Gerald Anderson wishes to have a kid by age 30

Gerald Anderson considers settling down with girlfriend Maja Salvador as part of his "later dreams." Right now, the happy couple are occupied with attaining separate career goals and dreams.


Dinala ni Gerald Anderson ang ilang piling kabataan sa Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal, noong Sabado, March 22, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanyang ika-25 na kaarawan.

Ang mga bata ay beneficiaries ng Cancer Warriors Foundation at Cottolengo Filipino, dalawang charity groups na patuloy na tinutulungan ng Kapamilya actor.

“Sobrang suwerte ko na ako ang nagdala sa kanila dito,” sabi ni Gerald nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Nagsimula ang pagdiriwang ni Gerald ng kaarawan kasama ang mga bata noong bagong pasok siya sa showbiz.

Noong una, ang mga bata ng Cancer Warrior Foundation lamang ang nakakasama niya.

Ang naturang charity group kasi ang napiling beneficiary ni Gerald noong nasa Pinoy Big Brother house pa lamang siya.

Ang Cottolenggo Filipino naman ang naging tahanan ni Gerald habang naghahanda siya para sa teleseryeng Budoy.

Kuwento niya, “Every year namin itong ginagawa, pero ito yung first time na nakapag-zoo kami.

"I think, ito yung pinakamasaya kasi kahit matatanda, nag-enjoy sila.

“Nakakatuwa kasi nae-experience ko ‘to, ‘tapos kasama pa sila.

“I’m sure karamihan sa kanila, first time din nakapunta sa zoo.

“It’s a wonderful day.”



HAVING KIDS. Dahil kitang-kita ang pagiging malapit ni Gerald sa mga bata, hindi naiwasang tanungin kung handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya.

“Hindi pa!” agad na sagot ni Gerald habang natatawa.

Sabi pa niya, “Malayo pa, kailangan ko pang mag-ipon.”

Bagamat masaya sa kanyang relasyon ngayon sa aktres na si Maja Salvador, hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol dito.

Paliwanag ni Gerald, “Alam mo, hindi pa kasi kami sobrang focused sa pamilya namin ngayon.

“Ang dami pa naming goals, ang dami pa naming pangarap.

“Siyempre kasama ‘yan sa mga pangarap ko.

"Pero ‘yan yung mga later dreams pa.”

Nang tanungin kung anong edad sa tingin niya magiging handa siyang magkapamilya, sagot ni Gerald, “Sana may anak na ako by age 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko parang barkada ko lang ang anak ko.”

KIMERALD. Samantala, tinanong naman ng Bandila reporter na si MJ Felipe si Gerald tungkol sa lumabas na larawan mula sa photo shoot nina Gerald at Kim Chiu.

PEP: Kim Chiu surprised by viral photo with Gerald Anderson

Ayon kay Gerald, masaya siya dahil okay na sila ni Kim, dati niyang girlfriend at on-screen partner.

“It’s great, time will heal everything, dahan-dahan.

“I’m just really happy na okay na. We are happy for each other.”

Magkaroon kaya ng pagkakataong magkatrabaho silang muli para sa isang proyekto?

Sagot ni Gerald, “Why not? Madami pa ring mga Kimeralds.

"I think they deserve a project.

"Probably, in the future."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN