.

“Gusto naman niya, pero ’di pa niya nasasabi sa akin kung yun ang gagawin niya talaga pagbalik niya.

“Siguro ’di naman mawawala para sa kanya yung pagmamahal niya sa kanyang trabaho dati. Siguro babalik at babalik din sa ganun,” pahabol pa ni Dom.

SHEDDING TEENYBOPPER IMAGE. Bilang isa sa mga miyembro ng cast ng seryeng Moon of Desire na magsisimula na sa March 31, sa ABS-CBN, masaya si Dom na maging parte ng nasabing show na kakaiba sa teenybopper roles na nagawa niya noon.

Kuwento ni Dom, “Sobra, natutuwa ako dahil bago ito sa akin. Bagong role para sa bagong karakter and very challenging, hindi lang sa pag-arte kundi sa pisikal, sa pangangatawan.

“Kung nakikita naman natin ang mga kasama ko dito, ang gaganda ng mga katawan, hindi puwedeng mapag-iwanan ka dito.

“Sa pag-arte, kailangan mas malalim, hindi na puwedeng pakyut-cute lang. Kailangan mayroon ka talagang mapatunayan o magawa mo ng maganda yung pinapagawa sa iyo ng direktor.”

Anu-ano bang preparasyon ang ginawa niya para sa kanyang role at totoo bang may "enhancements" na ginawa sa kanya para makipagsabayan sa ibang kasama sa show.

Ayon kay Dom, “First of all, physically, nag-workout ako nang matindi, nag-workout ako, kasi kailangan maging maganda ang pangangatawan, kasi nga yung tema ng soap ay medyo sexy pero drama pa din.

“Yung director namin, ’di kami pinababayaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, may mga nagtanong sa akin kung nagpa-RF [radio frequency facial treatment] ako—hindi.

“Actually takot ako sa mukha, ’di naman din ako nagpa-facial kasi una pa lang takot talaga ako.

“Recently, nung nagkaroon ako ng breakouts sa noo, do’n na ako nagpa-facial, sa part lang na yun kasi takot nga akong magpagalaw ng mukha.

“’Pag nasimulan na kasing kalikutin, lumalala. Dun lang kami nag-focus sa noo ko.”

Nakilala noon sa wholesome at teenybopper shows ng ABS-CBN, aminado si Dom na malaking hakbang talaga ang ginawa niya nang tanggapin niya ang Moon of Desire.

Pag-amin niya, “Malaking jump talaga, actually, oo, pinag-isipan namin kung ano ba talaga ang tatanggapin ko o babalik ako sa mga teenybopper roles.

“Nung inihain sa akin ito at yung dalawang teenyboppers [shows], pinili namin na ito na lang ang gawin kasi magiging challenge nga when it comes to acting, sa hitsura, sa pananalita, sa lahat.

“Siguro nagulat din, siyempre, yung mga naging fans ko dati na galing sa mga bagets.

“Siyempre magugulat talaga sila ’pag nag-iba yung hitsura nung iniidolo nilang artista.

“Sa akin, ito pa rin ako. Sa mga bata, medyo bawas na rin pero kailangan ko rin kasing patunayan sa mga tao na karapat-dapat ako na mabigyan ng break.”

WORKING WITH MEG AND ELLEN. Kasama rin sa Moon of Desire ang sexy stars na sina Meg Imperial at Ellen Adarna. Sino kaya sa dalawa ang nagustuhan ni Dom?

Pagpuri niya sa mga katrabaho, “Sa kanilang dalawa nung nakilala ko sila, napakababait na mga tao.

“Sa set sobrang jolly lang kami. For me, motivation ko sila na ang gaganda ng dating nila, ng vibes physically.

“Kailangan ko ring tapatan, kailangan ko ring sabayan ang mga ginagawa nila sa pag-arte.

“Sa ngayon bagu-bago pa lang kami magkakatrabaho. Siyempre siguro magagandahan ka, pero ’di naman natin alam kung ano ang puwedeng mangyari during the show, habang ginagawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sexy ang tema ng Moon of Desire, tiyak na magiging mainit daw ang mata dito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Siniguro naman ni Dom na magiging maingat ang lahat lalo na ang kanilang direktor pagdating sa mga seksi nilang mga eksena.

Aniya, “Siguro pinapangalagaan ng direktor namin. Actually, binibigay namin yung tiwala sa kanya, kung ano ang ipapagawa niya sa amin, so depende rin naman yun.

“’Di naman niya palalagpasin o aabusuhin ang artista niya na maghubad nang ganito kasi kapakanan din naman niya. Saka nakikita rin naman sa direktor namin ang galing niya talaga.”

CAUTIOUS WITH SEXY SCENES. Sa love scenes nila ni Meg sa serye, wala bang pagkailang o pag-aalala na baka minsan ay makaramdam si Meg na may nagagawa na siyang overboard o lagpas sa dapat na gawin sa isang eksena?

Lahad niya, “Ngayon may mga nagawa kami pero ’di naman ako nailang. Sa akin trabaho lang.

“Siguro may kaba, pero mas iniisip ko na kailangang gawin na maganda yung pinapagawa, so na-overcome ko naman.”

“Bago simulan ang isang scene, pinag-uusapan muna namin, ’O, Meg ’wag kang maiilang sa akin. Relax lang tayo, trabaho lang ito. Walang ilangan dapat at maging natural ang mga ginagawa natin.’

“Sabi naman niya, ’Wag kang mag-aalaa, work lang ito.’

“May nagawa na rin siya dati, yung Menor de Edad. So, from there mayroon na rin siyang idea sa mga love scenes, sa mga ganun.

“Ako, first time ko ito, inano ko na lang sa mga napanood ko. Dapat ganito, dapat ganyan and then gina-guide kami ng mga direktor namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN