Melissa Ricks on new outlook in life: “Ngayon, I just want to enjoy, I want to make mistakes. I want to learn.”

Melissa Ricks explains her willingness to make mistakes in life and love as part of her learning process: “Kasi, if you don’t make mistakes, you’ll never learn. Palagi ka na lang takot. At least, when you make a mistake, in the future, you will know what to do, ‘di ba?”


Biniro ng ilang entertainment press si Melissa Ricks nang makapanayam nila ito sa I Am Nikon event launch sa TAO Building sa Makati City, noong March 25.

Nang kumustahin kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapamilya actress, nakangiting sumagot ito ng, “Heto, alive and kicking pa naman.”

Kaya sinundan ito ng tanong kung nahanap na ba talaga si Elisa, na siyang naging papel niya sa seryeng Nasaan Ka Elisa?

“Matagal nang nahanap, naliligaw lang ulit,” natatawa niyang sagot.

Pagkatapos daw ng serye niyang Honesto, “bakasyon mode” na ito.

MOVING ON AFTER BREAKUP. Maayos naman daw sila at magkaibigan pa rin ng ex-boyfriend niyang si Paul Jake Castillo.

Ayon kay Melissa, “Okay naman kami, wala kaming bad blood sa amin ni Paul Jake.”

Wala pa bang bagong lovelife pagkatapos ni Paul Jake?

Aniya, “Well, may mga friends, new friends pero non-showbiz na at hindi na rin Jake ang pangalan niya.”

Masaya bang muli ang puso niya?

“Inspired, happy naman po,” nakangiti niyang sabi.

Non-showbiz guy raw ang bagong nakaka-date ni Melissa, nakilala raw niya ito sa pamamagitan ng mga kaibigan na sina Bianca Manalo at Gretchen Fullido.

Ang bagong dini-date raw ni Melissa ay isang young businessman na dati rin niyang schoolmate sa OB Montessori, pero ngayon lang daw sila nagkitang muli matapos ng matagal na panahon.

Puwede na ba niyang sabihin na talagang naka-move on na siya mula sa huling breakup niya?

“Ako kasi, with my past relationship, ayoko nang umaasa ba, ayoko nang to hold on sa mga memories.

“Twenty-four years old na ko, hindi na ko bumabata. Sabi ko nga kanina, I want to go out, I want to meet people. Late bloomer kasi ako, hindi ako gumigimik. Hindi ako umiinom.

“Ang dami kong hindi ginawa.

“Ngayon, I just want to enjoy, I want to make mistakes. I want to learn. Hindi ako marunong makisama. Since 14 years old ako, ang mga nakikita ko, hi and hello lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILLING TO MAKE MISTAKES. Ano ang ibig niyang sabihin sa, “I want to make mistakes?”

Paliwanag niya, “Kasi, if you don’t make mistakes, you’ll never learn. Palagi ka na lang takot. At least, when you make a mistake, in the future, you will know what to do, ‘di ba?”

Sa nakaraan, sa tingin ba niya hindi siya nakagawa ng mali?

“Ay meron, meron din akong mga mistakes especially sa relationship. But in life, I wanna make mistakes.

“Gusto ko rin mag-business. Marami rin akong gustong gawin. Kumbaga dati, maraming bawal, pinagbabawalan ako palagi. Like bawal akong gumimik, bawal akong sumama sa boys, maraming bawal.

“Now, I know that I’m responsible enough and I know na hindi ako gagawa ng something stupid,” dagdag pa niyang paliwanag.

Aminado naman si Melissa na dumaan din siya sa depresyon pagkatapos ng kanyang failed relationship.

Ayon kay Melissa, “I would say yes nga.

“Before, there were a lot of times na akala mo hindi mo na kaya. That’s why I’m very proud of myself na nabuhat ko ang sarili ko again.

“Sa lahat ng mga pinagdaanan ko, sa lahat ng mga sinasabi ng mga tao, I’m very happy na feeling ko, I’m a very strong person now.

“At a young age, marami akong natutunan sa love. Sa life, I don’t know,” natawang sabi niya.

WEIGHT GAIN. Ang madalas naman na napapansin kay Melissa ngayon ay ang pagdagdag ng kanyang timbang.

Kaya tinanong namin siya kung ang dahilan ba nito ay dahil na-depress siya noon o dahil masaya na siya?

“I know, ang problema kasi sa akin, hindi nga ako malakas kumain.

“Mas malakas pa ngang kumain sa akin sina Kim [Chiu], mas marami pang malakas kumain sa akin. Siguro it’s in the genes, with my dad and my dad’s family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, ngayon lang nag-aano ang genes, hindi naman magpapagutom, pero kailangan, palagi akong nagda-diet, nagwu-workout.

“Kasi, for the past years, sobrang problemado na talaga ’ko sa weight. Hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan.

“So, I’m gonna go to the doctor, baka may problem sa hormones or thyroid. Meron time na two months, puro salad, pero hindi talaga ako pumapayat,” hinaing niya.

Maraming babae, lalo na kung artista pa, ang ayaw na napapansin ang tungkol sa kanilang timbang.

Kaya tinanong namin si Melissa kung nao-offend ba siya kapag may pumupuna sa weight niya.

Aniya, “Nao-offend ako kasi for me, hindi naman ako mataba. I’m normal but everybody kasi is really petite and really small.

“So ako, I’m half-American also. And for my height, I think I’m okay but with show business, you really have to be payat. I have to work on that.

“Kasi, noong bagets ako, sobrang payat ko.”

COMFORTABLE PLAYING KONTRABIDA. Dati, madalas na nakukuha ni Melissa ang mga lead roles hanggang sa malinya na nga siya sa pagiging kontrabida.

Hindi ba niya nami-miss ang maging bida muli?

“Ako kasi, ang pinili kong daan, yung kontrabida way. Mas gusto ko ang kontrabida lang. Hindi ko forte ang umiiyak.

“So, mas nag-e-enjoy ako sa kontrabida role and si Johanna was my favorite talaga, sa Walang Hanggan.

“Sobrang nag-enjoy talaga ko ro’n na nagmamaldita, nang-aaway at saka, mas bagay raw sa akin yun kasi, mukha raw akong maldita.”

Sa huli, kaya raw nasa I Am Nikon event launch si Melissa ay dahil interasado siyang bumili ng DSLR camera at gusto raw niyang subukan ang bagong labas nga ng Nikon.

Sabi niya, “Hindi kasi ako ma-techie kaya gusto kong malaman kung madali lang ba siyang gamitin. Then, yung friend ko, nag-organize rito. Gusto kong makita kung madaling ma-adjust-adjust.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN