Marian Rivera happy for Karylle; doesn’t feel pressured to get married soon

Nang tanungin si Marian Rivera tungkol sa kasal ni Karylle, at kung kelan siya magpapakasal, aniya, “’Yan pong question na ’yan ay sasagutin ko po bilang pagrespeto po sa inyo...Happy ako para sa kanya at siguro mahirap po yung mga bagay-bagay na porke’t meron ang isa, kailangan meron ka rin."


Masayang-masaya si Marian Rivera dahil sa taong ito, dagsaan ang kanyang endorsements.

Noong March 25 sa Diamond Laboratories office sa Commonwealth Avenue, Quezon City, ipinakilala siya bilang endorser ng Biofitea.

Dugtong ng Kapuso Primetime Queen, “Mabait po ang Diyos sa akin so mamayang gabi po, may contract-signing po uli ako ng isa pang ieendorso ko."



GRADUATION GIFT FOR DINGDONG. Kamakailan, nagtapos sa kolehiyo ang nobyo niyang si Dingdong Dantes West Negros University sa Bacolod City, kung saan kumuha siya ng kursong Techno Management.

Ano ang regalo niya?

Balik-tanong ni Marian, “Kailangan ba palaging may regalo? Hindi ba puwedeng kiss lang, love, ganun?”

Hindi pa ba siya nagsasawa sa love at kiss kay Dingdong?

Mabilis niyang tanggi, “Hindi! Iyon ang sekreto ko kung bakit lalo akong bumabata. Choz!”

Meron naman daw siyang regalo pero ayaw na niyang i-reveal kung ano iyon.

“Secret! Bakit ba kailangang palaging alam ninyo? Basta!” at tumawa siyang muli.

THANKFUL FOR BLESSINGS. Sa dami ng blessings na dumarating sa kanya, may mahihiling pa ba si Marian?

“Siyempre ganyan talaga yung pagkakataon, kaya sabi ko sobrang thankful ako sa pamilya ko kasi hindi nilagay sa utak ko na. ‘Ah ’eto, ’eto ka!’

“Palagi nilang sinasabi sa akin na magpasalamat ako sa lahat ng mga blessings ko, at not all the time palagi kang nasa itaas.

“Minsan nasa gilid ka, minsan nasa ibaba ka, so ang maganda niyan sa buhay, palagi mong tinatanggap at marunong kang magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings mo.

"So thankful ako talaga na dumarating uli sila sa akin,” aniya.

May pagkakataon ba na naramdaman niyang down ang career niya?

Sagot ng aktres, “Naniniwala ako na hindi, e. Kasi nandiyan ang lola ko, ang Mama ko, ang Papa ko, at siyempre ang Triple A [talent management] na palagi akong gina-guide at palaging nilalagay sa utak ko na ang trabaho ay trabaho, iba sa personal na buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nagpapasalamat ako na napapaligiran ako ng mga taong mabubuti.

“Siyempre with Dong din.”

Kapag natapos na ang Carmela, ano ang susunod niyang TV project?

“Hindi ko pa po alam pero siguro kung mananatiling mataas ang ratings e maaaring ma-extend po ang Carmela.

“Pero siyempre po ang mga soap opera ngayon ay tumatagal ng three to four months lang, lahat standard po iyon.

“So tingnan po natin dahil ang Temptation of Wife dapat four months lang, pero naging seven months so tingnan natin itong Carmela na pinirmahan ko nang three to four months lang. Malay n’yo mas tumagal pa,” pahayag niya.

Ano pa ang puwedeng abangan kay Marian?

“Bukod sa Carmela meron po akong gagawing siyempre pelikula pa rin, bilang may dalawang pelikula pa po ako sa Regal na kailangan tapusin."

HAPPY FOR KARYLLE. Samantala,may nagbanggit tungkol sa kasal ni Karylle.

Hindi ba niya naisip na gusto na rin niyang sumunod at ikasal na rin?

Ayon kay Marian, “’Yan pong question na ’yan ay sasagutin ko po bilang pagrespeto po sa inyo pero naniniwala po akong wala po akong kinalaman kung anumang nagaganap kay Karylle ngayon.

“So, happy ako para sa kanya at siguro mahirap po yung mga bagay-bagay na porke’t meron ang isa kailangan meron ka rin.

“Kailangan mismo sa puso mo, handa ka at gusto mo yung ginagawa mo. So sa nangyayari sa buhay ko ngayon, masaya ako, siguro in time.

“Happy po ako sa buhay ko ngayon at happy ako kay Karylle na nangyari ’yan sa kanya.

“For sure, lahat ng babae po ay gustong ikasal at maging partner niya yung pang-habambuhay na mag-aalaga sa kanila, at magmamahalan sila.

“So iyon, I’m happy for her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN