Teejay Marquez dismisses gay benefactor angle with acquisition of new car and business franchise: “Galing ’yan sa dugo’t pawis ko sa pagtatrabaho.”

Teejay Marquez reiterates that his newly-acquired car and business franchise are the results of his hard work: “Pinagsama-sama ko yung mga kinita ko sa mga previous na show ko at sa mga raket ko sa fiesta, mall shows, at sa mga commercials at endorsement ko.”


Mariing pinabulaanan ni Teejay Marquez ang bali-balitang galing sa mayamang bading ang kanyang bagong biling sasakyan (isang puting Hyundai Accent 2 hatchback) at ang kanyang itinayong negosyo sa Boracay na franchise ng Ace Buko Time.

Sabi nga ni Teejay nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan with the Master Showman sa GMA-7 Annex Studio nitong nakaraang linggo, “Hindi totoo yan!

“Galing ’yan sa dugo’t pawis ko sa pagtatrabaho, kung saan ang kinikita ko ay inipon ko para makabili ng sasakyan.

“After ko mapagawa ang bahay ko, sinabi ko sa sarili ko na sasakyan naman ang gusto kong bilhin. Kaya naman nang makaipon ako, bumili ako ng sasakyan.

“Pinagsama-sama ko yung mga kinita ko sa mga previous na show ko at sa mga raket ko sa fiesta, mall shows, at sa mga commercials at endorsement ko.

“’Tsaka hulugan yung sasakyan ko, hindi ko binili ng cash. Kaya nga kailangan kong rumaket nang rumaket para magkaroon ng pambayad.

“Siguro kung totoo na may benefactor akong mayamang bading, di sana mas maganda at mas mahal na sasakyan ang mabibili ko, ’di ba?

“Yung franchise ko naman ng Ace Buko Time, bayad sa akin yun sa pag-e-endorso nito. Kaya hindi nila puwedeng sabihing galing ’yan sa mayamang bading.”

Nagpahayag din si Teejay ng kanyang saloobin tungkol sa indecent proposals sa kanya at kung papaano niya ito hinaharap.

“Oo, kakambal na yata ’yan ng showbiz. Merong nag-o-offer ng condominium, malaking pera, mamahaling sasakyan, hanggang sa mamahaling gadgets at trip abroad.

“Yung iba, nagti-text, hindi ko alam kung papaano nakuha yung number ko, una makikipagkaibigan ’tapos pagtagal-tagal, mag-o-offer na.

“Yung iba naman, mga nakikila sa mga events or show, hihingi ng number ’tapos ganun din pala yung intentions.

“Hindi ko naman sila binabastos, kinakausap ko sila nang maayos. Sinasabi ko na pasensiya na, sa iba na lang nila offer, kasi hindi ako game sa mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko na friendship lang ang kaya kong ibigay. If gusto nila makipag-kaibigan okey lang, pero if iba yung gusto, sorry na lang.

“Mas maganda kasi na kung ano man ang gusto mo na magkaroon ka, pinaghirapan mo yun at galing sa pinagtrabahuhan mo.

“Kaya nga nagtatrabaho ako nang nagtatrabaho, kasi para makuha ko yung mga bagay na gusto ko.

BUSINESS VENTURES. Gaya ng ibang artista, minamabuti ni Teejay na i-invest sa negosyo ang kanyang mga naiipon mula sa kanyang showbiz projects.

Aniya, “Siguro para na rin sa future, kasi alam naman natin na hindi all the time artista ka.

“O kaya hindi naman all the time, marami kang trabaho.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, habang kumikita ako, gusto ko alam ko kung saan ko ilalagay yung pera ko.

“Nung una nga dun sa bahay, ’tapos sa sasakyan, at ngayon nga sa negosyo.

“’Tsaka at least kapag wala kang trabaho sa showbiz, meron ka pang pagkukunan ng panggastos sa araw-araw kasi may negosyo ka.

“Sana maging successful yung business ko para dumami pa. Kasi right now, dalawa pa lang yung franchise ko ng Ace Buko Time. Gusto ko pang mag-open ng isa pa.

“Kaya katulad ng sabi ko, kayod-marino ngayon para sa negosyo.”

Natanong din ng PEP na kung magiging successful ang kanyang itinayong business ay magla-lie low na ba siya sa pag aartista?

Sagot niya, “Hindi naman. Tuloy pa rin. Inisip ko lang talaga yung sa future ko at para may extra earnings na rin.

“Papaano ko naman iiwan yung showbiz na nagbigay sa akin ng bahay, sasakyan, at ngayon nga business?

“Tuluy-tuloy pa rin ako hanggang may binibigay sa aking projects.

NEW MOVIE. Pagkatapos ng pelikulang Basement, ang Ang Tweet ni Florante Kay Laura raw ang next project ni Teejay.

“Thankful ako kasi after Pagari, nagkasunud-sunod yung ginawa kong pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After maipalabas yung Basement, mapapanood naman yung Ang Tweet ni Florante Kay Laura, kung saan ginagampanan ko yung role ni Adolfo, pero modern Adolfo ako rito.

“Ako yung kontrabida dito. It’s my first time na kontrabida ako sa isang pelikula, kaya medyo na-challenge ako.

Kumusta namang ang pakikipagtrabaho niya sa beauty queen turned TV host na si Venus Raj?

“Sayang nga kasi never ko siyang nakatrabaho, kasi nasa past sila, ’tapos kami yung present.

“Nung una ngang inalok sa akin yung film at nalaman ko na kasama ko si Venus na-excite ako.

“Siya rin kasi yung isang factor kaya tinanggap ko yung film, bukod sa nagustuhan ko yung role ko dun.

“Hopefully, sana makasama ko pa rin siya sa ibang trabaho in the near future.

RAVE REVIEW FOR GAY ROLE. Maganda ang naging pagtanggap ng mga televiewers sa pagganap ni Teejay sa gay role para sa Magpakailanman episode na pinamagatang “Barangay Cyber Sex.”

Ayon kay Teejay, “Nung unang inalok sa akin yun, pinag-isipan ko muna kung kaya ko na, at kung ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga manonood.

“Kasi first time ko na gaganap ng ganung role, kaya naman kinabahan talaga ako.

"Ako dun si Georgie na kaibigan ni Lauren [Young]. Nagpapanggap ako na lalaki dun everytime na haharap ako sa webcam, pero ang totoo bading pala.

“Pero inisip ko na lang na bakit yung iba kaya, so kaya ko rin.

“Naging inspirasyon ko na lang yung mga gumanap nang ganung klaseng role, gaya nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez, at iba pa, na pare-parehong tinangkilik ng mga tao.

“Kaya nag-try na rin ako at maganda naman yung resulta kasi nagustuhan ng mga manonood.

“After ipalabas yun, marami yung nag-congratulate sa akin. Iba yung feelings na yung role na kabado kang gawin, pero maganda yung naging resulta, kaya happy ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangangahulugan ba itong bukas pa siya sa pagtanggap muli ng ibang gay roles?

Tugon niya, “Oo naman. Ngayon pa na nagawa ko na at maganda naman yung resulta.

“Gusto ko rin naman kasing maging versatile na lahat ng role puwede mong gampanan.

“Mahirap naman na ma-stuck ka sa isang role lang. Dapat iba-iba, para mag-grow ka as an actor.

“Like sa Ang Tweet ni Florante Kay Laura, kontrabida ako. ’Tapos dun sa Basement, addict ako, ’tapos sa Magpakailanman, bading ako.

“Basta maganda yung proyekto na gagawin ko, go lang ako nang go,” pagtatapos ni Teejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN