Carla Abellana goes to bat for boyfriend Geoff Eigenmann: "He doesn’t have to say anything... kilala ko siya."

Carla Abellana maintains her respect for Aljur Abrenica and assures their friendship will continue even when it is marred by misunderstanding between her Sunday All Stars workmate and her boyfriend Geoff Eigenmann.


Hindi itinuturing ni Carla Abellana na pambalanse o pambawi sa mga isyu sa kanyang lovelife ang pagwawagi niya bilang Outstanding Actress in a Drama Program mula sa Golden Screen TV Awards.

Ito ay pagkilala para sa pagkakaganap niya sa My Husband’s Lover ng GMA Network.

Read: My Husband’s Lover sweeps 5th Golden Screen TV Awards; Dennis Trillo and Carla Abellana win top acting honors

Nitong mga nakaraang linggo ay nagkasunud-sunod ang intriga sa buhay-pag-ibig ng Kapuso actress nang aminin nito sa press ang pinagdadaanang problema ng relasyon nila ng kasintahang si Geoff Eigenmann.

Read: Carla Abellana admits relationship problem with boyfriend Geoff Eigenmann

Nadagdagan ito nang magsalita si Aljur Abrenica tungkol sa naging di-pagkakaintindihan nila ni Geoff, na ang pinagmulan ay ang kasintahan ni Aljur na si Kylie Padilla.

Read: Aljur Abrenica rants about respect

Magkasama sina Geoff at Kylie sa nagwakas nang fantaserye ng GMA, ang Adarna.

Nabalitang may text messages umano si Geoff kay Kylie, na gustong linawin ni Aljur sa kapwa niya Kapuso actor, isang bagay na hindi raw nagustuhan ni Geoff.

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon na nagtangka diumanong pormahan ni Geoff si Kylie nitong mga huling taping ng kanilang teleserye, isang bagay na kinuwestiyon ni Aljur.

Ipinagtanggol naman ni Carla ang nobyo at itinangging may namamagitan dito at kay Kylie.

Bagamat marami ang umayon sa pagtatanggol ni Carla sa kasintahan, may iba namang bumatikos sa aktres at sinabing kinukunsinti umano nito ang pagtataksil ni Geoff.



REWARD. Ang mga nasabing isyu ang naglagay diumano kay Carla sa gitna ng mga intrigang hindi naman direktang siya ang sangkot.

Kaya naman bilang pambawi sa pressure niya sa lovelife at sa pagharap sa mga maaanghang na komento ng bashers, pinagtiyap ng panahong masungkit nito ang acting award.

Ano ang masasabi ni Carla rito?

Saad niya, “Hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dumarating siya kung kailan pagod ka na sa trabaho, parang gano’n.

"So, magandang ano… may mga times na dire-diretso ka sa trabaho, TV, pelikula, endorsements.

"Halos hindi ka na nagpapahinga at nagkakasakit ka na.

“Doon siya dumadating na kapag ano ka na… kumbaga, ultimate reward siya for working so hard.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa kanyang dressing room sa GMA Studios, pagkatapos ng live airing ng Sunday All Stars kahapon, March 23.



AFFECTED. Aminado naman si Carla na sa likod ng kanyang mga ngiti, naapektuhan talaga siya ng mga isyung ibinabato sa kanya at sa kanila ni Geoff.

Saad niya, “Oo naman, kasi may pinagdadaanan na nga kayong dalawa, dagdag pa yung pressure, yung expectations, all the questions.

“As much as you want to keep it private between the two of you, hindi maiiwasan na marami ang magtatanong kasi maraming concerned.

“So, mahirap.

"As it is, as a couple, marami na kaming pinagdadaanan, ‘tapos may third party pa—yun nga yung public, yung ganyan.

“Mahirap talaga.”

Marami namang miyembro ng entertainment press ang natutuwa kay Carla dahil sa pagiging bukas niya sa kanyang lovelife at hindi pagtatago ng mga kaganapan dito, kahit na nga ang pagkakaroon nila ng problema ni Geoff.

Sabi ni Carla tungkol dito, “Oo naman, never naman akong nagsasabing secret o no comment.

“Open naman ako hangga’t alam ko ang totoo o hangga’t kaya ko siyang i-share, isi-share ko naman yun.

“Kasi kahit paano, we owe it to the public, witness naman din sila.”



GEOFF’S BIRTHDAY. Mula sa pinakahuling interview ni Carla pagkatapos niyang manalo sa Golden Screen TV Awards, consistent pa rin ang aktres sa pagsasabing maayos na ang takbo ng relasyon nila ni Geoff.

Kahapon nga, March 23, ipinaalala pa niyang 29th birthday ng kasintahan noong araw na iyon nang kumustahin namin silang dalawa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkikita nga raw sila ni Geoff para sa intimate birthday celebration nito kasama ang pamilya at ilang piling mga kaibigan.

Napangiti si Carla, na tila nahiya, matapos namin siyang usisain kung may nabili na ba siyang regalo para sa kasintahan.

Wala pa raw kasi siyang nabibiling regalo para rito.

Paliwanag niya, “Although, hindi naman siya ang tipo ng taong mahirap bilhan o bigyan ng regalo, e.

“So, hopefully, we’ll see tonight.

“Yung presence na lang siguro at saka yung celebration. Yun na lang muna ang aking gift.”

Sa ginawang pagtatanggol ni Carla kay Geoff, tila ibinigay nito ang napakalaking pang-unawa at pagtitiwala sa kanilang relasyon.

“And patience,” dugtong niya. “Madami-madaming kailangan sa relationship.”

Somehow ba nagkamali o nasilat siya sa relasyon nila ni Geoff kaya nagkaroon sila ng problema?

Sagot ni Carla, “Wala naman.

“Kasi kung nagkaroon ka man ng maling desisyon, malalaman mo agad yun.

“It won’t take two months or years to realize na mali.

“So, wala namang anything wrong or decision na pinagsisihan… wala naman.”



ALJUR ABRENICA. Muling nilinaw ni Carla ang pagbangga niya kay Aljur nang isiwalat nito na hindi niya nagustuhan ang diumano’y pakikipaglapit ni Geoff kay Kylie.

Read: Carla Abellana quashes Geoff Eigenmann-Kylie Padilla rumors: “I stand by my belief that there’s really no truth to it.”

“A, oo, yung nasabi kong promo. ‘Di ba, napaka-diretso?” sabi ni Carla, na ang tinukoy nitong promo ay ang paglabas ng bagong soap ni Aljur na Kambal Sirena.

Patuloy ng aktres, “Hindi ko alam, kasi out of nowhere, nakakagulat…

“Siyempre, like I’ve said, I hold on to my belief na walang katotohanan.

“He has nothing to worry about, si Aljur, bilang other half ni Kylie.

“He has nothing to worry about. Okey lang yun.

“Ikinagulat lang talaga namin na out of the blue, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, anong basis? So, yun lang naman.”

Lumalabas kasi na parang nagpi-flirt si Geoff kay Kylie?

“Oo, ’di ba? Yun ang tanungin ninyo sa set nila. Sila ang makakasagot nun.”

Bilang kasintahan, ipinagtanggol ni Carla si Geoff.

Sabi niya tungkol dito, “Oo naman, kasi kilala ko siya.

“Kung totoo man yun, aaminin din niya yun sa akin, hindi niya itatago yun.

“Ganun kami open and honest sa isa’t isa.

“Good or bad, sabihin mo, kahit gaano kasakit man ‘yan or what ‘yang pagkakamali, sabihin mo.”

Ano ba yung sinabi ni Geoff para paniwalaan at ipagtanggol niya ito laban sa mga akusasyon dito?

Paliwanag ni Carla, “Hindi, yung pagkakakilala ko na lang sa kanya. He doesn’t have to say anything.

“Basta, sa pagkakakilala ko na lang sa kanya for these past five years. So, yun ang basis.”

Masasabi bang nasubok sa panahong ito ang relasyon nila ni Geoff?

“Oo naman,” sambit ni Carla.

“Siyempre, lalo na sa showbiz.

“Mahirap ang relasyon sa showbiz kasi all eyes are on you, may mga expectations talaga, nandun ang pressure.

“So, hindi maiiwasan na may ganyan, kasi open siya, all the more na mahirap.”

Magkasama linggu-linggo sa Sunday All Stars sina Carla at Aljur.

Hindi ba sumikip ang mundo nila ni Aljur dulot ng paglalabas nila ng kanilang statements?

Sagot ni Carla, “Hindi naman.

“Mabait naman si Aljur. Kaibigan ko siya, katrabaho.


“I don’t see any changes… wala namang pagbabago or anything.

“Gaya nga ng sinasabi ko, basta’t nandiyan ang respeto para sa isa’t isa, okey naman.”

Nagkita o nagkausap na ba sila?

“Hindi pa. Birthday prod [production] niya today sa SAS.

“Hindi pa kami nagkikita or nagkakasalubong,” tugon ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN