Kristoffer Martin will miss working with director Joyce Bernal as Paraiso Ko’y Ikaw draws to a close

Kristoffer Martin explains why he will miss Paraiso Ko’y Ikaw director Joyce Bernal as their teleserye nears its end: “Hindi ko makakalimutan kay Direk Joyce ay yung mga pangaral niya sa amin, yung mga pangaral niya. Dun mo mararamdaman na sobrang alaga ka ng direktor, na sobrang espesyal yung trato niya, ayaw niya nang basta-basta.”


Sa pagtatapos ng Paraiso Ko’y Ikaw ngayong linggo, mami-miss daw nang husto ni Kristoffer Martin ang direktor ng show nila na si Joyce Bernal.

Hindi ba dapat na mas ma-miss niya ang leading lady niya sa show na si Kim Rodriguez?

Paliwanag niya, “Kasi si Kim makikita ko naman anytime. Kasi si Direk Joyce, malay natin lumipat si Direk Joyce, paiba-iba rin siya [ng network].”

Pero sinabi namin kay Kristoffer na pumirma na ng kontrata si Binibining Joyce sa Kapuso network. Karamihan sa cast ng nabanggit na GMA drama show ay si Gabby Eigenmann naman daw ang mami-miss.

“Si Kuya Gabby anytime mate-text ko.

“In terms of ano ha... sa show lang mismo, si Direk Joyce.

“Kasi si Kuya Gabby anytime mate-text ko, puwede kaming magkita. Si Kim, si Phytos [Ramirez], si Joyce [Ching].

“Hindi ko makakalimutan kay Direk Joyce ay yung mga pangaral niya sa amin, yung mga pangaral niya.

“Dun mo mararamdaman na sobrang alaga ka ng direktor, na sobrang espesyal yung trato niya, ayaw niya nang basta-basta,” pagmamalaki niya.

At tulad ng ibang cast members ng show, lungkot ang naramdaman ni Kristoffer sa nalalapit na pagwawakas ng show nila sa darating na Biyernes.

“Oo naman. Siyempre kasi kung kailan nagiging at ease pa lang kami sa isa’t isa, di ba? Tapos dun biglang, ’Ah, short series lang pala kami! Short series lang pala,’” pahayag pa ni Kristoffer.

SURPRISED BY SHORT RUN. Ikinagulat ba niya na short series lang pala sila?

“Siguro, nakita ko na e, nakita ko na na ganun. Kasi hindi ko alam, kasi nung una, hindi naman nila nilinaw sa amin kung ilang weeks talaga.

“Basta yung dire-diretso lang na soap, walang minimum na ganito, walang minimum na ganyan, wala namang sinabi na ano...

“So siguro kaya ano... kaya short series lang talaga kasi may naka-ready na agad, e. May ipapalit na agad,” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya kasali sa cast ng ipapalit na show.

Hindi pa alam ni Kristoffer kung ano ang susunod niyang show.

MISSED OPPORTUNITY WITH GABBY. Ang isa pa raw niyang medyo ikinalungkot ay ang hindi nila pagkakaroon ng matitinding drama scenes ni Gabby Eigenmann sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Actually ang pinaka-na-excite ako, nung unang-una kong nalaman na kasama sa cast si Kuya Gab! Si Kuya Gab talaga.

“Kasi after Munting Heredera, ngayon na lang ulit kami nagkasama ni Kuya Gab.

“Iyon na lang talaga, sobrang nilu-look forward ko. E, hindi kami nabigyan ng chance ni Kuya Gab na magkaroon ng eksena together sa soap, mga interactions, oo, pero mga hindi mabibigat.

“Iyon ang inaabangan ko, e. Hindi napagbigyan, hindi nangyari,” malungkot niyang pahayag.

LOOKS UP TO DINGDONG. Sino ba ang gusto niyang maging sa hanay ng mga beteranong aktor ngayon?

“Maging? Mahirap kasi, kasi kung gusto kong maging sila, parang dun na yung basehan ng mapa ko dito sa showbiz.

“Kaya as much as possible, gusto ko ako naman yung gagawa ng sarili kong pangalan,” sabi niya.

Pero ang hinahangaan daw niya na aktor, pero hindi raw niya ginagaya ay ang Primetime King ng GMA na si Dingdong Dantes.

Mabilis niyang sagot, “Si Kuya Dong kasi sobrang propesyonal magtrabaho, e.

“Kahit na sabihin mong may cut-off siya, basta kailangan ng trabaho at kailangan ng production, gagawin e.

“Yung alam mo yung hindi mo maaano sa kanya na, ‘Ah si Dingdong Dantes ito!’

“Hindi ang tawag ng lahat sa kanya Kuya Dong. Sobrang malaking respeto iyon para isipin na, ‘Si Kuya Dong, si Kuya Dong!’

“Hindi si Sir Dingdong. Parang iba yung dating ng Kuya Dong, e. Kumbaga ramdam mo talagang Kuya siya sa set, e.

“Lalo na nung Pahiram ng Sandali namin, sobrang naramdaman ko yung guidance niya sa soap.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LEADING LADY. Sino ang gusto niyang maging susunod na leading lady?

“Kasi, ako kasi, usually sinasabi ko kahit sino, e.

“E, ngayon, ang dami ko na ring nadaanan, sila Bea [Binene], lahat ng tweens halos e, so parang lahat, nag-shuffle na kaming lahat.

“Siguro kung bibigyan ng chance ulit, sana hindi na kontrabida siya, si Joyce [Ching] naman. For a change, di ba? For a change naman.

“Kasi ang tagal na, e. Leading lady na, hindi na kontrabida.

“Kasi sayang din naman yung na-establish namin before na loveteam, e. Hanggang ngayon nandiyan pa rin sila, present pa rin sila,” pagtukoy niya sa mga fans at supporters ng tandem nila ni Joyce Ching.

NO RECONCILIATION—YET. May balitang nagkabalikan sila ni Joyce pero inililihim lang nila.

Mabilis niyang pagtanggi, “Ah hindi. Kung ano naman, kung magkakabalikan, open naman kami. Kasi ang tagal din naming itinago, di ba?

“Pero kung magkakabalikan man kami bakit namin itatago, e, alam naman na naging kami before?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN