Marian Rivera now immune to rumors that won’t die: "Dedma lang kasi kami sa isyung ganyan."

Marian Rivera was seen with the parents of Dingdong Dantes at his graduation at the West Negros University. Is she already a part of his family? Her coy reply, “Ayoko namang sabihing oo, pero mabait sila sa akin, e.”


Sanay na si Marian Rivera sa isyung ikinakapit sa kanya madalas na kesyo mataray raw siya.

Ang pinakahuli ay nang magpunta sila ni Dingdong Dantes sa Balesin Island noong Valentine’s Day.

Ayon sa report na lumabas, nagtaray at nagalit daw si Marian dahil may mga kumukuha ng larawan ni Dingdong habang naka-swimming trunks ang aktor.

Natatawa lang si Marian sa isyu.

Saad niya, “Ganito na lang, ha, ang Balesin ay exclusive sa mga member lang.

"Ibig sabihin, konting-konting tao.

"Pero sige, ipagpalagay na maraming tao, hindi naman nagta-trunks si Dong.

"Ano ba, uso pa ba ang trunks ngayon?”

Dugtong pa ng aktres, “At saka bakit daw ako magagalit, nagagalit daw ako na pini-piktyuran?

"Well, ganoon yata ang showbiz… hindi naman titigil at titigil ang mga intriga.

“Nasa ‘yo na ‘yan kung paano i-handle.

"Hayaan na lang natin, huwag na lang patulan.

"Public property kami, e, so wala kaming choice.

"As long as hindi kami nababastos, nagpi-picture, nag-a-approach, walang masama.”

Tanong pa ni Marian sa entertainment press na nakapaligid sa kanya: “Ikaw ba, nagta-trunks ka pa?"

Saad pa niya, “Nakakatawa lang kasi na ang konti lang namin doon, kami-kami lang ang nandoon.

"Natatawa talaga ako sa isyu na ‘yan.”

Wala raw alam si Dingdong sa isyung ito, at kung malaman man niya ay matatawa rin lang daw siguro ito.

"Deedma lang kasi kami sa isyung ganyan!" tawa pa ni Marian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Marian matapos siyang ipakilala bilang bagong endorser ng BiofiTea noong March 25, sa opisina ng Diamond Laboratories Inc., sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

CARMELA. Natawa rin ba siya nang maisyung maka-cut short daw ang primetime series niya sa GMA Network na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw?

Nakangiti niyang sabi, “Well, kung maka-cut short, ngayon pa lang, sasabihin kong hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinirmahan ko ang Carmela, three to four months. Lahat ng soap ngayon, ganun na lang nagtatagal.

"Feeling ko naman, mag-e-extend siya, sana.”

Masaya naman si Marian dahil ngayon, pataas na nang pataas ang naitatalang rating ng Carmela, base sa overnight ratings ng AGB Nielsen sa Mega Manila households.

Saad niya tungkol dito, “Siguro, ganoon talaga.

"Naniniwala kasi ako sa magandang istorya, ’tapos good vibes talaga kaming lahat sa set.

“Pero sabi nga ni Direk [Dominic Zapata] sa amin, masaya kami sa rating, pero ang maganda dun, yung alam mong dedicated ka sa trabaho dahil ito ay mga numbers lang naman.

"Tinatrabaho mong mabuti ang trabaho mo at marunong kang makipagkapwa-tao sa set mo at masaya kami sa set.

“So, happy kami na patung-patong ang happiness namin sa taping.”

ENDORSEMENTS. Hindi maitatangging isa si Marian sa may pinakamaraming endorsements ngayon.

Halos sunud-sunod ang mga product launch na siya ang celebrity endorser kaya puwedeng sabihin na ang buwan ng Marso ay "Marian month."

Dagdag pa kasi rito ang magazine covers niya ngayong buwan.

Sabi ni Marian tungkol dito, “Siyempre, thankful.

"Ganoon siguro talaga ang buhay, not all the time, palagi kang nasa itaas.

"May mga pagkakataon na talagang gigilid ka talaga.

“Siguro, kapag mahal mo ang ginagawa mo at right timing, ganoon talaga.”



MARICEL SORIANO. Sa isang banda, masaya si Marian dahil noong Sabado, March 22, nagkasabay-sabay silang tatlo nina Dingdong at Maricel Soriano sa Eat Bulaga! nang mag-judge sila sa streetdance competition.

Magkasama rin sina Dingdong at Maricel sa isang upcoming primetime series ng GMA.

Sabi ni Marian tungkol sa Diamond Star, “Naging nanay-nanayan ko rin ‘yan at napakabait niyan sa akin.

“Isa lang ang hiniling niya sa akin, hindi siya papayag na hindi ako dumalaw sa taping.

"Sabi ko, sige, kapag hindi ako busy, dadalaw ako sa kanya.

“Nakakatuwa, kasi alam naman nating Diamond Star siya, ’tapos bagong partner ni Dong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam naman nating marami siyang matutunan, so maganda ‘yan, at least mga bago.”

FAMILY. Ngayong Holy Week, hindi pa raw alam ni Marian kung saan sila magpupunta, pero kadalasan daw ay kasama nila ang pamilya ni Dingdong.

Sagot nito kung parte na ba talaga siya ng pamilya ni Dingdong, “Ayoko namang sabihing oo, pero mabait sila sa akin, e.”

Noong graduation nga raw ni Dingdong sa West Negros University ay siya at ang mga magulang ng aktor ang nandoon.

Biro nga kay Marian ay “misis na misis” ang peg niya.

Natatawang sagot naman ng Kapuso Primetime Queen, “Hayaan niyo na, kasi noon pa sinabi na niya, ’Baby, sa graduation ko, hindi puwedeng wala ka. Kailangan gawan mo ng paraan.’

"Kaya noon pa lang, ginawan na namin ng paraan na kailangan, wala akong trabaho talaga.”

Sa Instagram account naman niya, binati siya ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez na "congratulations" sa kanyang “hubby.”

Hubby talaga?

“Well, si Bianca kasi, minsan hubby, minsan love, minsan ’to your bf.’

"So, kahit hindi kami palaging nagte-text-an ni Bianca, mabait si Bianca sa akin, e.

"Palagi ‘yan nagko-comment sa Instagram ko, ganoon din ako sa kanya.”

Natutuwa rin siya sa ginawang marriage proposal kay Bianca ng boyfriend nitong si JC Intal?

Sagot ni Marian, “Yes, happy ako. Nasusundan ko rin siya sa Instagram.

"Happy ako na napaka-sweet nila, palagi silang may time sa isa’t isa.

"Deserve nila ang isa’t isa at mukhang happy na happy talaga.”

Pilit namang tinatanong si Marian paano kung may magbigay ng ibang kahulugan sa sinabi ni Bianca na “hubby.”

Pakli niya, “Okay lang yun, lahat naman may meaning sa ibang tao, so hayaan na lang natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN