Tom Rodriguez and Dennis Trillo elated over Celebrity Pair of the Year win in PEPsters’ Choice

Dennis Trillo on TomDen bagging the PEPsters’ Choice Award for Celebrity Pair of the Year: “Napaka-refreshing nung pakiramdam. Parang first time yatang nangyari na dalawang lalaki ang nanalo bilang loveteam.”

Tom Rodriguez adds, "Parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ’Wow, nangyari pala talaga ‘yon!’"


Sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez ang nanalong Celebrity Pair Of The Year sa PEPsters’ Choice Awards ng The PEP List, na nakatakdang ganapin sa Solaire Resort and Casino sa May 20.

Sobra ang pasasalamat ng dalawa sa lahat ng mga bumoto para sa kanila. Umabot sa 297, 338 ang tinamo nilang boto.

Sabay na dumating sina Dennis at Tom sa presscon para rito na ginanap noong Huwebes, March 27, sa Mango Tree Bistro, Bonifacio Global City, Taguig.

“Napaka-refreshing nung pakiramdam,” sabi ni Dennis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na naroon.

“Parang first time yatang nangyari na dalawang lalaki ang nanalo bilang loveteam.

“Masaya kami ni Tom na nangyari ‘yon. Dahil siyempre parang nando’n na kami sa history so salamat na lang.”

UNEXPECTED SUCCESS. Pahayag naman ni Tom, “Sa akin nakaka… hanggang ngayon naninibago pa rin ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na, ’Wow, nangyari pala talaga ‘yon!’

“Na tinangkilik yung ganung klaseng pair-up. At kagaya ng sinabi ni Dennis, sobrang refreshing.

“Kasi akala namin, October last year natapos yung My Husband’s Lover, akala namin doon na magtatapos na after no’n wala na."

Pero nagpatuloy ang popularidad ng dalawang talents ni Popoy Caritativo.

Dugtong ni Tom, “...nagulat kami sa mga promo namin at sa mga mall show para sa TomDen album namin, gano’n pa rin, e.

“At saka walang single market. May mga lumalapit sa amin na mga tatay, mga maliliit na batang babae, mga lola at mga nanay.

“Kaya lahat ng expectations naming dalawa na sobrang negative dati parang na-break ng gano’n.

“Kasi akala namin noon nakakatakot, na paano na kapag lumabas na ‘yong My Husband’s Lover?

“Baka babatuhin kami ng kamatis o baka walang manonood sa amin.

“Pero iba, e. Sobrang ano pala, sobrang makitid pala ang utak ko dati. Iyon ang na-realize ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na kahit ako mismo, hindi ako naging open sa gano’n, naiisip kong hindi magwu-work yung gano’n.

“Pero sobrang mali ako. Sobrang masaya ako na mali ako.”

Lumalabas pa rin ba silang dalawa o gumigimik pag may panahon?

“Kasi dati pa kami, kay Popoy. Lahat ng Luminary Boys [grupo nila], sobrang solid kami lahat, e.

“Kaya mas lalo pa after My Husband’s Lover.”

Dagdag ni Dennis, “At saka mas masarap kapag kaibigan mo ang katrabaho mo. Mas hindi ka maiilang.

“Mas masasabi mo kung ano ang gusto mong mangyari sa mga eksena, and maganda yung gano’n.”

NO FOLLOW-UP PROJECT YET. Marami pa rin ang nag-aabang ng follow-up project para sa TomDen. Wala pa ba?

Sagot ni Tom, “E, kasi yung mga ganyang bagay, ipinapaubaya ko lagi kay Popoy. Basta sa career ko, lahat ng tiwala ko nasa kanya naman, e.

“Na yung sa akin lang, yung trabaho ko lang ay pagbutihan kung anuman yung ibigay sa akin.

“Kaya kapag gano’n, actually hindi ako nagtatanong din, e. At saka hindi dumadaan sa isip ko.

“Siguro dahil may mga movies nga kaming ginagawa. So parang nadi-distract ako na isipin yung gano’n.”

Pahayag naman ni Dennis, “Ako naman po ano…Sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung magkakatambal ulit kami.

"Pero ako po, may gagawin ako ngayon para sa Cinemalaya.

“Mag-i-start na po. So doon muna ako focused ngayon.

“And ngayon din lang po ako nagkaroon ng project na ano, e… yung talagang makaka-focus ako na walang kasabay na ibang ginagawa.

“So mas maganda yung preparation. At saka yung dedication para sa project na ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN