Kiko Estrada admits crush on both Angel Aquino and Agot Isidro

Kiko Estrada openly confesses his admiration for both Agot Isidro and Angel Aquino: “Kasi crush ko sila nung bata pa ako. Simula noon hangang ngayon ’yon pa rin ang hitsura nila. Hindi nagbago, mas lalo pang gumanda at flawless.”


Pangarap daw maging isang mahusay na direktor ang young star na si Kiko Estrada katulad ng kanyang idolong si Steven Spielberg.

At kung magkatotoo nga ang pangarap niyang ito ay ang mga showbiz crushes niyang sina Agot Isidro at Angel Aquino ang gusto niyang kunin bilang leading ladies kung siya rin ang magiging bida.

Kuwento ni Kiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, “Someday, gusto ko ring maging director, gusto ko ring magsulat. Ang ganda kasi, parang feeling ko masaya creatively.

“Gusto ko yung mala-Steven Spielberg, ang galing kasi niyang mag-direk, nakakabilib.

“Kaya if magiging direktor ako, gusto ko katulad niya. Siya yung magiging ispirasyon ko pag pinasok ko na ang pagdidirek.

“Kaya nga gusto ko, mag-aral magsulat at magdirek. Siguro pag nagkaroon na ako ng oras at buo na yung desisyon ko na ’yon na talaga ang gusto kong gawin, mag-aaral talaga ako."

CRUSH ON ANGEL AND AGOT. Sino naman ang mga artistang balak niyang kunin para idirek kung sakali?

Sabi ni Kiko, “Sarili ko. Hahaha! Mas maganda kasing subukan ko muna sa sarili ko yung klase ng pag-arte ko.

“Pero gusto ko kasama sila Angel Aquino at Agot Isidro.

“Kasi crush ko sila nung bata pa ako. Simula noon hangang ngayon, ’yon pa rin ang hitsura nila. Hindi nagbago, mas lalo pang gumanda at flawless," aniya.

“Lahat nga ng mga projects nila pinapanood ko. Super fan at crush na crush ko sila.

“Si Agot pinapanood ko sa Carmela at si Angel sa Honesto ko siya pinanood, kaya lang tapos na.

“Pag napapanood ko nga sila, sinasabi ko sa sarili ko na ang gaganda naman ng mga babaeng ito, nakaka-in love."

Natanong din ng PEP kung nakita na ba ni Kiko sina Angel at Agot sa personal?

Pag-amin niya, “Hindi pa. Pag nakita ko sila, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka ma-star-struck ako, baka matulala ako.”

COUGAR LOVE? Ano naman kaya ang posibilidad na ma-in love si Kiko sa babaeng mas nakatatanda sa kanya?

Pahayag niya, “Wala namang problema sa akin, kasi pag na-in love ka talaga, whether kasing edad mo ’yan or mas matanda sa ’yo, wala kang magagawa.

“So sa akin, if siya ba yung itinadhana sa akin at na-in love ako, kahit anong edad pa niya okey lang sa akin, ’wag lang siguro yung lola na. Hahaha!

“Sabi nga nila, di ba, love is blind. Kapag na-in love ka, feeling mo ikaw na yung pinakamasayang tao sa buong mundo.

“Honestly speaking, okey lang sa akin ’yon, pero at this point in time, wala pa namang insidente na nagkaroon ako ng karelasyon na mas matanda sa akin.

“Pero kung sina Agot at si Angel, why not? Crush ko talaga sila.”

WORKING WITH DAD GARY. Hindi ba inaasam ni Kiko na makatrabaho ang kanyang amang si Gary Estrada sa movie or TV projects?

“Gusto ko pag gusto niya rin. Hindi pa kasi kami nagkakatrabaho kahit sa anong proyekto.

“Pero if magkaka-project kami na magkasama, sana maganda yung script at magaling yung director kasi unang pagsasama namin ’yon.

“Pero sa ngayon, mas gusto ko munang mag-concentrate sa pag-arte, may gusto kasi akong patunayan," aniya.

“Gusto ko patunayan sa lahat na magaling at marunong akong umarte, na mahal ko ang trabaho ko bilang artista.

“May mga nagsasabi kasing galing lang daw ako sa angkan ng mga artista kaya ako nandidito.

“Kaya gusto ko maalis sa isipan nila ’yon.

“Gusto ko pag napanood nila ako, hindi nila iisipin na anak ako ni Gary Estrada at Cheska Diaz—na mula ako sa angkan ng mga artista kaya ako nakapasok sa pag-aartista.

“Mas gusto ko na sabihin nila na si Kiko Estrada ’yan, magaling na aktor at may dedikasyon sa trabaho," ang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PLAYBOY ISSUE. Dahil na rin siguro sa “playboy image” ng kanyang ama at karamihan ng kanyang angkang kalalakihan, hindi malayong mabansagan din si Kiko bilang isang playboy.

Ano ang reaksyon niya rito?

Paglinaw niya, “Si Kiko ay mabait at hindi babaero, mapagmahal lang sa mga babae katulad ng angkan namin, mapagmahal lang sa mga babae.

“Pero iba-ibang klase ang pagmamahal—pagmamahal sa kaibigan, kakilala. Pero pag nagmahal, isa lang, stick to one lang.

“If ever kasi na makahanap ako ng isang babae na maganda sa lahat ng aspeto, siya na yung mamahalin ko habang buhay.

“Basta mabighani ako sa isang babae, ’yon na ’yon," aniya.

INDECENT PROPOSALS? Nakatanggap na ba si Kiko ng indecent proposals mula sa rich gays?

Sabi niya, “Wala naman akong natatanggap na indecent proposal, lahat kasi ng kaibigan kong bading barkada ko talaga, as in friend talaga.

“Kahit nung bata pa ako hanggang ngayon, wala talaga. Baka siguro natatakot sila kasi Estrada ako. Baka naiilang sila. Hahaha!

“Pero if ever na may mag-offer or magpaparamdam, isa lang ang isasagot ko, ’No, thank you! I can work hard for my money.’

“Not even a second thought. Malabo talaga na i-grab ko yung offers ng mga rich gays if magkakaroon.

“Pero kung gusto nilang maging kaibigan or kabarkada ako, okey lang ’yon. Marami din naman akong mga kaibigan na bading at masaya at masarap silang kasama, kaya walang problema sa akin ’yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN