Manila Vice Mayor Isko Moreno lauds German Moreno’s Walk of Fame project

Vice Mayor Isko Moreno on "Walk of Fame": "Nakikita na natin ang maturity ng Philippine movie and TV industry by accepting some facts na it’s high time for the industry to recognize individuals in their field of undertakings. So, para sa akin, dapat at nararapat lang na bigyang importansiya ang proyekto na ito ni Kuya Germs."


Isa si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mga bisita sa unveiling ng “Walk of Fame” na ginanap kahapon, March 23, sa GMA Network, EDSA corner Timog Avenue, Quezon City.

Ang “Walk of Fame” ay isang proyekto na pinangunahan ng veteran TV host at starbuilder na si German "Kuya Germs" Moreno.

Layunin nito ay bigyan ng pagkilala ang mga artista, broadcasters, singers, at iba pa na malaki ang nagawa at naiambag sa showbiz industry.

Ito ang local counterpart ng "Walk of Fame" sa Hollywood ng Amerika.

Sinimulan ang local counterpart nito sa Eastwood, Quezon City, noong December 1, 2005.

THANKFUL TO GMA. Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice Mayor Isko pagkatapos ng seremonya, nagpahayag ito ng kasiyahan na naging bahagi siya ng tinawag niyang “historical event” sa local show business.

Saad ng actor turned politician, "Unang-una ay taus-puso akong nagpapasalamat sa GMA-7.

"Hindi naman maipagkakaila na talagang dito ako nagsimula, at nagpapasalamat dahil sa karangalang ipinagkaloob sa akin kahit sa konting kontribusyon ko sa telebisyon.

"Alam niyo naman na nagsimula ako sa That’s Entertainment hanggang sa GMA Supershow.

“At ang lahat ng iyon ay… buong-buhay ko yata, 90 percent, ay sa GMA-7 ako lumabas.

“Now, doon sa recognition na ibinigay nila sa akin, sampu ng aking pamilya, I’m grateful.

"At siyempre, ang tatay-tatayan naming lahat, si Kuya Germs, na siyang naghulma sa aming kakayahan at mga talento, salamat nang marami sa kanya.

"Lahat ng stars, hindi puwedeng hindi dumaan noon kay Kuya Germs."

Ang That’s Entertainment ay ang dating youth-oriented variety show na nagsimula noong 1986 at tumagal sa ere ng sampung taon.

Ang GMA Supershow naman ay ang long-running musical-variety show na nagsimula noong 1978 at nawala sa ere noong 1997.

Parehong si Kuya Germs ang main host ng dalawang programang ito sa GMA Network.

Para kay Isko, ang “Walk of Fame” ay isang paraan para mas lalo pang ganahan ang maraming artista, lalo na ang mga baguhan, na magsumikap sa pagiging isang magaling na artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "I think nowadays, this is one event that will motivate other actors to excel.

"Kasi, if you will excel, along the way, your efforts will be recognized, ’di ba?

"Nakikita na natin ang maturity ng Philippine movie and TV industry by accepting some facts na it’s high time for the industry to recognize individuals in their field of undertakings.

"So, para sa akin, dapat at nararapat lang na bigyang importansiya ang proyekto na ito ni Kuya Germs."

CITY OF STARS. Isa rin sa adhikain ni Kuya Germs ay gawing "City of Stars" ang Quezon City.

Pero dahil si Vice Mayor Isko ay Maynila ang nasasakupan, katuwang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, mayroon ba silang planong gayahin ang ganitong konsepto?

Pagmamalaki ng dating That’s Entertainment member, "City of Stars started in 1997 if I’m not mistaken or 1996.

"I was not then a member of the government.

“In fact, I was there in city council in Quezon City with Kuya Germs and other actors to lobby to pass an ordinance to make Quezon City as ‘City of Stars.’

"Anway, kami naman [sa Manila], the ’Capital.’

"Kabisera ng... not only the capital of the country but the capital of stars.

"Can you imagine, a five-time… FAMAS Hall of Famer na Mayor [Erap], ’di ba? And ang inyong lingkod.

"Kaya mukhang ang kapitolyo ng mga stars noon ay nasa Maynila."

Ano ang plano nila dito?

Sabi ni Vice Mayor Isko, "The best is to attend to Escolta, Avenida, Rizal.

“During the heydays, ito ang kilalang lugar ng glamour, ng stars, ng fame… cinemas, shopping.

"Efforts are being done.

"We are trying to restore Metropolitan Theater but there is pending question as to the ownership of it."

Sa kabuuhan, ang isa raw sa tampo ni Kuya Germs ay ang kakulangan ng suporta ng gobyerno at karamihan ng mga artista upang maisakatuparan ang kanyang adhikain o layunin na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Vice Mayor Isko tungkol dito?

"Not today," pagkontra niya.

“You see Senator [Tito] Sotto here. You see [Quezon City] Mayor Herbert Bautista here… the member of the news.

"Sabi ko nga, this is a good start. This is a historical moment.

"If there’s one thing good about today, they have started it—yun ang maganda rito.

"So, may patutunguhan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN