Sef Cadayona does not see any reconciliation with Yassi Pressman

Two things Kapuso star Sef Cardona wants to clarify. He and Andrea Torres are close friends, nothing more. As for Yassi Pressman, she can say anything she wants if that will make her happy.


Nagbigay ng pahayag si Sef Cadayona tungkol sa ilang isyung kinasasangkutan niya ngayon tungkol sa kanyang lovelife.

Una ay ang tungkol sa sinabi ng ex-girlfriend niyang si Yassi Pressman na may tuldok na ang kanilang pagiging magkaibigan.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng actress-dancer sa hiwalayan nila ni Sef ay ang pagiging malapit daw ng young comedian kay Andrea.

Read: Yassi Pressman breaks away from Andrea Torres and Sef Cadayona: “Tuldok... as in wala na.”

Kaya ang pangalawa ay ang paglilinaw ng aktor na wala silang relasyon ni Andrea Torres at magkaibigan lang daw ang turingan nila.

Saad ni Sef, "Kami ni Andrea, okay kami, we’re close.

"Siyempre we’re friends dahil sa Bubble Gang and Sunday All Stars.

"Nagkakaroon ng isyu kasi lagi kaming nakikitang magkasama.

"Para po sa lahat, wala talagang something sa amin ni Andrea."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sef sa 5th Golden Screen TV Awards noong Biyernes, March 21, sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.

ANDREA. Ayon kay Sef, hindi pa sila artista ni Andrea ay magkaibigan na sila.

"Baka kaya nami-misinterpret.

"Noong pareho kaming wala pa sa showiz, nagku-commercial pa lang kami, magkakilala na kami.

"’Tapos, nagkapareho kami ng trabaho [sa showbiz] and the relationship grew, but as friends."

Pero saan tingin niya, saan patutungo ang espesyal na pagkakaibigan nilang dalawa?

Sagot ni Sef, "Ngayon? Wala pa."



YASSI PRESSMAN. Patungkol naman sa pahaging ng dating kasintahan na isa si Andrea sa naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, ayon kay Sef, "Kung saan siya magiging masaya, e, good for her."

Dagdag niya, "Kung meron kang someone naman, dapat proud ka.

"Noon naman, yung tungkol kay Yassi, proud ako, hindi naman ko naman inilihim at inamin ko."

Sa komento ni Yassi na "carebears" na ang ibig sabihin ay wala na siyang pakialam kina Andrea at Sef, ito naman ang naging reaksiyon ng aktor:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga ulit, kung saan at ano ang ikakasaya niya, e, dun tayo."



CIVIL. Mukhang hindi maganda ang paghihiwalay nina Sef at Yassi base sa kani-kanilang mga pahayag.

Kaya inusisa ng PEP kay Sef kung totoo ba ito o hindi.

Sagot niya, "Wala naman sigurong good break up, ’di ba?

"Siyempre may mali kaya kami naghiwalay, pero civil naman kami sa isa’t isa.

"We started out naman as friends, hindi dapat mawala yun.

"May tamang time for that, pero sa ngayon, mahirap i-push kasi yung isyu.

"Basta, we’re civil [to each other] naman."



NO RECONCILIATION. May plano ba siyang gumawa ng hakbang para maging malapit uli sila sa isa’t isa?

Sabi ni Sef, "Nakapag-reach out naman ako before, last year yun.

"Pero, yun nga, let time heal all things and yun lang."

Maayos ba namang tinanggap ito ni Yassi?

Nangingiting saad ng 25-year-old Kapuso actor, "Base sa mga inteview sa kanya, kayo na po ang mag-decide kung tinanggap niya yun nang mabuti o hindi.

"Kung anuman ang sinasabi ng iba, basta ako, paulit-ulit lang, kung saan siya masaya sa mga sinasabi niya, e, dun tayo.

"Siyempre, I still have respect for her..."

OPPORTUNITIES. Masaya raw sa buhay niya ngayon si Sef.

"I’m having a good career right now, I have a strong relationship with my family.

"And I’m blessed na kasama ako sa Bubble Gang, Vampire Ang Daddy Ko at Sunday All Stars.

"Lalo na ngayon na malaki ang responsibilidad namin sa Bubbble Gang.

"Kaming new generation, marami ang ini-expect sa amin.

"Hindi ko ’ata mawawari kung sakaling pumalpak ako.

"Yun ang concern ng utak ko ngayon."

Kaya nga sa taong ito, ayaw raw muna niyang bigyang-pansin ang kanyang buhay pag-ibig.

"Oo, e, ang dami-daming sinasabi sa akin na opportunities.

"Gusto ko munang i-take yung opportunities na yun at dun ako nae-excite talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think, wala munang lovelife ako gayon at hindi ko rin siya maaasikaso.

"Baka mamaya, maging problema na naman.

"Sayang yung mga pagkakataon na mawawala sa akin, ’di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN