Governor ER Ejercito eyes Kris Aquino as leading lady in his next MMFF entry

Ayon kay Laguna Governor ER Ejercito, dapat ay gagawa sila ni Kris Aquino ng isang indie movie para sa Cinemalaya noong nakaraang taon, subalit hindi ito natuloy. Umaasa naman siyang papayag si Kris na magtambal sila sa pelikulang niluluto niya para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.


Ire-remake daw ni Laguna Governor ER Ejercito ang Muslim Magnum .357 para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Ang Muslim Magnum.357 ay orihinal na pinagbidahan ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. noong 1986.

Mayroon na ring napipisil na leading lady ang actor-politician—si Kris Aquino.

Sabi ni Governor ER, “Hopefully magkaroon na kami ng communication ng kumare ko na si Miss Kris Aquino.

“Hopefully, Miss Kris Aquino will play the role of the Muslim princess na may action scenes and [to be] directed by Mark Meily.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor ER sa 10th anniversary celebration ng Globaltronics, ang sinasabing pioneering company sa larangan ng digital signage o LED billboards, noong Biyernes ng gabi, March 28.

Si Vivian Foz ang naging leading lady noon ni Fernando Poe Jr.

Pumayag na ba si Kris sa kanyang offer?

Sagot ng actor-politician, “Sabi nga niya sa akin, she is inclined to consider the movie.

“Meron na kaming commitment na gagawa kami sa Cinemalaya na hindi natuloy.

“Ang ginawa niya, yung with Bossing Vic Sotto [My Little Bossings], so hindi natuloy yung Cinemalaya movie namin ni Kris.

“So ngayon, hopefully with Muslim Magnum .357, matutuloy na ang paggawa namin ng pelikula ni Miss Kris Aquino.”

Kaya ba niyang mapagawa ang action scenes at stunts sa Queen of All Media?

Sagot ni Governor ER, “Kayang-kaya.

“Madami namang magagaling na fight directors galing China, Hong Kong, Thailand, Singapore.

“We have good fight directors kagaya sa Asiong Salonga, El Presidente, Boy Golden.”

Aniya pa, commitment niya na gumawa ng mga dekalidad na pelikula tuwing MMFF.

Mula noong 2011, sinimulan ni ER ang pagprodyus at pagbibida sa mga pelikulang naging entries sa mga nakalipas na MMFF: Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011), El Presidente (2012), at Boy Golden (2013).


Pahayag ni ER tungkol sa commitment niyang gumawa ng quality movies, “Napakaraming servant leader na ang pastime ay mag-casino, mag-golf, at mag-abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang dating pangulo raw ng Actors’ Guild of the Philippines, ang commitment niya ay isang pelikula kada taon upang makatulong sa “displaced workers of the movie industry.”

Dagdag niya, “I’ve been giving jobs consistently to the technical people of the movie industry and a lot of actors and artists na walang trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN