Andrea Torres insists Sef Cadayona is not courting her

Ito ang pahayag ni Andrea Torres tungkol sa hindi pagpansin sa kanya ni Yassi Pressman, ex-girlfriend ng nali-link sa kanya ngayong si Sef Cadayona: “Basta ako po, nirerespeto ko lahat ng nakakatrabaho ko. And I think hindi magandang ugali na porke’t nagkakaroon ng issue, iiwasan mo na or hindi na kayo magiging friends. Kasi siyempre, meron na rin kayong mga, kumbaga, na-experience before bilang magkaibigan, na yung nagbibigay ng advice sa isa’t isa, mga ga


Kamakailan ay nag-renew si Andrea Torres ng kanyang kontrata sa GMA Network for another three years.

Ayon sa aktres, masaya sa pakiramdam na Kapuso pa rin siya.

Pahayag niya, “Sobrang malaking bagay ‘yon para sa akin.

“Kasi siyempre, iyon ang magsasabi kung saan mapupunta yung career mo.

“So, at least, kapag ni-renew ka ng network mo, parang mas relaxed ka kasi alam mong aalagaan ka nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, March 30.

Ano ang nakasaad sa bagong kontratang pinirmahan niya?

“Ang sabi po nila sa akin, may next na raw akong gagawin na drama. So, iyon talaga ang inaabangan ko.

“Kahit ako, nami-miss ko na rin yung mag-drama.

“Wala pa lang sinasabi sa akin na detalye tungkol sa bagong soap ko pero meron na raw pong inihahanda for me.”



SEF CADAYONA. Wala bang kundisyong hiningi ang management ng GMA na huwag siyang magiging vocal sa estado ng kanyang lovelife ngayon?

“Wala naman!” sabay tawa ni Andrea.

Si Sef Cadayona ang nauugnay sa kanya ngayon. Ang aktor ba ang dahilan kung bakit mas mukhang inspired siya ngayon?

“Wow!” tawa na naman niya.

“Hindi po, concentrated lang talaga ako sa career.

“Kami ni Sef, friends pa rin naman kami, kasi matagal na kaming friends, e.

“Four… five years ago, kilala ko na siya. ’Tapos magkasama pa kami ngayon sa Bubble Gang.”

Pero maingay ang usap-usapan ngayon na nagkakamabutihan na nga sila. Ano ang masasabi ni Andrea rito?

“Feeling ko po, dahil parang naninibago lang yung tao. Hindi nila alam na ganun kami ka-close.

“Kasi hindi rin naman nila alam na dati pa, friends na kami. May common friends kami.

“’Tapos lumalabas-labas kami nina Rocco [Nacino], nina Enzo [Pineda]. So, talagang ano…

“At saka siguro ganun lang naman talaga, kasi hindi nila alam yung mga nakakasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like, nung naging kagrupo ko si Mark Herras [sa Sunday All Stars], nagka-issue din sa aming dalawa.

“Yung ganun? Kaya hindi naman siguro talaga maiiwasan.”



WHAT’S THE REAL SCORE? Pero ang ex-girlfriend ni Sef na si Yassi Pressman ay napapabalitang apektado ng pagkaka-link nila ng aktor.

Sabi ni Andrea tungkol dito, “Hindi ko po masasagot ‘yon… hindi ko alam.”

Balita ring iniiwasan at hindi siya pinapansin ni Yassi sapul nang lumabas ang balitang sila na ni Sef.

Read: Yassi Pressman breaks away from Andrea Torres and Sef Cadayona: “Tuldok... as in wala na.”

Bakit ito maaapektuhan kung magkaibigan lang sila ng aktor?

Sagot ni Andrea, “Hindi naman po. Hindi naman ibig sabihin, gano’n.

“Basta ako po, nirerespeto ko lahat ng nakakatrabaho ko.

“And I think hindi magandang ugali na porke’t nagkakaroon ng issue, iiwasan mo na or hindi na kayo magiging friends.

“Kasi siyempre, meron na rin kayong mga, kumbaga, na-experience before bilang magkaibigan, na yung nagbibigay ng advice sa isa’t isa, mga gano’n.

“So, parang pangit naman kung bigla mong ibabasura ‘yon dahil lang may issue.”

So, naapektuhan nga ang pagkakaibigan nila ni Yassi dahil sa pagkaka-link niya ngayon kay Sef?

“Hindi naman po,” sambit ni Andrea.

Pero napapabalitang iniiwasan siya ni Yassi at hindi na pinapansin kapag nagkakasalubong o nagkikita sila sa Sunday All Stars?

Iwas ng aktres, “Ayoko na lang pong magbigay ng any comment.

“Basta po ang masasabi ko lang, nirerespeto ko ang lahat ng nakakatrabaho ko.”

Mariin ding nilinaw ni Andrea na hindi nanliligaw sa kanya si Sef. Pinaninindigan niyang pagkakaibigan lang ang nasa likod ng closeness nila ngayon.

“Siguro kaya kami nali-link, siyempre sa SAS, magka-group kami. ‘Tapos sa Bubble Gang, magkasama nga rin kami.”

Kung hindi si Sef, may iba bang guys na nanliligaw sa kanya?

Tugon ni Andreaa, “Ako naman po, very open ako kapag merong napapakilala or gustong mag-date, gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang focus talaga, more on sa career.

“Kasi ang dami ko pa talagang kailangang gawin. Parang hindi ko pa nari-reach yung gusto kong marating.

“Minsan, I go out on dates naman. Pero as much as possible, ang ano ko talaga, halimbawa, kapag may schedule na trabaho, hindi ko isasakripisyo ang schedule ng trabaho para lang makipag-date.

“Work talaga. Kung may papasok na work, uunahin ko ‘yon.

“And siguro kapag nagdi-date, hindi naman ibig sabihin gusto niyo agad ang isa’t isa.

“Kumbaga, kinikilala mo pa lang na… friendly date lang.”

May non-showbiz at meron din umanong mga artista na nagpaparamdam sa kanya, pero tikom ang bibig ni Andrea hinggil dito.

“Ay, ayoko pong mag-share!” bulalas niya.

“Ako naman po, once na meron na akong boyfriend, hindi ko naman ililihim o ide-deny. Magiging open naman po ako kapag nagkaroon.

“Bakit hindi natin isi-share kapag ganyang tungkol sa lovelife?

“Kasi, part din naman ng pagiging public figure na isi-share mo yung mga nangyayari sa buhay mo.

“Sa ngayon lang talaga, wala pang maisi-share.”



GOING SEXY. Kapansin-pansin na pumapayat siya at mas nagiging sexy pa. Paghahanda ba ito para sa daring roles in the future?

Sabi ni Andrea, “In time po, isa rin ‘yon sa mga gusto kong tahakin.

“Pero sa ngayon, parang gusto ko, dahan-dahan lang.

“Baka kasi parang mabigla yung mga tao. So, parang I’m just taking my time.

“Hindi naman siya something na totally sini-set aside ko.

“Nakakatuwa if others see me sexy. Nakakatuwa na nakakahiya!” tawa na naman niya.

Dagdag niya, “Kasi parang hindi ko pa masyadong napi-feel na sexy ako… prang gano’n.

“Kaya nga hindi ako masyadong nagsi-sexy sa production number or sa mga damit.

“Kasi parang hindi ko pa masyadong nararamdaman nga na sexy ako.

“Ngayon po nagdyi-gym ako. I always find time na mag-gym.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SUMMER VACATION. Nagsimula na ang summer, may plano ba siyang magbakasyon din?

Sabi ni Andrea, “Iniisip po namin ng family kung magbabakasyon kami abroad.

“If ever, baka pumunta kami sa Hong Kong o sa Bangkok.

“Usually kapag Holy Week, sama-sama kaming ng pamilya ko. Nagba-bonding kami.”

Yayayain ba niya si Sef na magbakasyon?

“Ay, hindi po! Family lang po!” tawa ulit ni Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN