Marian Rivera proud of boyfriend Dingdong Dantes for finishing college

Marian Rivera does not want to entertain questions about rumored engagement or wedding plans with longtime boyfriend Dingdong Dantes. Instead, she gave this statement, “Sabi nga namin palagi ni Dong, kapag tinatanong kung kailan ako ikakasal, sinasabi namin, ‘Not so near yet not so far.’ Read between the lines na lang po.”


Tiniyak ni Marian Rivera na wala siyang gagawin sa araw ng pagtatapos sa kolehiyo ng kasintahan niyang si Dingdong Dantes.

Noong Linggo, March 23, nakuha na ni Dingdong ang kanyang diploma para sa bachelor’s degree in Business Administration, major in Marketing, mula sa West Negros University, sa Bacolod City.

Kasama ni Dingdong sa kanyang graduation ang kanyang mga magulang at si Marian.

Kuwento ng Kapuso Primetime Queen, “Noon pa niya sinabi sa akin, sabi niya, ‘Baby, sa graduation ko, hindi puwedeng wala ka, gawan mo na ng paraan.’

“So, noon pa lang, ginawan ko na ng paraan, ini-schedule na namin na kailangang wala akong trabaho talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marian matapos siyang ipakilala bilang bagong endorser ng BiofiTea kanina, March 25.

Dahil sa pagtatapos sa kolehiyo ni Dingdong, mas lalo raw naging proud si Marian sa kasintahang aktor.

Aniya, “Nakakatuwa, kasi alam ko na ‘yon talaga yung moment na pinakaaabangan niya—ang maka-graduate siya sa college.

“Actually, ang alam ko, magma-masteral pa siya.

“At least, maganda siyang ehemplo sa mga kabataan, na walang age-age basta gustong magkaroon ng kaalaman sa edukasyon.

“Happy ako na nagiging role model siya sa mga kabataan.”



MUM ON RUMORED ENGAGEMENT. Samantala, naging matipid naman si Marian nang tanungin tungkol sa bali-balitang engaged na sila ni Dingdong.

Noong nakaraang panayam ng PEP kay Dingdong, sinabi niyang nakasalalay kay Marian ang desisyon kung kailan sila puwedeng lumagay sa tahimik.

Pero umiwas naman si Marian nang makausap siya ng PEP kamakailan.

Read: Dingdong Dantes keeps mum about rumored engagement to longtime girlfriend Marian Rivera

Read: Marian Rivera on Dingdong Dantes waiting for her to say yes: "Bilang babae, ang haba ng hair ko."

Nang tanungin siyang muli tungkol sa sinasabing engagement, nakiusap si Marian na huwag nang pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahilig ako sa alahas!” biro niya habang ipinapakita ang mga singsing sa kanyang daliri.

Sabi pa niya, “Alam mo, kapag ganyang mga question, huwag ko na lang sasagutin, paulit-ulit.

“Basta huwag na regarding diyan, kapag tungkol doon, kasi paulit-ulit na lang, parang nawawalan ng value.”

Wala ba siyang balak sumunod sa mga artistang nagpapakasal ngayong taon?

Sagot ni Marian, “Siguro mahirap po yung mga bagay-bagay na porke’t mayroon ang isa, dapat mayroon ka rin.

“Dapat yung handa ka at gusto mo ang ginagawa mo.

“Sa buhay ko ngayon, siguro in time.

“Sabi nga namin palagi ni Dong, kapag tinatanong kung kailan ako ikakasal, sinasabi namin, ‘Not so near yet not so far.’

“Read between the lines na lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN