Dingdong Dantes on graduating from college: “Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.”

Dingdong Dantes on importance of education: "Importante sa akin ang education. Ang karunungan, kahit kailan ay hindi natatapos. Natapos man ako sa college, hindi ibig sabihin na titigil na ako sa aking kagustuhang malaman ano pa ang mayroon diyan sa labas na puwede kong magamit para maging mas mabuti at epektibo akong tao."


Pinatunayan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na hindi hadlang ang edad, trabaho o anumang balakid para makapagtapos ng pag-aaral.

Noong Linggo, March 23, isa si Dingdong sa mga mag-aaral na nag-martsa sa West Negros University, sa Bacolod City, para sa natapos nitong kursong B.S. Business Administration major in Marketing.

Marami ang nagulat dahil sa kabila ng pagiging abala ng aktor sa iba’t ibang bagay, hindi lamang sa kanyang pagiging isang artista, nagawa pa rin niyang makapagtapos ng kolehiyo.

Sa pamamagitan ng text messaging ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong.

Ang una naming kinamusta sa kanya ay kung ano ang pakiramdam sa “moment” na tinatawag na ang pangalan niya bilang isa sa mga estudyanteng nagmartsa at inabutan ng diploma ngayong taong ito.

Sagot ni Dingdong, “It’s the great feeling of satisfaction na after 8 years in college, natapos na siya, finally.

“Dahil sa tiyaga at determination, lahat talaga puwedeng maging possible.

“Lalo na sa importanteng milestone kagaya ng pagtatapos ng college.”

Bukod sa pagkakaroon ng diploma, pinarangalan din si Dingdong ng West Negros University bilang Ambassador of Goodwill dahil sa effort niyang mai-promote ang kahalagahan ng edukasyon sa pamamagitan ng kanyang Yes Pinoy Foundation.

WHY IN BACOLOD. Sinagot naman ni Dingdong ang ilang komento ng Netizens kung bakit sa Bacolod pa ipinagpatuloy ng aktor ang kanyang kolehiyo, gayong marami naman daw unibersidad at eskuwelahan sa Manila.

Paliwanag ng aktor, “Dahil sa naging busy ako sa mga showbiz commitments noong 2005, I had to take a leave of absence sa Ateneo.

“When I decided to go back to school, I had to look for an institution which offers an online course, especially for working students like me.

“I was fortunate to find West Negros University.”

May plano nga ba siyang mag-Masteral naman?

Sagot ni Dingdong, “That day marked the end of a long overdue chapter of my life, and the beginning of a new milestone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am grateful to the ones who have helped me reach this point. Hindi siya madali pero sulit na sulit.

“Master’s na ang susunod.”

Bukod sa pagiging matagumpay sa larangan ng showbiz at maging sa negosyo, isa na namang accomplishment ni Dingdong ang pagtatapos ng pag-aaral, sa kabila ng inabot siya ng walong taon bago ito makamit.

Pahayag ni Dingdong, “Importante sa akin ang education.

“Ang karunungan, kahit kailan ay hindi natatapos.

“Natapos man ako sa college, hindi ibig sabihin na titigil na ako sa aking kagustuhang malaman ano pa ang mayroon diyan sa labas na puwede kong magamit para maging mas mabuti at epektibo akong tao.

“Halimbawa, sa kurso kong Marketing, lalo ko na ngayon magagamit ito sa pag-develop ko sa aking sarili bilang artista at para na rin sa mga kasalukuyan kong negosyo.”



SPECIAL DAY. Noong mismong graduation ni Dingdong, bukod sa mga magulang niya, kasama rin ng aktor ang kasintahan niyang si Marian Rivera.

Ayon kay Dingdong, “Lalong naging special ang araw na yun dahil nandoon sila.

“Kahit ‘di man kumpleto ang family ko, masayang-masaya ako na nakarating sila kahit na busy sila.”

Sa huli, hiningan namin si Dingdong ng mensahe para sa mga mag-aaral na magtatapos ng pag-aaral ngayong taon.

Ayon sa aktor, “It is not enough to know what your goal is, you must also know how to chase it… and chase it really well.

“Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN