Matteo Guidicelli on Sarah Geronimo meeting his parents for the first time: "When they saw her they said she’s very, very beautiful."

Matteo Guidicelli on real score with Sarah Geronimo: “I don’t wanna lie. I don’t really wanna say anything, that’s why I’m not denying anything. One day, I’ll just wait for someone to say it. I don’t think it has to come from me.”

In this photo, the rumored couple was snapped during Matteo’s birthday party at Tipsy Pig, Pasig City last Friday, March 28.


“Everything’s special about that.”

Ganito inilarawan ni Matteo Guidicelli, 25, ang namataang “goodbye kiss” sa pagitan nila ni Sarah Geronimo, 25.

Nauna nang nailathala na dumalo ang Popstar Princess sa birthday bash ni Matteo sa Tipsy Pig, Pasig, noong Biyernes ng gabi, March 28.

Dito ay nahuling magka-holding hands ang rumored couple habang sila ay nagpapa-picture kasama ang isang babae.

Magkahawak-kamay din ang dalawa nang kantahin nila ang “All of Me” sa harap ng iba pang bisita ni Matteo.

READ: Gotcha! Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli together!

REAL SCORE WITH SARAH. May ibig sabihin ba ang paghahawak-kamay nila?

Sagot ni Matteo, “Basta. Wala. Nag-enjoy lang kami nung gabing ’yon.

“Buong pamilya ko nandun, yung special friends ko. Lahat-lahat!

“I just wanted her to have a good time. I was having a good time.”

Ayaw sanang magkomento ng Kapamilya actor tungkol sa namataang paghahawak-kamay nila at pati na rin sa pagbeso niya kay Sarah nang pauwi na ang Popster Princess noong gabing iyon.

“Siyempre goodbye, di ba? Oo naman, [goodbye kiss ang meaning nun.] Alam n’yo naman,” natatawang sabi ni Matteo.

Pero sa huli ay napaamin din siya na espesyal ang pagbeso niya kay Sarah dahil itinuturing niyang espesyal ang dalaga sa buhay niya.

Sadyang may mga bagay lang na isinasaalang-alang ang aktor kaya hindi pa rin nito direktang masabi kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ng Popstar Princess.

“I don’t wanna lie.

“I don’t really wanna say anything, that’s why I’m not denying anything.

“One day, I’ll just wait for someone to say it. I don’t think it has to come from me,” paliwanag ni Matteo nang makapanayam siya ng entertainment reporters, kasama ang PEP.ph (Philippine Enertainment Portal) sa ginanap na debut ni Kathryn Bernardo sa Blue Leaf Filipinas, Pasig City kagabi, March 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan ba niya munang humingi ng permiso mula kay Sarah at sa ina nitong si Mommy Divine?

“Siyempre very important with the family. Family first all the time. So ’yon,” tipid na sagot ng aktor bilang respeto sa mga taong nakapaligid sa kanila ni Sarah.

PARENTS’ APPROVAL. Ganunpaman, marami ang nagsasabing magandang senyales na kasama ni Sarah si Mommy Divine na dumalo ng birthday party ng aktor noong Biyernes.

Dahil dito ay tila mas lumakas daw kasi ang posibilidad na pabor si Mommy Divine sa pagkakamabutihan nina Matteo at Sarah.

“Siyempre masaya naman,” maiksi ngunit positibong turan ng aktor tungkol dito.

Sa kabilang banda, ibinahagi ni Matteo na naipakilala na niya si Sarah sa kanyang mga magulang noong gabi ding iyon.

Higit sa lahat, naging mainit daw ang pagtanggap ng kanyang mga kapamilya at kaibigan sa Popstar Princess.

“My parents don’t really watch her on TV. But when they saw her they said she’s very, very beautiful.

“And I just didn’t expect them to be like that. I’m happy that they all like her and they feel like she’s very, very beautiful.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN