Daniel Padilla does not want to put pressure on Kathryn Bernardo now that she’s 18

Daniel Padilla on getting the approval of Kathryn Bernardo’s mom: “Malaki yun, big deal yun, ‘no. Masaya, at least napatunayan ko na rin siguro kaya nasabi niya yun.”


Sa inihandang debut party ng fans ni Kathryn Bernardo, ang Kath Dreamers, para sa young actress noong Linggo, March 23, ang ka-loveteam nitong si Daniel Padilla ang panghuling nagbigay ng bulaklak sa 18 Roses.

Ibig kayang sabihin nito ay si Daniel talaga ang pinakamatimbang sa puso ni Kathryn ngayon?

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Daniel, nagpahayag siya ng pasasalamat sa preparasyong ginawa ng mga tagahanga ni Kathryn para sa espesyal na araw na ito ng dalaga.

“Nakakatuwa siyempre, talagang hinanda nila itong lahat para kay Kathryn.

“Ang ganda, ang ganda ng preparasyon nila. Mga videos na ginawa, e, talaga namang panalo.

“Nakikita naman natin kay Kath na talagang masaya, e, na overwhelmed siya.

Dagdag ni Daniel, “Masaya ako na talagang ipinapakita nila kung gaano nila kamahal si Kathryn.

“Talagang pinaghandaan nila ng dalawang taon. Grabe, lumabas naman nang maganda at maayos.

“Pagpasok ko nga, sabi ko, ‘Wow! Talagang handang-handa, ibang klase!’”

Bukas, March 26, ang talagang 18th birthday ni Kathryn.

Sabi ni Daniel, “Eighteen na siya, adult na rin siya siguro, so maging responsible.

“Nandito naman kaming lahat para sumuporta, gumabay sa kanya.”

Ano ang regalo niya kay Kathryn sa kaarawan nito?

“Sa birthday na lang niya talaga. It’s either sa 26 or sa debut niya,” sabi ng young actor.

NOT IN A HURRY. Sa isang interview ni Daniel ay nabanggit nitong kahit 18 na si Kathryn ay hindi niya mamadaliin ang kapareha para maging sila.

Paliwanag dito ng young actor, mas magandang mangyari ang lahat sa tamang panahon.

“E, relax lang, so walang pressure.

“Ayokong ma-pressure siya, gusto ko masaya lang kami, i-enjoy lang kung ano ang mayroon kami ngayon.

“Darating naman ‘yan sa tamang panahon at pagkakataon.”

Bukas naman ang ina ni Kathryn na si Mrs. Min Bernardo sa pagsasabing boto siya kay Daniel kung sakaling maging boyfriend ito ng anak. Bagay na sobra namang ikinatutuwa ni Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Malaki yun, big deal yun, ‘no.

“Masaya, at least napatunayan ko na rin siguro kaya nasabi niya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN