Jimboy Salazar so in love with boyfriend John and vice versa

Jimboy Salazar takes it hard that his mother has not accepted him for what he is, particularly his relationship with boyfriend John, who vows to fight for their love.


Nakilala siya bilang Jimboy Salazar noong panahon ng That’s Entertainment ni Kuya Germs.

Pero ang tila masasabing claim to fame niya ay noong magkarelasyon sila ni Mahal.

“Inisip ng tao is, ’Paano mo siyang mamahalin, maliit at may kulang?’” umpisang pahayag ni Jimboy sa taped interview sa kanya ng StarTalk na ipinalabas kahapon, Linggo, March 23.

Patuloy niya, “Iyon po ang laging itinatanong sa akin, ‘Nag-[sex] ba kayo ni Mahal?’

“So siyempre, ang sa akin, hindi ko masasagot ng ano yun.

"Ang sa akin po, hindi na importante yun, e.

"Ang importante tinanggap ko siya, bilang maliit, bilang idol ko.

“God knows po, ito ha, talagang nagmahalan po kami ni Mahal.”



COMING OUT. Pero lingid sa kaalaman ng publiko, may damdaming pilit na sinisikil si Jimboy bago pa man ang That’s Entertainment days niya.

Sabi niya, “Nag-pretend po ako na lalaki.

"Pero may kulang po, may hinahanap ako.

“Parang may kulang, hindi ako masaya.”

Ayon pa kay Jimboy, “Hindi po natuloy yung pagigigng Jimgirl ko, kasi nagkaroon ng problema sa family ko.

"Parang ang ano po nila, bakit kailangan pang mag-girl, magbihis-babae.”

BOYFRIEND JOHN. Wala na raw ikakasaya pa si Jimboy kung hindi ang ipagsigawan sa buong mundo ang tungkol sa boyfriend niyang si John.

Hindi binabanggit nito ang apelyido ni John bilang respeto na rin daw sa privacy ng karelasyon na kapwa lalaki.

Ngunit humarap din sa kamera si John at sabay silang nagpa-interview ni Jimboy.

Kuwento ni John, nagkakila sila ni Jimboy noong March 2013 sa isang music bar kung saan regular performer siya.

Nagustuhan daw ng management si Jimboy nang mag-guest ito sa bar hanggang nagtrabaho na rin ito roon bilang performer.

Saad ni Jimboy, “Nung time na nagkasama po kami, dun po nabuhayan po uli ang puso ko, na parang siguro ito na yun.”

FAMILY CRISIS. Bagamat natagpuan na raw ni Jimboy ang aniya’y itinadhana sa kanya, wala raw basbas ang kanilang relasyon mula sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabaligtran ito ng partido ng kanyang nobyo.

Ayon kay John, “Yung family ko po, alam na.

"Pumapasyal na po si Jimboy sa amin, then tanggap po siya.

"Pero nung sinabi na po ni Jimboy sa mama niya, parang medyo hindi po…

“Napatunayan ko naman po sa sarili ko na kaya ko po siyang ipaglaban, kasi hindi po kami masyadong tanggap ng mama niya.

“Kumbaga, ngayon po is one hundred percent na po yung love ko sa kanya so...

"Siguro, pag natanggap kami ng mama niya, magiging 101 percent or lalampas pa sa 100 percent yung pagtitiwala at pagmamahal ko sa kanya.

“Sabi ko nga po sa kanya [Jimboy], kung puwede ligawan ko rin mama niya.

"Para mapatunayan ko lang sa kanya na kaya kong ipaglaban yung pagmamahal ko sa kanya.

"Pero siguro po, time will come."

Sabi naman ni Jimboy, "Marami pong nagmamahalan kahit sa showbiz na ganito na sikreto, hindi nila nilalabas.

“Pero ako, I’m proud to declare it na, lalo na’t kasama ko pa sa trabaho.”

PRE-WEDDING VOWS. Ayon pa kay John, napag-uusapan na rin nila ni Jimboy ang tungkol sa pagpapakasal.

“Actually, minsan nga po, napag-uusapan namin.

"’Di ba, sa Baguio nga po, may ikinasal na gay at saka lalaki.

"So, parang sabi ko, ‘Beh, time will come!’”

Sabi naman ni Jimboy tungkol dito, “Iba kapag nagmamahalan at nasa puso talaga.

"Kapag nag-perform kaming dalawa, ang sarap mag-perform na ang kasama mo sa stage yung mahal na mahal mo at masaya ka.”

Ayon naman kay John, baka ito na ang daan para matanggap siya ng ina ni Jimboy.

Ano naman ang ipinangangako nila sa isa’t isa?


Mula kay John, “Ipapangako ko naman sa kanya na ‘andito lang ako, Beh, para sa ’yo.

"Kahit ano’ng mangyari, kahit hindi pa ako natatanggap ni Mama, ipaglalaban pa rin kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hinding-hindi ako magbabago.’”

Wala naman daw sa salita ang pangako ni Jimboy: “Gusto ko gagawin ko na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN