ER Ejercito on having been dragged into the issue of vote-buying for Best Actor trophy: "Hindi ko naman kailangan ng awards."

Ang pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito, ang pagkakaroon ng kontrobersiya sa award-giving bodies ay hindi na bago. Dagdag pa niya, marami na rin naman daw siyang nakuhang acting awards mula sa mga nagawa niyang pelikula kaya hindi ’yon ang "focus" niya.


"Yung ma-nominate lang ako sa mga award-giving bodies na ito, malaking bagay na. Yung manalo, bonus na ’yon."

Ito ang pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, March 28,
sa 10th anniversary celebration ng Globaltronics, ang sinasabing pioneering company sa larangan ng digital signage o LED billboards.

Napag-usapan ang pagkakadawit ng pangalan ni ER sa vote-buying allegation ng publicist niyang si Jobert Sucaldito sa 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Sa awards night na naganap noong March 9, isa sa mga nominado sa kategoryang Movie Actor of the Year ang pulitiko. Kasama niya sina Vice Ganda (Girl Boy Bakla Tomboy), Joel Torre (On The Job), Dingdong Dantes (Dance of the Steel Bars), Jake Macapagal (Metro Manila), at Piolo Pascual (On The Job).

Lahad ni Jobert sa Facebook, ilang linggo raw bago nangyari ang gabi ng parangal, nilapitan siya ng voting members ng PMPC at nagtanong kung hindi ba niya ila-lobby ang "alagang" si ER para sa Movie Actor of the Year ng Star Awards for Movies.

Sinabi rin daw kay Jobert na ang "rightful winner" ay si Joel Torre para sa pelikulang OTJ: On The Job pero hindi raw nito kayang magbayad sa voting members ng PMPC.

Dahil dito, nagbayad daw siya sa voting members na tiniyak naman sa kanya ang pagkapanalo ni ER.

Laking gulat raw ni Jobert nang si Vice Ganda ang nanalo.

Read: PMPC Star Awards for Movies results marred by vote-buying accusation

Sa official statement na inilabas ng PMPC noong March 11, nanindigan ang pamunuan nito na walang bahid ng pandaraya ang resulta ng mga nanalo sa Star Awards.


Read: PMPC refutes vote-buying allegation at the Star Awards for Movies

ER’S COMMITMENT. Noong March 13, naglabas ng official statement si ER at sinabing wala siyang alam sa mga naging hakbang ni Jobert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Governor ER Ejercito on vote-buying allegation of publicist Jobert Sucaldito against PMPC: "I do not have anything to do with the controversy."

Dugtong niya sa panayam namin kagabi, "Commitment ko nga na gumawa ng one movie a year. Ngayon, ma-nominate lang ako, bonus na sa amin yung manalo ng award."

Aniya, marami na rin naman siyang napanalunang Best Actor awards, kabilang na rito yung galing sa FAMAS, Luna, Star Awards, at Gawad Pasado para sa performance niya sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011).

Tatlong acting awards naman mula rin sa FAMAS, Luna, at Star Awards ang nakuha niya para sa pelikulang El Presidente (2012.

Pahayag pa niya tungkol sa isiniwalat ng kanyang publicist, "Yung ginawa ni Kuya Jobert Sucaldito, nalaman ko lang ’yon after the awards night kaya medyo napagsabihan ko siya dun tungkol sa ginawa niya, at hindi ko alam ’yon, na nagulat na lang ako.

"Pero nagulat ako dahil ang akala ko ang mananalo, si Joel Torre.

"Pagdating naman sa awards night, marami talagang controversy, maraming intriga, hindi nawawala ’yon.

"Sa MMFF [Metro Manila Film Festival], napakaraming controversy, sa Star Awards, Urian Award, sa Gawad Pasado, sa FAMAS, sa Luna, lahat ng award-giving bodies natin.

"Maraming controversies diyan, pero ako naman, hindi ko naman kailangan ng awards.

"Marami nga tayong natanggap na awards.

"Commitment ko lang ay gumawa ng isang quality movie na Graded A ng Cinema Evaluation Board and consistent naman ako—Asiong Salonga, El Presidente, pati Boy Golden, consistently Graded A by the Cinema Evaluation Board."

Follow-up question ng PEP, hindi ba siya nadadala sa paggawa ng pelikula dahil hindi ito ang unang beses na naharap siya sa kontrobersiya?

"Hindi naman ’yon ang focus ko," sagot ng Laguna governor.

"Ang focus ko, gumawa ng quality film na dapat sana ma-Graded A ng Cinema Evaluation Board at focus ko rin makatulong sa mga napakaraming walang trabaho sa pelikulang Pilipino, focus ko makatulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Second na lang yung nomination."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN