Aljur Abrenica celebrates 24th birthday away from girlfriend Kylie Padilla

Aljur Abrenica on his birthday wish: “Siguro ano lang… sana lahat ng tao na mahal ko sa buhay, mas mapalapit sa Panginoon. Iyon na lang.”


Ngayong araw, March 24, ang 24th birthday ni Aljur Abrenica.

Wala raw siyang party, pero kahapon, March 23, ay nagkaroon siya ng advance celebration sa Sunday All Stars ng GMA Network.

“Trabaho pa rin, nasa taping po ako ng Kambal Sirena,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



AWAY FROM KYLIE. Hindi ba siya nalulungkot na birthday niya, pero nasa Australia ngayon ang kanyang girlfriend na si Kylie Padilla?

Tugon ni Aljur, “Okey lang naman ako.

“Masaya naman kasi makakasama ko ang mga katrabaho ko dahil nasa taping nga ako.

“Dun na ako sa set magse-celebrate ng aking birthday.

"At saka, thinking of all the blessings, wala na akong dahilan para maging malungkot."

Tinawagan at binati na ba siya ni Kylie?

Sagot ng Kapuso hunk, “Yes. Okay naman nga kami, maayos naman.”

Meron ba itong iniwan o ipinadalang birthday gift sa kanya?

“Wala pa.”

Hanggang kailan ba si Kylie sa Australia? Kailan ang uwi nito?

“Hindi ko alam, e… siya ang nakakaalam.”



BLESSED. Ano ang birthday wish niya?

“Wala akong wish,” matipid na sagot ni Aljur.

Dahil sobrang blessed na ang kanyang pakiramdam kaya wala na siyang mahihiling pa?

“Siguro ano lang… sana lahat ng tao na mahal ko sa buhay, mas mapalapit sa Panginoon. Iyon na lang.”



KAMBAL SIRENA. Nagpapasalamat din si Aljur sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kinabibilangan niyang primetime series sa GMA, ang Kambal Sirena.

“We’re very grateful kasi pinaghihirapan po talaga namin.”

Maganda rin ang feedback sa tandem nila ni Louise delos Reyes. Hindi naging mahirap para sa kanila na kaagad-agad ay maka-establish ng magandang chemistry sa kabila ng ito ang unang pagtatambal nila.

Saad ni Aljur, “I think it’s the ano, e, hardwork, kaya siguro gano’n.

“And nung sa simula, hindi naman ako nakaramdam ng pressure tungkol sa team-up namin ni Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nahirapan, actually. Na-excite ako sa pagtatambal namin.

“Na-excite din ako sa role ko dahil kakaiba talaga kumpara sa mga nagampanan ko na dati.

“And malaki rin ang naitulong nung workshop naming dalawa, sobra.”



GEOFF EIGENMANN. Kamakailan ay nagkaroon ng iringan sa pagitan nila ni Geoff Eigenman dahil sa balitang pinormahan daw ng huli ang girlfriend ni Aljur na si Kylie, nang maging magkatambal ang dalawa sa nagtapos nang fantasy series na Adarna.

Pero nagkausap at nagkaayos na raw sina Aljur at Geoff. Okey na raw sila kaya hindi na dapat nagiging sentro pa rin sila ng mga intriga.

Totoo bang naalarma at nag-issue ang management ng GMA ng memo sa kanilang dalawa ni Geoff at hinimok na mag-ayos na lang sila?

“A… hindi ko alam, e,” pag-iwas na sagot ni Aljur.

Ang girlfriend naman ni Geoff na si Carla Abellana, may nasabing pahayag na natutuwa ito dahil okey na at nagkausap na sila ng aktor.

“No comment na ako!” nangiting sagot ni Aljur nang hingin namin ang reaksiyon niya.

Malapit na ang Holy Week. May plano ba siyang magbakasyon upang pansamantalang maibsan ang init na hatid ng pagsisimula ng summer?

Sagot ni Aljur, “Wala, kasi laging kaming may schedule ng taping.

“So, puro trabaho lang talaga.

“And may gagawin din akong pelikula sa GMA Films. Abangan niyo ‘yon.

“Hindi pa ako makapagbigay ng detalye tungkol dito kasi pina-finalize pa lahat.

“Pero drama ang tema nito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN