Phil Younghusband wants ex-girlfriend Angel Locsin “to be happy”

Hindi raw muna iniisip ni Phil Younghusband ang lovelife sa ngayon dahil mas inaatupag niya ang training kasama ang team niyang Philippine Azkals.


“Life is happy.”

Ito ang bungad ni Phil Younghusband sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Miyerkules, March 26, sa CreamSilk @ 30 event, sa Puerta Real Garden, Intramuros, Manila.

Sa kasalukuyan, puro football lang daw ang inaatupag ni Phil matapos ang much-publicized breakup nila ng Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Read: Angel Locsin confirms breakup with Phil Younghusband: "Maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito."

Sa usaping pag-ibig, sabi ni Phil, “Nothing, nothing.

"My heart is not being affected right now.

"I have nothing… a feeling of my heart at the moment, so that’s why maybe everything is okay.”

Matapos lamang ang ilang buwan pagkatapos nilang maghiwalay ni Angel, napabalitang naging maayos muli ang relasyon ni Angel sa ex-boyfriend nitong si Luis Manzano.

Kalaunan, inamin ng dalawa na nagkabalikan na nga sila.

Read: Angel Locsin admits Luis Manzano has said "I love you" since they got together

Ano ang masasabi ni Phil na nagkabalikan sina Angel at Luis?

Aniya, "I’m not going to give any comment. I don’t… give any comment."

May wish ba siya para sa ex-girlfriend?

Saad ni Phil, “I always wish happiness for Angel. I’ve always wished for Angel to be happy. So, that’s it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN