James Reid has no qualms showing his abs; willing to try sexy roles

James Reid on his mentor and friend, Sam Concepcion: “He’s my friend and he’s probably the most talented person I know. Singing, dancing, acting, hosting—lahat kaya niya. That is why I like him so much, he’s so young, but he’s very talented.”


Walang patumanggang nagpakita ng kanyang abs ang Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 winner na si James Reid sa press conference ng pelikulang Diary Ng Panget noong March 21.

Ikinatuwa naman ito ang karamihan sa reporters na um-attend ng presscon.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay James ay tinanong namin siya kung hindi ba siya nailang nang hilingin ng press na ipakita niya ang kanyang abs.

“It’s okay, okay lang,” nakangiting sagot niya.

Posible kayang magpakita rin siya ng abs kung alukin siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash?

“Sana,” mabilis niyang sagot.

Game din daw si James kung sakaling alukin siyang ng sexy roles.

Sabi ng Fil-Australian actor-singer, “Sa tingin ko, kaya ko yun. Eventually, I would like to try it at least once.”

SHY BOY. Bukod sa aminadong hindi pa talaga siya bihasa sa pagsasalita ng Tagalog, kapansin-pansin din ang mahina niyang boses.

Paliwanag ni James, kahit naging Big Winner siya sa PBB, nahihiya pa rin siya minsan.

“Siguro, yun po, yun.”

Pero malaki na raw ang in-improve ng kanyang Tagalog.

“Thanks to Viva, I have Tagalog lessons for about two months straight every day.

“Sa bahay kasi, it’s just me and my father, and he speaks English to me.”

May pagkamahiyain daw siyang talaga. Pero sa harap ng camera, nawawala ba ang pagkamahiyain niya?

Sagot ni James, “It’s actually, nag-iiba.

“It really changes when I’m in front of the camera because I’m not myself.

“With my insecurities, shyness, it just melt away.”

RELUCTANT CELEBRITY. Marami ang nagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang tanghaling Big Winner ng PBB.

Paliwanag ni James, hindi talaga niya pinangarap na maging artista kaya hindi talaga siya nagtuluy-tuloy sa showbiz noon.

Saad niya, “Hindi ko po talaga gustong mag-artista.

“I came here to make friends kasi mag-isa lang ako dito. It’s just to make friends lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi ko nga alam noong lumabas ako sa PBB at ini-expect ng mga tao na magiging artista ko, I’m kinda shocked.

“Pagkatapos ng PBB, parang withdrawn ako. Hindi ako lumabas.

“Every time I go out, I got mobbed.

“Lahat ng tao, kapag nakikita nila ako, it feels like they know me already because they saw me on TV.

“It’s very uncomfortable.”

Pero kalaunan ay nasanay na rin daw siya sa atensiyong nakukuha niya mula sa publiko.

Kailan siya nagdesisyong gusto na pala niyang ituloy ang buhay-showbiz?

Sagot ni James, “It started with the mall shows, the live show, sobrang natuwa ako dun.

“The people screaming and the fans, I enjoyed it.

“I love singing and then acting came, and I ended up loving it.”

Ano ang natutunan o naidagdag sa pagkatao niya ng pagiging Big Winner ng PBB?

Sagot ni James, “What I learned from PBB is that, I dream big.

“Before, I never dreamt of being an actor or singer.

“Now, I’m an actor, singer—and it’s something that I enjoyed.”

Natuwa naman daw ang pamilya niya nang malamang seryoso na siya sa kanyang career ngayon.

“Natuwa sila and they couldn’t believe because they never heard me sing or act.

“And they saw a video of me on stage and people screaming, it’s hard for them to believe.”

Ang kaibigang si Sam Concepcion daw ang itinuturing ni James na mentor niya.

“He’s my friend and he’s probably the most talented person I know. Singing, dancing, acting, hosting—lahat kaya niya.

“That is why I like him so much, he’s so young, but he’s very talented.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN