Yassi Pressman breaks away from Andrea Torres and Sef Cadayona: “Tuldok... as in wala na.”

Yassi Pressman wants to distance herself from Andrea Torres and Sef Cadayona: “Wala na, wala na talaga. Tuldok... as in wala na. I don’t wanna say anything about the past, pero right now, I just don’t have anything to say about that topic.”


“Carebears ko.”

Ito ang natatawang reaksiyon ni Yassi Pressman nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagdi-deny ni Andrea Torres sa napapabalitang relasyon nito kay Sef Cadayona.

Si Sef ay dating boyfriend ni Yassi at umabot sa halos isang taon ang kanilang relasyon. Pero naputol ito nang maging sobrang malapit si Sef at Andrea na dating kaibigan ni Yassi.

Ito raw ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay ni Sef at Yassi.

Pero sa pinakahuling panayam naman kay Andrea, itinanggi niya ang lahat ng ito at magkaibigan lang daw sila ni Sef.

Ano ang masasabi ni Yassi tungkol dito?

“Right now, masyado akong busy sa lahat ng nangyayari sa akin, so I don’t really have to know anything kung anuman ang mga nangyayari sa paligid ngayon.

“No comment na lang ako diyan.

“Carebears, carebears na,” muli niyang pagdiin na wala siyang pakialam sa isyu.

Nakausap ng PEP ang Kapuso star sa final presscon ng pinakahuling pelikula niya, ang Diary ng Panget, na handog ng Viva Films at ipapalabas na sa April 2.

Makakasama niya rito ang kapwa mga baguhang artista na sina Andre Paras, Nadine Lustre at James Reid.

END OF FRIENDSHIP? Para kay Yassi ay tuluyan na niyang tinuldukan ang pagiging magkaibigan nila nina Andrea at Sef.

“Wala na, wala na talaga,” diretsahang saad ng Pinoy MTV VJ.

“Tuldok... as in wala na.

“I don’t wanna say anything about the past, pero right now, I just don’t have anything to say about that topic.

“Actually, matapos ang mga nangyari, ang sabi nga nila ay, ’When God takes away, He gives you something better.’

“Viva takes care of me well, and ayaw kong sayangin ang opportunity na yun.”

Si Yassi ay nakapirma ng limang taong management contract sa Viva Entertainment Inc.

CRUSHES. Pagkatapos nito ay inalam namin sa kanya kung meron bang lalaki na nagpapakilig sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi ni Yassi, “Wala na akong super-crush ngayon na grabe.

“May crush ba ako ngayon? Wala, e, wala.

“Siguro si Zac Efron, sobrang crush ko ’yon forever,” natatawang banggit niya sa guwapong Hollywood actor.

“Aside from him, wala naman.”

Kahit si Andre? Pagbibiro namin sa kanya.

Nangigiting sagot niya, “Si Andre, I find him super cute.

“He’s so super funny. Isa siya sa pinaka-random na nakakatawang tao na nakilala ko.

“Magugulat ka sa jokes niya na hindi mo alam kung saan nanggagaling.

“Sobrang enjoy kami lahat kapag nagbato na siya ng jokes. As in, matatawa ka talaga.”

ANDRE CHALKS UP POGI POINTS. Sa nakaraang panayam ng PEP kay Andre, inamin nito na si Yassi ang isa sa mga crush niya sa showbiz.

Pero sa presscon proper ay nilinaw ng binata na “sisterly crush” lang daw ang kanyang nararamdaman para sa kanyang ka-loveteam sa pelikula.

Pagkatapos naman ng presscon proper ay ipinaliwanag muli ni Andre sa amin na hindi talaga ganun ang ibig niyang sabihin. Nahihiya raw siya na baka paglaruan ng media ang romantic angle sa kanilang dalawa ni Yassi.

Aminado rin siya na potential girlfriend material si Yassi.

Ano ang reaksyon ng aktres tungkol dito?

“That shows that Andre is a gentleman,” nangingiting pahayag niya.

“He won’t just say whatever he wants to say in front of a lady, alam mo ’yon?

“That makes him more guwapo... pogi points!

“Respect, isa ’yon sa pinaka-importante sa akin. Respeto talaga.”

Na-offend o na-hurt ba siya sa tinuran ni Andre?

“No, I wasn’t hurt,” kaswal na sagot niya.

“’Coz Andre is like super close, dahil everyday kaming magkasama.

“Sa lahat ng ginagawa ko ngayon actually kasama ko siya.

“Lagi kaming magkasama... magaan.

“So, okey-okey naman.”

LOOKS AREN’T IMPORTANT. Samantala, dahil nga tungkol sa diary ng isang panget ang pelikula nila, naitanong namin kay Yassi kung kaya ba niyang ma-in love sa isang hindi kaguwapuhang lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktres, “Why not naman, di ba?

“Basta okey yung personality niya.

“Sa akin kasi, it doesn’t really matter, sa totoo lang. Kasi at the end of the day, gusto mo yung nakakausap mo, nakakasundo mo, nakakatawa.

“It’s always been personality and a sense of humor for me.

“Yung physical looks kasi, secondary na lang sa akin but if both meron ang isang lalaki—like good looks and great personality, I think it’s an advantage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN