Epy Quizon on Zsa Zsa Padilla dating a non-showbiz guy: “Wherever she’s happy, surely we’ll be happy for her.”

Epy Quizon on Zsa Zsa Padilla’s love and loyalty for the late Dolphy: “I know how she loved my father. You cannot question how much she loved my father. So… ako kung saan siya masaya, of course we will support her.”


Hindi raw aware si Epy Quizon sa nagiging usap-usapan kamakailan na may idini-date raw na non-showbiz guy ngayon si Zsa Zsa Padilla na partner ng yumao niyang amang si Dolphy.

Nagulat nga ang aktor na ito ang unang tanong sa kanya nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 5th Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (ENPRESS) na ginanap noong Biyernes, Mach 21, sa Teatrino sa Greenhills, San Juan.

Pag-amin niya, “Wala akong alam diyan. Kakabalik ko lang kasi, e.

“Nagulat din ako sa balita. Hindi ko rin alam yung balita.

“I was gone for a couple of months. I was in Singapore [for] a couple of months so hindi ko alam yung balita na ‘yan.”

I KNOW HOW SHE LOVED MY FATHER.” Pero okey lang naman daw sa kanya sakaling totoo nga ito.

Inasahan na raw naman niya at ng iba pang miyembro ng pamilya Quizon na hindi imposible na muling magkaroon ng bagong pag-ibig si Zsa Zsa.

“Ang sa akin talaga—and totoo ito sa lahat ng mga kapatid ko naman—kung saan siya maligaya, maligaya kami para sa kanya.

“Siyempre kung anuman yung buhay niya ngayon… she’s young, she’s beautiful, she’s gorgeous, she’s sexy.

“You know, she deserves all the happiness in the world.

“Wherever she’s happy, then the family will be happy for her, di ba?

“You know, I know how she loved my father. You cannot question how much she loved my father.

“So ako, kung saan siya masaya, of course we will support her,” sabi pa niya.

FAMILY’S FULL SUPPORT. Hindi na kailangang konsultahin o abisuhan pa sila ni Zsa Zsa tungkol sa ganitong bagay?

“Hindi na. Di ba?

“Kumbaga, wherever she’s happy, surely we’ll be happy for her. Hindi naman namin ipagdadamot sa kanya yung kaligayahan na ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yon lang din naman ang magiging mensahe ko sa kanya… wherever she’s happy, of course I am happy for her.

“Kung anuman nga yung makapagpapaligaya sa kanya, hindi namin ipagdadamot sa kanya iyon. Susuportahan pa namin ’yon.”

Nakakausap pa rin ba niya si Zsa Zsa?

“Oo naman. Actually recently, we had a family meeting kasi.

“My sister and my brother were in the Philippines, wala ako. Sila ang nagkita-kita kasi nasa Singapore ako.

SINGAPORE FILM. Ano ba ang ginawa niya sa Singapore at tumagal siya ng ilang buwan doon?

Lahad niya, “I did a Singaporean film. Ito yung Unlucky Plaza.

“It’s a story about a Filipino na na-scam ng mga tagaroon, yung mga locals doon. Tapos hinostage ko sila.”

Paano naman siya na-involve sa pelikulang ’yon?

“Uhm… one of the producers is a good friend. And actually tinulungan ko siyang mag-cast dito ng mga artista.

“Ipinakilala ko siya sa mga artista rito. Pero at the end of the day, gusto niya ako ang gumawa, e.

“So ako ang kinuha niya. Ako ang ginawa niyang bida do’n sa movie.

“It’s a very good role. A role worth doing.

“And it’s a very good film. I enjoyed doing the role,” pagmamalaki niya.

Directed by Ken Kwek, kasama niya sa nasabing pelikula ang ilang kilalang Singaporean actors gaya nina Adrian Pang and Janice Kho.

Dagdag pa niya, “This is my third foreign film na, so far. Yung una, sa Taiwan na kami ni Bayani [Agbayani].

“Tapos gumawa rin ako sa Malaysia. And… okey naman.”

May kaibahan ba para sa kanya ang paggawa ng foreign film sa pagsu-shoot ng local movie?

Ani Epi, “Gano’n din. Uhm… of course siyempre, kapag nando’n ka medyo on your toes ka kasi ayaw mong mapintasan ang mga Pinoy, di ba?” sabay ngiti ni Epy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not that hindi ako on [my] toes kapag nandito ako, o umaarte ako dito. Pero do’n lang talaga, mas talagang… kumbaga mas maingat ka.”

INDIE BIOPIC. Ano pa ang ibang project na aabangan sa kanya ngayon?

“I’m doing Heneral Luna. I’m playing the role of Apolinario Mabini for this film na Heneral Luna.

“Maraming kasama sa cast nito. Marami kami, e.

“Like si John Arcilla. Sila Mylene Dizon.

“Tapos ang director namin si Jerold Tarog.

“Indie film ito. Pero malaking production.

“Talagang big-budgeted; na pati pre-production, talagang nakatutok sila.

“And aside from this, may niluluto pa kaming isang pelikula pa. Another indie film,” masaya pa niyang balita.

INDIE OR MAINSTREAM? Okey lang ba sa kanya na tila nalilinya siya ngayon sa paggawa ng mga indie movies?

“A… ’indie’ ko na pinapansin kung indie o mainstream,” tawa ulit niya.

“For me, a film is a film, di ba? So para sa akin, wala nang ipinagkaiba yung kung ano ang ginagawa mo.

“Basta ang importante is you do your craft. And you fulfill your craft, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN