Nora Aunor awes co-stars during Batanes shoot

Chynna Ortaleza, Nora Aunor’s co-star in Dementia, relates how the Superstar pushed her to give her best in one scene: "Opo, kasi, kumbaga si Ate Guy ’yon... nung sinabi niya ’yon, parang nawala lahat ng kaba ko! Hindi ko rin alam yung nangyayari, pero to hear it from somebody like her, I guess, yeah, it really meant a lot! It’s a big encouragement!”


Good news ang inihatid ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Superstar na si Nora Aunor noong gabi ng March 27, 2014, bago tumulak pabalik ng Maynila mula Batanes ang grupong kinabibilangan ng aktres at ng kanyang direktor para sa Dementia na si Perci Intalan.

Ibinalita agad ng PEP ang naibahaging impormasyon online hinggil sa pagkapili kay Ms. Aunor bilang Female counterpart sa kategoryang Showbiz Treasures of the Year, ang isa sa mga parangal, bilang PEPSTERS’ Choice, na kabilang sa The PEP List 2013.

Ang Male counterpart ni Ate Guy sa parangal ay ang TV host-comedian na si Joey de Leon. Sina Kim Chiu at James Yap naman ang nagkamit ng karangalan bilang Newsmakers of the Year 2013.

Ang PEPSTERS’ Choice ay bahagi ng The PEP List 2013 (base sa on online voting) at ng Editors’ Choice. The results are verified and tabulated by PEP’s official independent auditing partner firm, Punongbayan & Araullo Associates.

Naitakda ang parangal para sa lahat ng mga nanalo sa The PEP List 2013 sa May 20, 2014.

The Awards Night program, which is co-presented by SM Parisian, will take place at Solaire Resort and Casino, the official venue partner of PEP.

Hinggil sa kanyang pagwawagi sa naturang online voting ng malaganap na entertainment website ay simpleng pasasalamat ang nasambit ni Nora Aunor.

"Marami pong salamat," aniyang nakangiti.

Nakarating na rin sa kaalaman ng aktres na siya ang isa sa mga napiling Pinakapasadong Aktres ng grupong PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) sa taunang parangal na itinataguyod ng mga Pilipinong miyembro ng academe.

Marami nang natamong parangal sa pag-arte si Ate Guy sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Napiling pinakamahusay ang aktres sa taong 2013, para sa pagganap niya bilang folk healer sa indie film na Ang Kwento Ni Mabuti, na sinulat at dinirek ni Mes de Guzman.

Gaganapin ang awarding ceremonies ng Gawad PASADO sa Abril 5, 2014 sa Far Eastern University (FEU) Auditorium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

As of press time, hindi pa masabi ni Nora kung dadalo siya sa magkakasunod na awarding ceremonies, sanhi ng tuluy-tuloy niyang kaabalahan sa pagtapos ng shooting ng Dementia na may additional sequences pang kukunan simula March 30 sa Bulacan.

Kasama na rin dito ang pagiging busy ng Superstar sa pagsu-shooting sa Mayo ng Hustisya.

The Nora Aunor-starrer, slated for the Cinemalaya Filmfest 2014, is written by Ricky Lee and directed by Joel Lamangan.

GOOD RAPPORT. Samantala, habang nasa Batanes, sa isla ng Sabtang, mula March 19 hanggang March 27, ay maganda ang naging working relationship ni Nora sa kanyang mga co-actors sa Dementia.

As mentioned in PEP’s previous articles (and in YES! magazine’s March 2014 issue), Dementia is a psychological horror-drama, produced by Perci Intalan and Jun Lana’s Octobertrain Films.

Intalan informed PEP that Dementia is a sole production of his and Lana’s outfit, with Studio 5 as co-investor (as differentiated from being a co-producer).

Hindi na rin si Jun Lana ang screenwriter, kundi ang baguhang manunulat na si Renee Dimla, isang Carlos Palanca Literary awardee. Sina Dimla, Lana at mismong si Direk Perci ang magkakatuwang na humabi ng kuwento ng Dementia, na base sa karanasan ng isang ina na may Alzheimer’s disease.

Dementia is a disease characterized by a severe impairment or loss of intellectual capacity and personality integration due to the loss of, or damage to, neurons in the brain.

Hindi pisikal na karamdaman ang dementia, kundi isang mental imbalance, na nangangailangan ng psychiatric treatment.

Ang kaibahan, ang bidang character ni Mara Fabre (Nora), bukod sa may palatandaan ng taglay na Alzheimer’s disease, ay mayroong kababalaghang bumabalot sa kanyang pagkatao, na mayroong madidilim na pangitaing pilit tinutuklas kundi man nilalabanan ng kanyang magulong isipan at damdamin.

Sa ganung sitwasyon ay apektado ang lahat ng mga tauhang ugnay kay Mara, kabilang ang mag-inang balikbayang sina Elaine (Bing Loyzaga) at Rachel (Jasmine Curtis-Smith), ang asawa ni Elaine (Yul Servo), ang matandang katiwalang si Papu (Lou Veloso), at ang teenager na si Vincent (Jeric Gonzales), na Ivatan o laking Batanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nariyan din ang mga tauhan nina Olivia (Chynna Ortaleza) at batang Mara (Althea Vega), na magpapaalala ng masasaya at mapapait na tagpo ng nakaraang buhay ng matandang Mara (Nora), at ang misteryong bumabalot sa kasalukuyan nitong "demented" state.



EMOTIONAL SCENE. Isang partikular na tagpong kinunan, noong Lunes ng hapon, March 24, ang eksena sa maliit na sementeryo ng Sinakan, isang maliit na barangay sa Sabtang. Sangkot dito sina Chynna at Althea, bilang omnipresent beings sa mapaglarong imahinasyon ni Mara (Nora).

Madamdamin ang eksena sa pagitan nina Chynna at Althea, na kinunan sa isang bahagi ng libingang na kung tawagin ay “Paluhaan." Ito ay nasa gitna ng sementeryo na pinupuntahan ng nais mag-alay ng taimtim na dasal para sa mga mahal na yumao, sa harapan ng dalawang imahe ng santo.

Sa maulap na hapong ’yon, maluwalhating naitawid ang eksena, matapos ang kung ilang rehearsal-takes at actual takes.

Mabusisi si Direk Perci, bilang first-time director. Maaaring nakakapagod ang paulit-ulit na takes, o pagpapa-arte sa mga artista sa harap ng kamera pero walang nagrereklamo sa kanyang mga artista.

"Ang ganda ng mga shots... mahusay si Direk Perci!" nasambit ni Nora tungkol sa shooting.

Hindi rin daw nakaka-stress ang trabaho, dahil organisado at halos hindi inaabot ng pagdilim ang shooting; madalas ay day effect ang mga eksenang kinukunan.

Sa co-stars niya ay naging mapagbigay rin ang beteranang aktres, hindi lamang sa mga papuri o pagbibigay lakas ng loob, kundi sa mismong pagtatrabaho. Gumagabay si Nora sa eksena, kahit hindi siya ang nasa harap ng kamera.

Hindi nga makakalimutan ng lahat na nasa set ng Dementia ang nangyari kay Chynna Ortaleza, matapos ang partikular nilang eksena ni Althea.

Sa ipinakitang matinding pag-arte, nagpalakpakan ang direktor at staff, at iba pang onlookers sa set. Naiyak si Chynna, habang unang-unang yumakap sa kanya ang natutuwang si Nora!

Kinausap ng PEP si Chynna, matapos ang eksena, at habang may ibang kaabalahan sa set si Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, nakaka-’lurkey’ ang sinabi ni Ate Guy!" pagtukoy ni Chynna nang usisain ng PEP ang tungkol sa mga sinabi sa kanya ng isang Nora Aunor.

Hindi na matandaan ni Chynna ang eksaktong sinabi ni Ate Guy, pero ’yon daw ay bilang pagpuri sa kanyang ipinakitang pagganap, na tama at aprubado para sa isang de-kalibreng aktres.

Dahil doon, lalong nagkaroon ng tiwala sa sarili ang maituturing na seasoned young actress ng Kapuso network.

"Opo, kasi, kumbaga si Ate Guy ’yon... nung sinabi niya ’yon, parang nawala lahat ng kaba ko!

"Kasi, kami ni Althea, talagang gusto namin na magawa nang tama lahat ng eksena.

"Hindi ko rin alam yung nangyayari, pero to hear it from somebody like Nora Aunor, I guess, yeah, it really meant a lot! It’s a big encouragement!

"Wala nga akong masabi, e. Umiyak talaga ako! Kasi, siya po ’yon, e. Hindi po ako nahirapan. Masaya po kami na... everybody on the set... lahat ng actors talaga, nakikita ko, we’re really trying our best to make it work.

"Because we are working with the Superstar... and she deserves, like, a good job from all of us, too..."

ACTING WORKSHOP ON THE SET. Sa isang banda, nagkaroon naman ng konting problema si Althea Vega sa pagganap bilang batang Mara.

Ang karakter ng batang Mara ay nangangalit at may matinding poot sa katunggali. Sa shooting ng isang eksena ay hindi magawa ni Althea na saktan si Olivia na ginagampanan ni Chynna.

Sabi ni Althea sa PEP, "Di ba ang eksena ko dito, galit na galit? E, yung personality ko kasi, hindi ako ang tao na parating nagagalit sa bahay... hindi masyadong mainitin yung ulo ko.

"Kaya ang hirap ibigay ’yon. Wala kang paghuhugutan ng sama ng loob."

During the first few takes of Direk Perci, Althea was a total letdown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya mabigkas nang malinaw ang kanyang mga linya; halos tuluy-tuloy na parang "kinakain" ang mga salita ng panunumbat.

Nuong nasa set sa si Nora, lalong kinabahan si Althea at hindi maka-arte nang tama’t maayos.

Sa puntong ’yon kinausap ni Ate Guy ang baguhang aktres.

Sabi raw niya, "Althea, isipin mo na sa eksenang ito, ikaw ay ako. Kapag hindi mo nagawa nang tama at maayos ang eksena, ako rin ang masisira.

"Isipin mo, kung papa’no ka magalit. Magalit ka! Pag hindi mo nagawa yan, hindi na kita kakausapin!"

Naiyak si Althea. Pagkatapos nu’n, nagawa na niya nang tama ang eksena.

Gano’n na lang ang tuwa ni Althea, matapos maitawid ang eksena nila ni Chynna.

Laking pasasalamat niya kay Ate Guy.

"Minotivate niya ako, habang nando’n ako sa set. Malaking tulong ’yon sa akin, yung pagmu-motivate niya na, ’Kaya mo yan, kaya mo ’yan!’ Kasi ang hirap hugutin, e.

"Meron din naman akong tampo na nararamdaman, sa mga bagay-bagay, pero hindi yung gano’n na matinding galit," kwento ni Althea.

Totoo bang gusto rin niyang gayahin ang pag-arte ni Nora, para mas lumabas na tama ang eksena, pero hindi niya magawa ito?

"Hindi naman sa gustong gayahin... no, hindi ’yon pumasok sa isip ko, na kailangang magaya ko siya; kasi imposible naman, e.

"Ang sa akin lang, inisip ko na ’Sana, maipakita ko, o maiparamdam ko yung character ni Mara.’ ’Yon lang, e.

"Imposible namang tapatan mo yung acting ng isang ano... ni Ate Guy!"

Masaya ba si Althea sa naging pangyayari, matapos ang kanyang "struggle" at pagwu-workshop-on-the-set sa kanya ni Ate Guy?

"Yeah!" tuwang-tuwang sambit ng aktres. "I’m satisfied, kasi satisfied si Ate Guy at si Direk [Perci]!"

5-MINUTE CLOSE-UP SHOT. After the successful take of Chynna and Althea, it was time for Nora’s POV (point of view) close-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangang ipakita ng beteranang aktres ang iba’t ibang uri ng emosyon sa kanyang mukha.

In a scene like this, Nora’s major assets are her expressive eyes, and Direk Perci made full use of them.

Sa loob ng limang minuto, o ayon sa naibahagi sa PEP ni Lawrence Ang, ang film editor ng Dementia, ang mga magkakahalong takot, pangamba, pagtataka o pagkalito, kalungkutan at kahungkagan, at pagtangis, o ang anupamang damdamin, ay pawang nag-rehistro sa mukha at habang nakatingin si Nora sa lente ng kamera (ni Mackie Galvez, ang cinematographer).

Sa set, malakas na palakpakan ang narinig, matapos sumigaw ng "Cut!" ni Direk Perci.

It was his first and only take, and Nora was perfect.

Niyakap agad ni Perci si Ate Guy, pagkatapos niyon.

"Congratulations, Ate Guy!" aniya. Dalang-dala ang direktor sa husay na ipinakita ng kanyang pangunahing aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN