Heart Evangelista on reconciliation with Marian Rivera: "Sana dumating din ‘yan, pero huwag na lang sigurong ipilit."

Hindi raw isinasarado ni Heart Evangelista ang posibilidad na magkaayos pa sila ng kapwa Kapuso star na si Marian Rivera. Pero para sa kanya, hihintayin na lang niya ang tamang pagkakataon at hindi niya ito ipipilit.


Sa wakas, nangsalita na si Heart Evangelista sa pinag-uusapang Instagram post nito noong March 4 kung saan inulan siya ng batikos.

Base sa reaksiyon ng Netizens, pinagkumpara diumano ni Heart ang dami ng nabibentang magazines kung saan pareho silang covers ni Marian Rivera.

Si Heart ang March cover girl ng Cosmopolitan, samantalang si Marian ay nasa pabalat noong Pebrero.

Read: Does Heart Evangelista still hold a grudge against Marian Rivera?

Pero ayon kay Heart, nabigyan lang iyon ng malisya ng mga fans.

Saad ng actress-TV host, “Well, it’s always like that.

"I guess naman, ‘no, every little thing you do, there’s malice.

"Kahit na nga before, nag-upload ako ng picture na yung tsinelas namin ni Chiz nasa floor, na parang sinabi live-in na ako.

“So, there is always going to be some issue.

"But again, that’s showbiz, at least there is something to talk about, ‘di ba?

"Na-excite sila for a time, na tumaas yung adrenaline nila or something.

"Pero, really, it’s nothing."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Heart sa CreamSilk @ 30 na ginanap kagabi, March 26, sa Puerta Real Garden, Intramuros, Manila.



“I THINK, IT’S A MATTER OF TIME.” Sa ginawa ring paliwanag ni Heart sa kanyang Instagram page tungkol sa isyu, sinabi nitong hindi talaga sila magkaibigan ni Marian, pero nananatili naman daw civil ang pakikitungo nila sa isa’t isa.

Hindi nagawang matanong si Heart noon ng media tungkol dito. Pero kagabi, nagpaliwanag ang Startalk host sa kanyang sinabi.

Aniya, “We’re not really okay, I’m very honest naman.

"Although we’re very civil with each other, but we’re not okay.

“But I hope people also understand and accept that because, you know, in showbiz, iba-iba din naman ng grupo yan, ‘di ba?

"Pero of course, sana dumating kami…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m sure, in time, may certain moment din ‘yan na darating na magiging okay na talaga lahat like it was before nung nagkaroon ng away."

Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa nang masangkot sila sa matinding iringan habang ginagawa nila ang pelikulang Temptation Island noong 2011.

Read: Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

Dagdag pa ni Heart, “Sana dumating din ‘yan, pero huwag na lang sigurong ipilit.

"At least, wala namang negatibo sa aming dalawa.

"Wala naman akong masasabing masama sa kanya, wala rin naman siyang masabing masama.

“So, it’s there. I think it’s a matter of time.”

POSITIVE OUTLOOK. Pagdating ni Heart sa venue ng event kagabi, todo-smile ito sa lahat ng mga tao na nandun.

Halos magkasabay rin silang dumating ng ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga.

Pero wala raw "bad blood" sa pagitan nila. Nagkawayan pa nga ang dalawa sa black carpet.

Hindi rin nagdalawang-isip si Heart na magpa-interview sa media.

Bakit ganun na lang kapositibo ang pananaw niya sa buhay ngayon?

Sagot niya, “Because I’m so happy with life, e.

“And, you know, when you see beyond what you’re doing, the importance of life, not just how do you wanna be famous or you wanna be the ‘It’ girl...

“When you look beyond that, there’s so much more to life, you know.

"And, you know, I’ve gone through so many stages in life—my showbiz career, nalaos, bumalik, nalaos, and it’s really a roller-coaster ride for me.

“So, these things [intrigues] don’t really bother me anymore.”

Natuto na rin daw siyang makiayon sa kung anuman ang ibinabatong isyu laban sa kanya.

Sabi ni Heart, “You know, in showbiz, parang you can’t be sensitive, you can’t be onion skin… para maka-survive ka.

“So, I guess it’s not that I have thick skin para maka-survive, but I guess I just have so much… more [positive things] going for me and coming to my personal life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN