James Reid on Diary ng Panget female lead Nadine Lustre: "...parang hindi naman imposible na ma-fall ako sa kanya."

James Reid on Diary ng Panget female lead Nadine Lustre: "...she’s nice. I like her and she seems to like me. We went out together a couple of times with my friends and I enjoyed it a lot.”


Hindi ikinaila ni James Reid na girlfriend material si Nadine Lustre lalo pa’t sa halos araw-araw nilang pagsasama ay unti-unti niyang nadidiskubre na hindi lamang sa panlabas ito maganda kundi pati sa panloob.

Silang dalawa ang magka-loveteam sa pelikulang Diary ng Panget, ang latest offering ng VIVA Films na ipapalabas sa April 2. Makakasama nila rito sina Yassi Pressman at Andre Paras, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Bagamat bago pa lang ang loveteam nila, umani na ito ng followers sa social media, kung saan sila binansagan bilang “JaDine.”

Nakangiting panimula ni James tungkol sa kanyang leading lady, “Nadine is really fun. She’s cool to hang out with.

“We both like computer games and we can relate there.

“We see each other, all of us, even out of the set.

“Masaya siyang kasama, we’re having fun and, yeah, she’s a beautiful person inside out.

“So parang hindi naman imposible na ma-fall ako sa kanya. But I think this isn’t the right time.”

Dugtong pa niya, “I can fall in love with someone with an amazing personality.

“She maybe someone who isn’t particularly good-looking as long as she would captivate me with her personality.

“To me as long she’s down-to-earth, matalino, ayoko yung masyadong talkative na parang ako.

“But I guess, si Nadine bukod sa pagiging physically beautiful niya, she also has an amazing personality.”

Nakausap si James ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertertainment press sa pocket presscon para sa JaDine sa VIVA office noong March 27.

Darating kaya siya sa point na liligawan niya si Nadine?

Kaswal na sagot ng guwapong baguhan sa showbiz, “Everyone’s asking.

“It’s weird kasi we’re working together and I don’t wanna make anything of it.

“But, you know, she’s nice. I like her and she seems to like me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We went out together a couple of times with my friends and I enjoyed it a lot.

“Yung tungkol sa courtship, we’ll yeah, I thought about it.”

EX-GIRLFRIEND. Last year pa huling nagka-girlfriend si James at ayaw na niyang pag-usapan ito.

“We broke off last year,” sabi niya.

“It didn’t work out.

“Naka-move on na ako and sa amin namang boys, para sa akin, madali kaming maka-move on.

“For me kasi, it’s like out of sight, out of mind.”

Naitanong tuloy namin sa kanya kung masasaktan ba siya kung sakaling makita niya ang ex-girlfriend na meron nang ka-date na iba?

“A little,” nangingiting pahayag niya.

“I get a little jealous.

“In thought kasi siyempre, yung feeling na meron na pala siyang iba. Something like that lang.

“Pero siyempre, I can’t do anything na, ’di ba? Kasi, even her, siguro ’pag nakita niya ako na may ka-date ng iba, masasaktan din siya.

“So, it’s parang quits na lang tayo.”

COMFORTABLE BARING HIS BODY. Samantala, inusisa namin siya tungkol sa pagpapakita niya ng abs sa nakaraang cast presscon ng Diary ng Panget.

Marami talaga sa movie press ang nagulat sa maganda niyang katawan at nagkaroon din ng iba’t ibang reaksiyon nang mailabas ito sa social media.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

“Kumportable ako sa katawan ko,” ngingisi-ngising sagot niya.

“Okay lang naman. Yung serious na pagdyi-gym ko, about two months ago.

“I gained eight lbs. of muscles in about two months.

“I’m still trying na madagdagan pa pero it’s not really my goal yung sobrang laki na kasi I’m short, ’di ba?

“Baka hindi maging proportionate sa katawan ko.”

Preparasyon ba ito sa puwedeng mangyaring pagbabago sa kanyang career sa mga darating na araw?

Aniya, “Sana. Something else na makakaganda sa career ko, so, it’s alright for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hopefully, yeah."

Ibig bang sabihin ay handa na siyang rumampa sa Cosmo Bachelor Bash?

“Yeah, why not?” diretsahang sagot niya.

“Feeling ko, mas confident ako and healthy ako. Parang si Derek Ramsay na idol ko sa ganda ng katawan.

“Hindi siya masyadong malaki at well-defined ito and I hope I can achieve that.

“Yeah, I’m working on it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN