Dennis Trillo on possibility of romantic relationship with Ai-Ai delas Alas: "Lahat possible kung pareho kayong single."

"Yung pagiging in love, mas maingat na ako ngayon. Dati mabilis, pero ngayon, nag-iisip na ako. Hindi lang puro puso, sinasamahan ko na ng kaunting utak," says Dennis Trillo about falling in love again.


"Lahat possible kung pareho kayong single."

Ito ang pahayag ni Dennis Trillo bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Ai-Ai delas Alas tungkol sa posibilidad na magkaroon sila ng relasyon.

Matatandaan na noong 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC), nabanggit ni Ai-Ai na si Dennis ang bago niyang "inspiration."

Read: Dennis Trillo is Ai-Ai delas Alas’s "new inspiration

Sa press conference naman para sa announcement ng winners ng PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List 2013, kahapon, March 27, sa Mango Tress Bistro, Bonifacio Global City, Taguig, naging highlight ang pagkakilig ni Ai-Ai nang makita si Dennis.

Si Ai-Ai ay host ng event habang si Dennis, kasama si Tom Rodriguez, ay nanalo bilang Celebrity Pair of the Year.

Sa panayam kay Dennis matapos ang press conference, tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa mga naging reaksiyon ni Ai-Ai.

"Hindi ko rin naman alam talaga kung gaano siya kaseryoso," nakangting sagot ng Kapuso actor.

"Siyempre, napapanood ko siya lagi noon sa mga comedy, although meron siyang drama sa ibang pelikula.

"Pero sa whole time na nakilala ko siya at nakasama, talagang hindi ko lang matantiya kung gaano siya kaseryoso o talagang puro biro palagi."

Dahil dito, hindi rin masagot ng Kapuso hunk ang tanong ng media kung may posibilidad na magkamabutihan sila.

"Hindi ko alam. Hindi ko rin masabi, e," sabi ni Dennis.

"Hanggang hindi kayo nagkakasama nang matagal, hindi mo siya nakikilala nang lubusan.

"Pero kapag lagi mo siyang nakakasama sa trabaho, araw-araw, doon mo pa lang siguro masasabi.

"Dahil, at least, may idea ka na kung papaano siya o anong klaseng tao ba siya, paano siya makasama."

Sa ngayon, ayon kay Dennis, nagkakausap na sila ni Ai-Ai sa pamamagitan ng text messaging.

"Mga friendly text messages lang, ’Kumusta ka? Saan ang lakad mo ngayon?’"

Kung may pagkakataon, payag daw si Dennis na makatrabaho si Ai-Ai sa isang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isa rin sa bucket [list] ng isang artista na makatrabaho ko ang mga iniidolo ko noong hindi pa ako artista, ’yon nga si Ai-Ai, Aga Muhlach, at marami pang iba.

"Marami pa akong gustong makatrabahong artista," sabi niya.



FALLING IN LOVE WITH AN OLDER WOMAN. Kung sakali, okay lang kaya kay Dennis ang ma-in love sa mas nakatatandang babae?

Si Dennis ay 32 years old, habang si Ai-Ai naman ay 49.

Sagot ng aktor, "Sa totoo lang, sa pag-ibig, hindi mo rin talaga masasabi.

"Minsan, akala mo wala lang o patawa lang, pero hindi mo alam makakatuluyan mo.

"Ayaw ko na lang magsalita nang tapos dahil ganun talaga yung nangyayari sa totoo ng buhay."

Kaugnay nito, hindi raw problema kay Dennis kung maiba ang imahe niya sa publiko dahil sa taong mamahalin niya.

"Alam mo, kapag na-in love ka o kapag nagmahal ka, minsan nakakalimutan mo na ang lahat," sabi niya.

Subalit ngayon ay naging mas maingat na raw si Dennis pagdating sa pagmamahal.

"Matagal na akong walang girlfriend. Siguro mag-iisang taon na akong bakante.

"Well, yung pagiging in love, mas maingat na ako ngayon.

"Dati mabilis, pero ngayon, nag-iisip na ako.

"Hindi lang puro puso, sinasamahan ko na ng kaunting utak."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN