Dingdong Dantes on entering politics in 2016: “If you ask me about plans, wala akong plan."

Dingdong Dantes says that finishing his college studies doesn’t necessarily mean he’s preparing to run for candidacy in the 2016 elections. "It’s preparation for more education later kung sakaling gusto ko mag-Masters. At saka kung medyo acquainted ka na sa isang bagay, you can always expand. I’m happy that finally I took it off my back. Kasi minsan, iisipin natin diploma lang ’yan. But when I was going through my work, yung requirements sa


Ngayong pormal nang nakapagtapos ng bachelor’s degree in Business Administration si Dingdong Dantes, may mga espekulasyong bahagi ito ng paghahanda ng aktor para sa 2016 elections.

Ngunit tila hindi pa kumbinsido si Dingdong na sumabak sa pulitika nang tanungin siya tungkol dito.

“If you ask me about plans, wala akong plan [to run for politics in 2016],” pahayag ng aktor.

Hindi itinanggi ni Dingdong na mayroon siyang mga kaibigang may puwesto sa gobyerno. Pero hindi raw ibig sabihin ay gusto na rin niyang pasukin ang larangan ng pulitika.

Pahayag ni Dingdong nang tanungin kung mayroong political groups na kumukumbinsi sa kanyang tumakbo at maging kaalyado sa 2016 elections:

“Not exactly convincing. But I can say that I’m in touch with my friends who are there.

“They’ve been constantly helping me also, in their own capacity, to support my advocacies.

“These are friends that I look up to and I believe in.

“Bilang sila ang batikan diyan, they never fail to give me advice at umaalay, kumbaga, sa mga puwede kong gawin bilang normal citizen.”



OUTREACH ACTIVITIES. Kilala si Dingdong na aktibo sa pagkakawanggawa bilang founder at chairman ng Yes Pinoy Foundation na naitatag noong 2009.

Ang naturang non-profit organization ay nagtataguyod ng iba’t ibang educational programs para sa mga kabataang walang kakayahang magtustos ng kanilang pag-aaral.

Isa sa pinakabagong proyektong inilunsad ng Yes Pinoy ay ang pagkalap ng pondo para sa pagbili ng 3,000 school chairs para sa Estancia Central Elementary School sa Iloilo, na matindi ang sinapit na pinsala sanhi ng bagyong Yolanda.

“Hopefully, ma-turnover namin before school starts again in June,” sabi ni Dingdong.

Bukod dito, personal ding nag-distribute ng school supplies ang Kapuso actor sa Zonta Elementary School sa Sta. Ana District, Davao City, noong March 14.

Ayon kay Dingdong, ang GMA Network Regional ang bahalang pumili ng public elementary school na magiging beneficiary ng in-kind donations na magmumula sa Yes Pinoy Foundation at iba pang donors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s the message na para sa amin, hindi lang audience ang una sa puso ng GMA kundi pati mga students.

“Kasi, when we go to mall shows, sila [elementary students] yung hindi namin masydong nami-meet.

"Kasi number one, medyo malayo sa mall ang kanilang barangay.

"At number two, hindi sila papayagan dahil bata pa sila."

Bago pa man naitatag ang Yes Pinoy Foundation ay aktibo na rin si Dingdong sa youth-oriented socio-civic works.

Dagdag pa ng aktor, “Before, medyo average student lang ako na hindi masyadong active sa ganyan.

"Nagsisi ako nun na dapat medyo gumawa ako ng something kaya bumabawi talaga ako.”

FINISHING COLLEGE. Masaya ring ibinahagi ni Dingdong na sa wakas ay natapos na niya ang kursong Business Administration sa West Negros University sa Bacolod.

Matatandaang saglit na nag-aral si Dingdong ng Marketing Management sa San Beda College, bago siya lumipat sa Ateneo De Manila University kunsaan kinuha niya ang kursong Interdisciplinary Studies (IS).

Ngunit napilitang huminto ng pag-aaral ang Kapuso actor dahil sa pagiging abala niya sa showbiz.

“I looked for a school kung saan mame-merit yung kulang ko before and na-take up dun sa course na gusto ko, which is IS, sa Ateneo major in Communication and Management.

“Yung communication part natapos ko lahat dun sa Ateneo. In fact, in-apply ko na yung iba sa pagdidirek and everything.”

Kaya naghanap siya ng unibersidad na mayroong distance learning program, kunsaan required siyang mag-submit ng test via Internet at magkaroon ng consultation sa kanyang teachers.

Naniniwala si Dingdong na malaki ang naitulong ng kanyang pag-aaral sa kanyang trabaho bilang artista.

“Imagine, I was taking up accounting. Meron dun about income tax.

"Itong mga bagay na ito, kapag ‘di mo matutunan sa classroom, you have to make an extra effort para maintindihan mo.

“Pero dun talagang ituturo sa ’yo lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, naintindihan mo why you’re paying this much. Kung saan napupunta, paano nako-compute.

“Kung maiintindihan mo how everything around us works, including yung pagbenta ng produkto, yung mga ginagawa ng boss namin sa station, mas maa-appreciate mo kung anong value ng work mo as an actor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN