Andre Paras rants over same questions about mom Jackie Forster: “I don’t go up to anybody and just ask about his parents and family.”

Andre Paras on being asked the same questions about his mom Jackie Forster: “It hurts me more kasi they... keep coming back and asking the same questions. How I wish they would ask me, ’How’s your day? How are you doing? How’s your school and your basketball?’”


“No comment.”

Ito ang laging sagot ni Andre Paras kapag tinatanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang ina na si Jackie Forster.

Na-realize nga raw niya na kapag sinasagot niya ang mga ganoong tanong ay lalo siyang nalalagay sa alanganin at iba ang nagiging impresiyon sa kanya ng publiko.

Noong isang taon, naharap sa kontrobersiya si Andre at ang kanyang kapatid na si Kobe dahil sa pagtanggi nilang makausap at makasama ang kanilang ina.

Si Andre ang panganay na anak ng komedyante at dating PBA player na si Benjie Paras at si Jackie, isang dating aktres. Magkahiwalay na ang mga magulang ni Andre.

Bungad niya sa PEP.ph (Philppine Entertainment Portal), “Yeah, no comment kasi it’s really personal.

“I feel it’s the same set of questions and I don’t know why people keep on asking it nga.

“So, ’yon lang. I don’t want to disappoint people.

“I know I also have the right not to answer people. It’s my life.”

Mas gusto pa nga raw niyang pag-usapan ang tungkol sa ibang bagay na may kinalaman tungkol sa ating bansa at ilang isyung napapaloob dito.

Aniya, “I wish we could talk about what’s happening in the country, politics and yung events ngayon and what I’ve learned in school.

“All we talk about kasi is showbiz. We can also talk about the country and how we can make it better.

“I mean, I may sound like, nerdy and I may not have enough knowledge about it also, but how I wish we could talk about it also.”

Nakausap ng PEP si Andre sa presscon ng Diary ng Panget, ang pelikula ng Viva Films na ipapalabas na sa April 2.

Unang pelikula niya ito kasama sina Yassi Pressman, Nadine Lustre at James Reid, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RESPECT. Dugtong na paliwanag ni Andre tungkol sa isyung iniiwasan na niyang pag-usapan, “Kasi nga, it’s between me and my family.

“I don’t go up to anybody and just ask about his parents and family.

“I want kasi to respect everyone and I want them to respect me. If they don’t want to respect me, I guess, no one has the right to talk about me and my family.

“I just say na when it comes to... with some issues, I also have the right not to answer.

“I’m open naman to other topics.”

Aminado siya na naapektuhan na rin siya tungkol sa walang katapusang pang-iintriga sa kanilang pamilya.

“Yeah, also when people keep on asking questions when I’ve told them nga na ’No comment.’

“It hurts me more kasi... they keep coming back and asking the same questions.

“How I wish they would ask me, ’How’s your day? How are you doing? How’s your school and your basketball?’

“I understand that it’s showbiz, but it surprises me nga kasi in school, we don’t talk much about showbiz.”

Sabi pa niya, “No one will benefit from it naman kasi it’s personal, e.

“The thing is, it’s about us and may feelings din ako. You just don’t know how it feels, but the thing is... thank you for this opportunity... that I get to explain my side.”

Naging curious kami kung sa school ba niya ay nakaranas siya ng pangbu-bully dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kanilang pamilya.

Pagtanggi ng U.P. Maroons cager, “Nope, nobody talks about it.

“That’s why I like it.

“That’s where I developed my respect na... they don’t talk about it kasi they don’t know who I am and I don’t want to talk about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I wish also that you guys... you respect that also."

PANGIT” TALK. Kaya sa puntong ito ay pinag-usapan namin ang ideya niya ng “pangit.”

Ito ba ay tungkol sa pisikal na katauhan ng isang tao o mas higit pa rito?

"Kasi as a person, ayoko ng mga ipokrito. Ayoko yung mga nagdya-judge ng tao," paliwanag niya.

“Lahat naman tayo ay panget in the context na no one is perfect.

“I guess, being panget is something to be proud of kasi, you can find a way to make yourself beautiful again.”

Hindi naman daw malayo na maaari siyang ma-in love sa hindi kagandahang babae.

“Of course,” mariing sabi niya.

“I even consider myself as panget ’coz I’m not a perfect person.

“So, if I meet a person na hindi rin perfect, that would be good. Kasi... if we could connect and, you know, develop na...

“So, yeah, there’s a chance na ma-fall ako for her.

“Hopefully, one day I can find ’the one’ kasi, right now nga, I’m single and siyempre, everyone deserves [a partner], di ba?”

HAPPILY SINGLE. Sa pagiging single naman niya, masaya raw si Andre kahit marami ang nagtataka kung bakit hindi pa siya nagkakaroon ng partner sa kabila ng angking kaguwapuhan niya.

“I’m really enjoying it,” saad ng mestisong basketbolista.

“I have time for myself, I have time to do things and I have time to work.

“I think when you’re single, your only inspiration are your parents and your friends.

“It’s a matter of choice kasi I want a relationship na mai-inspire talaga ako and one day, I know I’ll find her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN