Vin Abrenica inspired by the success of TomDen loveteam with his tandem with Alwyn Uytingco

Alam ni Vin Abrenica na marami pa siyang kailangang patunayan bago siya kilalanin bilang isang mahusay na aktor. Sa kabila nito, hindi siya masyadong apektado kapag nakakatanggap ng pambabatikos mula sa media o maging sa publiko.

“Hindi katulad dati na umiiyak ako. Kasi pagpasok ko pa lang noon sa showbiz, ang una kong nabasa sa tabloid, nasabihan ako na mukha akong magbobote. Nung nabasa ko yun, naiyak ako ng three days. Kasi after


Aminado si Vin Abrenica na posibleng maikumpara ng publiko ang tambalan nila ni Alwyn Uytingco sa Beki Boxer sa sumikat na tambalan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover.

Ito ay sa kadahilanang gumaganap si Vin na love interest ni Alwyn, na isang closet gay sa upcoming primetime series ng TV5.

Ngunit iginiit ni Vin na kailangan muna niyang patunayan ang galing niya sa pag-arte bago makamit ang tagumpay ng natamasa nina Dennis at Tom noong nakaraang taon.

Saad ng Kapatid young actor, “Idol ko talaga sila. Sumaludo ako sa show nila.

“Kung maku-compare kami, hindi ko maaalis yun.

"Pero para sa akin, I’ll do my best.

“I know na may napatunayan na sila. I have to prove myself first.

"We [he and Alwyn] have to prove ourselves in the show."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin pagkatapos ng presscon proper ng Beki Boxer na ginanap sa Oasis ngayong araw, March 25.

Bagamat sa March 31 pa ipalalabas ang naturang serye, excited na ibinahagi ni Vin na ngayon pa lang ay mayroon nang sumusuporta sa "tambalan" nila ni Alwyn.

“I heard meron na sa Twitter. Actually, ang narinig ko nga VinWyn. Nagulat ako.”

Malaking bagay rin para kay Vin na imbes na isang beses kada linggo lang ang kanilang programa ay nagdesisyon ang TV5 management na gawin itong daily primetime show.

“Actually, my biggest break so far is Never Say Goodbye [2013] and Misibis Bay [2013].

“Pero sa lahat, ito [Beki Boxer] yung pinakamagandang feedback na kinu-congratulate nila ako na nagustuhan nila [kahit teaser pa lang].

“Kahit yung mga boss, kinakausap ako about it.

"Biggest break, in a way, na bago ang loveteam ko—lalaki naman."

GAY PORTRAYAL. Ikinatuwa rin ni Vin na si Alwyn ang makakapareha niya sa show dahil kumportable siyang makaeksena ito.

Hindi raw sila nagkakailangan kapag may mga eksenang kailangan nilang magdikit nang husto, lalo pa’t pareho naman silang secure sa kanilang pagkalalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Vin, “Friends talaga kami ni Alwyn. ‘Di ba, may scenes dun na magkadikit yung mukha namin?

“Pagkabukas ng mga mata namin, nagtawanan na lang kami.

"Happy ako na si Alwyn talaga ang katrabaho ko."

Maiilang ba siya kung sakaling totoong bading ang katambal niya sa serye?

Sagot ni Vin, “Makikita mo naman sa isang tao kung may motibo o malisya, ‘di ba?

"Kung may gano’n, I would be affected.

“Pero madami akong gay friends na walang motibo sa akin.

"Hindi ako nagho-hold back sa kanila kasi alam ko namang walang malisya.

“Mararamdaman ko yun [kung meron o wala].”

Sa katunayan, ikinuwento ni Vin ang isang pagkakataon kunsaan mismong kaibigan niyang lalaki ang nagpahiwatig na may gusto ito sa kanya.

Lahad niya, “Nagkaroon ako ng allergy, nangati yung ulo ko nun.

"Ang ginawa niya, pinapunta niya ako sa room niya. Naki-shower ako.

“’Tapos, gusto niya alisin ko yung shirt ko. Sabi ko, ‘Huwag na. Hindi naman mababasa yung damit.’

“Na-realize ko na gusto talaga niya na tanggalin ko yung shirt ko.

“Napansin ko na medyo malambot siya. ’Tapos he was raised by his mom lang, so I think feminine talaga siya.

“Dun ko na-discover na parang, ‘Boom!’ Alam ko na [gay siya]!”

Tinanong din si Vin ng isa pang entertainment reporter kung nag-aalala ba siyang baka sitahin ang Beki Boxer ng MTRCB, ’tulad ng nangyari noon sa mature theme ng My Husband’s Lover.

Ngunit kumpiyansa ang 22-year-old Kapatid star na hindi mapupulaan ang kanilang programa dahil wholesome at light comedy raw ang konsepto nito.

“Nagtatanong nga yung iba kung magkakaroon daw ba kami ng kissing scenes.

“Sinasabi naman ng production na ang target talaga nila, kids and families.

“As far as I know, wala namang super-mahuhusgahan na mga eksena,” sabi ni Vin.

ESTABLISHING A NAME IN SHOWBIZ. Si Vin ay male winner ng reality talent search ng TV5, ang Artista Academy, noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatatanda niyang kapatid ang Kapuso star na si Aljur Abrenica, 24.

Bunsod nito, aminado si Vin na mas malaki ang pressure sa kanyang pagbutihan ang kanyang pag-arte at makagawa ng sarili niyang pangalan sa showbiz.

Ganunpaman, ginarantiya ng Kapatid star na walang professional jealousy sa pagitan nila ni Aljur.

“Okay lang naman sa akin na may comparison. Hindi katulad dati na umiiyak ako.

“Kasi pagpasok ko pa lang noon sa showbiz, ang una kong nabasa sa tabloid, nasabihan ako na mukha akong magbobote.

“Nung nabasa ko yun, naiyak ako ng three days.

"Kasi, after ko basahin yun, may nabasa ako na isa pang report, magkatabi yung picture namin, ’tapos ang headline, siya [si Aljur] magsasaka, ako naman ay kalabaw."

Paano niya nalampasan yung ganoong klaseng panlalait sa kanya?

Sagot ni Vin, “Si Kuya mismo ang nag-comfort sa akin. Sabi niya, huwag ko na lang pansinin.

“And now, ibinalik niya ako kay God.

"We attend Victory [Christian Fellowship] every Saturday."

Ayon pa kay Vin, malaki ang naitulong sa kanya ng pagkakaroon ng mas malalim na relasyon sa Diyos upang mas maging positibo ang pagtingin niya sa buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN