Chito Miranda on Kaye Abad’s breakup with Guji Lorenzana: "Niloloko ko siya na tatanda siyang dalaga."

At the MYX Music Awards 2014, Kaye Abad presented the Favorite Group award, which was won by Parokya Ni Edgar. The band’s lead vocalist, Chito Miranda, happens to be Kaye’s ex-boyfriend. In his speech, Chito said, "Buti na lang malakas ako sa kaibigan ko."


Napuno ng hiyawan at kilig ang Samsung Hall ng SM Aura nang magyakapan ang dating magkasintahang sina Chito Miranda at Kaye Abad sa stage ng MYX Music Awards 2014 kagabi, March 26.

Si Kaye at ang kapwa niya Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria ang nag-present ng Favorite Group award, na napanalunan ng Parokya ni Edgar.

Ang bokalista ng Parokya Ni Edgar ay si Chito.

Nang tanggapin ni Chito ang trophy para sa kanilang banda ay niyakap niya si Kaye.

Sa kanyang speech, pinatungkulan din ng bokalista ang kanyang ex-girlfriend, "Buti na lang malakas ako sa kaibigan ko."

Nasabi niya ito dahil bago pa lang pala magsimula ang awards night ay nagbibiruan na ang dalawa, bilang isa si Kaye sa mapre-present ng award sa category na nominado ang grupo ni Chito.

Kuwento ni Chito sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press pagkatapos ng awards night, "No, alam ko na siya ang magpre-present before pa, e.

"Kasi we keep in touch naman, e. We’re good friends.

"So, sabi niya [Kaye], ’Uy, kami magpre-present ng award niyo.’



"So, sabi ko, ’Kahit hindi kami [ang manalo], sabihin mo kami, ha? Kahit hindi kami yung nanalo, kahit ano pa yung nakalagay na banda diyan, basahin mo, Parokya ni Edgar.’

"That’s our joke.



"So, nung sinabi niya kanina, I was expecting na she did it for the fun of it, na Parokya.

"Yun pala, kami talaga. Kaya it was a pleasant surprise pa rin."

Bukod sa Favorite Group, pinarangalan din ang Parokya Ni Edgar ng Magna Award, na iginagawad sa artist o group na nakapagbigay ng historically groundbreaking music.

KAYE’S BREAKUP. Kamakailan ay inamin ni Kaye ang paghihiwalay nila ng singer-actor na si Guji Lorenzana pagkatapos ng tatlong taong relasyon.



Read: Kaye Abad admits breakup with Guji Lorenzana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Chito, napag-uusapan nila ni Kaye ang tungkol sa recent breakup nito.

Pero nahingan ba siya ng advise ni Kate tungkol sa recent breakup niya?

Sabi ni Chito, “We just laugh about it.

“Niloloko ko siya na tatanda siyang dalaga.

"We don’t talk about that too much.

“Kinakamusta ko lang and I make sure na both Guji and Kaye are fine. Kasi, gusto ko pareho silang okay.

“Mabait kasi si Guji, e. Mabait din si Kaye.

“We’re all good friends kasi. Lahat kami magkakaibigan.”

Dagdag pa niya, “Ilang Christmas ago... kasama ko si Guji sa Chirstmas.

"Sama-sama kami lahat and Kaye has been good to everyone.

“Walang teleserye or drama wala, wala.

"Sorry it’s so boring, but everybody’s friends with everyone."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN