LJ Reyes does not ask ex-boyfriend Paulo Avelino about KC Concepcion

Marami ang nagsasabing itinodo na ni LJ Reyes ang pagpapa-sexy simula nang magkahiwalay sila ng boyfriend niyang si Paulo Avelino. Pero biro ng aktres, ngayon pa lang kasi siya nagdadalaga.


Sexy see-through ang suot na gown ni LJ Reyes nang mamataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Creamsilk @ 30 event last March 26 sa Intramuros, Manila.

Bakit kaya parang ang daring niya ngayon?

Pabirong sagot ng Kapuso actress, “E, kasi nagdadalaga na daw ako. Ngayon pa lang.”

Noon namang Sabado, March 22, isa si LJ sa rumampa sa FHM event sa Solaire Resort and Casino. Bakit kaya nagpapa-sexy siya ngayon?

Tugon niya, “A, nagkataon lang siguro na may FHM event din and I was invited to dance and do a ramp.”

Napadako naman ang usapan sa ex-boyfriend at ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

“Okay naman siya!” natatawang sabi ni LJ.

Pero kahit daw hiwalay na sila, patuloy pa rin naman daw silang nag-uusap.

“Oo naman, for the kid. Oo.”

Ano ang masasabi niyang nililigawan ngayon ni Paulo si KC Concepcion?

Sagot nitong may halong halakhak, “A, hindi pa namin napag-usapan yun.

“But, if in case, okay naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN