Franco Daza raves about Moon of Desire co-star Ellen Adarna: “Sino ba namang girlfriend ang hindi magseselos kay Ellen?”

Franco Daza on choosing between Moon of Desire co-stars Ellen Adarna and Meg Imperial: “For me po, si Ellen talaga. Si Meg po kasi iba yung pagka-beauty niya, e. If you ask me who’s prettier or sinong mas cute, si Meg po ang isasagot ko. Pero yung desire, yung talagang sexy po, si Ellen.”


Handa nang makipagsabayan ang Star Magic talent na si Franco Daza sa pagpapakita ng katawan sa bagong ABS-CBN teleserye na Moon of Desire, na pinagbibidahan nina Meg Imperial at JC de Vera.

“Opo, nag-gym ako. Kailangan, e. Pumayat po ako nang sobra nung ginawa ko yung Wako Wako. Yun po ang feedback sa akin."

Ang Wako Wako ang 2012 ABS-CBN fantasy-comedy series na kinabilangan ni Franco noon at pinangunahan naman nina Ai-Ai delas Alas, Yogo Singh, at Gladys Reyes.

Pero bago iyon ay naging bahagi rin ng cast ng mystery-drama series ng Dos na Nasaan Ka Elisa si Franco nung 2011.

“Pumayat ako nang sobra from Nasaan Ka Elisa? That’s my second main show parang pumayat ako from there.

“So ever since then, if I want to excel and get noticed, kailangan kong ibalik yung dati kong katawan which is very hard,” pahayag ni Franco sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Moon of Desire.



NOT COMPETING WITH ANYONE. Mahigit isang taon na mula noong huling show ni Franco sa Kapamilya network na Wako Wako. Hindi raw agad nasundan ang TV projects ni Franco kaya nagpaka-busy na lang siya sa pagdyi-gym.

Sabi niya, “Patient lang po ako, yung mga ginagawa ng walang trabaho, ginawa ko, like workout, ’di ba? Yung mga walang ginagawa, ha-ha-ha!

“But it’s good na ginawa ko yun. Tamang-tama for Moon of Desire, exactly. Nung nag-gym ako, wala talaga akong ideya kung ano ang susunod kong show.”

Makikipagkabugan siya nang pagpapaseksi kina JC, Dom Roque, at iba pang sexy male stars sa Moon of Desire?

Tanggi niya, “Ah, hindi naman po. I don’t feel it’s a competition naman. Kapag nakikita ko sila, I’m vey happy for them.

“Hindi naman ’to yung parang, ’Ay, naku, mas seksi sila sa akin.’ You know, I just do my own part and in time, everything will fall into place.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Beauty Gonzales ang kapartner ni Franco sa Moon of Desire. Pero may eksena rin daw siya kina Meg at kay Ellen Adarna.

Sabi pa niya, “Besides Beauty at saka si JC, si Ellen ang kaeksena ko. Kasi sa story, doktor po kami ni JC. Si Ellen, doktor din po siya. So sa hospital, may eksena kaming ganoon.”



INTIMATE SCENES? May intimate scene ba siya with Ellen sa Moon of Desire?

Aniya, “Ay, hindi naman po. I mean, down the line, down the story, there may be a chance na magkaroon ng ganoon. Pero for now, walang hint.”

Inaabangan ba niya na magkaroon sila ng mainit na eksena ni Ellen sa serye?

Lahad niya, “Ay, hindi naman po. Hindi naman po ako masyadong looking forward na magkaroon kami ng intimate scene ni Ellen.

“Actually, I’m surprised with myself. Very professional ’tong dating ko, if I may say so. Dati siguro kung nakita ko si Ellen, ’Uy, puwede ’to.’

“But now, you know, if you’re in the process of making something true and something this big, nawawala po yung pagkabata in the sense na, ’Ay, oo, sige.’”



SMITTEN BY ELLEN. Between Meg and Ellen, sino ang mas seksi para sa kanya?

“For me po, si Ellen talaga. Si Meg po kasi iba yung pagka-beauty niya, e. If you ask me who’s prettier or sinong mas cute, si Meg po ang isasagot ko.

“Pero yung desire, yung talagang sexy po, si Ellen,”deklara niya.

May girlfriend na ba siya?

“Meron po,” ngiti niya.

Kung wala siyang karelasyon, posible kayang ma-in love siya kay Ellen?

Sagot niya, “Ah, you really can’t say, kasi for Ellen naman, ever since I started showbiz and the route that I’ve been taking in showbiz, mas maraming akong makakatrabaho that are gonna be ano... not spouse, but good girlfriend material.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon ba siya ng girlfriend na taga-showbiz?

“Wala po, pero hindi naman po sa ayaw ko. Ewan ko po. Hindi nangyari, e.

“I never go out my way to find a girlfriend. I believe in faith. Kumbaga, parang may nakilala ka na parang totoo ang feelings mo, yun na. So far, I haven’t met anyone,” paglinaw ni Franco.

LOVELIFE. Non-showbiz ang girlfriend ni Franco. At aminado siya na selosa ang girlfriend niya. Paano kung magselos kay Ellen ang girlfriend niya?

Pakli nito, “Ay, nagselos na po siya! Nakita na niya si Ellen. Ha-ha-ha!”

Inaway siya ng girlfriend niya dahil kay Ellen?

Pagpuri pa niya sa sexy actress, “Hindi naman po. Pero kasi sino ba namang girlfriend ang hindi magseselos kay Ellen? E, ’di po ba, sobrang ganda at mabait siya, e.

“Hindi gaya nung sinasabi ng ibang tao. Hindi po, mabait po yung taong ’yan, cowgirl.

“Not to be cliché with my answer, desirable po talaga siya. I mean her followers and fanbase will speak for itself.

“Hindi naman bobo yung fans natin at nakikita nila si Ellen, talagang desirable ’tong baabe na ’to. She is where she is today because of her beauty.”

Sinisilip din ba niya ang Facebook account ni Ellen gaya ng ibang fans niya?

“Hindi naman po. I mean, I’m a fan of Ellen. Pero hindi naman ako yung tipo na, ’Oh, si Ellen!’ Hindi po yung ganoon,” paglinaw niya.

Ilang taon na sila ng girlfriend niya?

“Ah, on and off po, maybe like two years.”

Bakit on and off?

“Ah, kasi po, mahirap yung... I mean, showbiz ’tapos nag-out of the country siya for a while in terms of work and school.”

Ano ang trabaho ng girlfriend niya?

“Hindi po ako masyadong magaling sa business, e. Pero business-related yung trabaho niya.”

Kailan nila plano magpapakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “That hasn’t crossed my mind yet. But not to say I’m against it. Ano lang naman, go with the flow lang.

“We’ll cross the bridge when we get there.”



EARLY YEARS IN SHOWBIZ. Si Franco ay 25 years old habang 24 naman ang girlfriend niya.

Pagbabalik-tanaw niya, “Nag-start po ako sa showbiz nung 2010.

“Ang first show ko po sa ABS yung kasama ko sina Jessy Mendiola, yung first show din po yun ni Daniel [Padilla]. It’s Gimik 2010. ’Tapos si Jessy at Lance Christopher. Pero nawala na ’ata si Lance.”

Sikat na sikat ngayon si Daniel. Hindi ba siya naiinip na dumating din ang time niya to shine sa showbiz?

“Of course, sometimes there are times siyempre na parang napapaisip ka na, ’Ano ba’ng nangyayari sa career ko?’ That’s part of it, e.

“Kung magpapatalo ka sa mga ganoon, then, you do not belong in the business.

"And also for me, at the end of the day, kung hindi ako sisikat or kung anuman, okey nasa akin ’to.

“This makes me happy, e. Kung hindi ako sisikat, okey lang. I’m not stuck in an office trying to do paperwork after paperwork. Ito namang mga kilala ko, they are all very good people, ’di ba?”

Anong kurso ang tinapos niya sa college?

“Hindi po ako grumadweyt ng college. Actually, hindi po ako nag-start. High school [graduate] lang po ako,” pahayag niya.

Ayaw na niyang mag-aral sa kolehiyo?

“Oo, kasi for me requirement talaga yung elementary, ’tapos high school. Yung college yung part na parang sinabi ko, saka parang nalaman ng parents ko na parang this didn’t make me happy.

“Hindi nila ako pinilit kasi nakita naman po nila yung attitude ko towards school nung high school pa e magulo akong bata.

“Kaya basta, yun na yun. Pero hindi naman ako yung parang, ’Ayoko!’ Yung very naive, hindi naman po ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If your parents love you enough and they know na parang masaya dito, they will let you go.

“So, nung nag-showbiz ako... kasi maraming parents nung nag-showbiz, for example si Ellen, yung tatay niya nagalit nang konti. That’s understandable.

“Kasi ’tong business na ’to very shady rin siya, e. But you know, for my parents to love me enough, they saw na dito ako masaya, they supported me,” pagpapasalamat niya.



GROWING UP YEARS. Lumaki raw si Franco sa Canada. Tumira siya doon ng walong taon hanggang 2000.

Kuwento niya, “Nag-graduate ako sa high school 2007. Hindi po muna ako bumalik dito. ’Tapos nag-two years po ako back and forth sa Vancouver, Canada at sa Bellingham, Washington.

“Wala lang, ikut-ikot lang. Pero hindi naman po basta ikot-ikot lang, nagtrabaho po ako. Nag-camp counselor po ako for a Christian camp in Washington.

“Parang summer camp po siya ng mga bata. ’Tapos nag-counselor ako sa mga estudyante. Pero wala pong bayad yun. For charity po yun. Pero nag-grow po ako dahil dun.”



NOT PERPETUATING FAMILY’S COOKING LEGACY. Ang ama ni Franco ay ang kilalang cooking expert na si Sandy Daza at lola niya ang respetadong culinary icon na si Nora Daza.

Mahusay rin ba siyang magluto tulad ng daddy at lola niya?

“Mas marunong po akong kumain,” sabay tawa niya.

“Passion for cooking, wala po ako noon. I understand the passion behind it.

“Nakikita ko po kung paano siya maging desirable to cook, and when I have to cook, nandu’n naman po yung parang instinct na Daza na, ’O, sige sasarapan ko dito. Try and try.’

“Pero hindi naman katulad ng daddy ko.

“Hindi naman sa ayaw ko, pero hindi kasi ako interested, e. I could be, pero parang I’m more interested in acting. Being out there, more exposed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN