Maja Salvador launched as new recording artist; steels herself against critics

Maja Salvador is a believer in dreams coming true. But up to now, she can’t shake the feeling of disbelief that she has just launched her debut album. Yet here she is, "Kapag nagpi-perform ako sa ASAP, ang sarap ng pakiramdam. What more kapag nagsi-sing and dance ka na, ’di ba?"


"Okay lang, masaya naman siya for me at sumusuporta."

Ito ang maikling pakli ni Maja Salvador tungkol sa reaksiyon ng boyfriend niyang si Gerald Anderson sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maja sa launching ng kanyang debut album na Maja Believe na ginanap kahapon, Linggo, March 30, sa TriNoMa Activity Center, Quezon City.

Hiniling pa ng Ivory Records recording artist na pag-usapan na lang ang tungkol sa kanyang kauna-unahang album.

Sinuportahan ang album launch niya ng kanyang kaibigang aktor na si Arjo Atayde at ang komedyanang si Cacai Bautista.

FEEDBACK. Pahayag ni Maja, "Excited na kumakanta na ako, pero sana ay matanggap nila at bigyan nila ako ng chance.

"Masaya ako na nakaka-try ako ng panibagong... yun nga, ini-explore ko kung ano ang mga dapat kong ma-explore sa sarili ko.

"Sinu-surprise ko pa ang sarili ko na kaya ko palang kumanta at kaya ko palang tahakin itong music industry, kahit papaano.

"So ngayon, more of sa pagkanta ang makikita sa akin ng fans kaysa yung pagsayaw-sayaw.

"Pero may dalawang songs ako dito na danceable pa rin naman."

Natutuwa naman daw si Maja sa magandang feedback ng kanyang album na kinakapalooban ng anim na tracks: "Kilig," "Halika Na," "Wala Na Bang Pag-Ibig," "Dahan-Dahan," "Urong Sulong," at "Buong Gabi."

Aniya, "I’m very happy and blessed na yung kantang ibinigay sa akin ng Ivory ay yung hindi pilit at swak sa boses ko po.

"Marami ang nagsasabing nakaka-relate daw sila at very catchy nga raw po yung songs dito.

"Sobrang special ang pakiramdam ko, kasi suportado nila lahat.

"Yung pagtanggap nila dun sa single ko na ’Dahan Dahan,’ sobrang ganda po ng feedback."



CRITICS. Sa kabilang banda, handa na rin daw si Maja sa mga batikos at negatibong komento na ipupukol sa kanya bilang isang recording artist na hindi naman daw talaga siya singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng 25-year-old actress turned recording artist, "Normal ’yan sa show business na may magki-criticize sa iyo.

"May mga negative comments at kung anu-ano pa.

"Sobrang tanggap ko na ’yan, expected ko na ’yan.

"’Bakit?’ ’Yan ang mga tanong, pero sana ay bigyan nila ako ng chance.

"Kasi nakikita nila ako sa ASAP na sayaw lang ako nang sayaw, ’tapos nakita nilang kumakanta ako.

"Marami talaga ang magugulat.

"Depende naman ’yan sa iyo kung paano mo tatanggapin yun at kung paano mo dededmahin na lang ang mga yun.

"Kasi alam mo kung ano ang totoo, ’di ba?

"Mas nangingibabaw dun yung mas kilala mo ang sarili mo kaysa sa sasabihin ng iba.

"’Di ba, dapat ay hindi ka makinig sa iba, as long as alam mo na ginagawa mo nang tama ang trabaho mo.

"Basta alam mo na sinusuportahan ng mga tao ang ginagawa mo."

BELIEVE. Naniniwala raw si Maja na lahat ay puwedeng mangyari kung hindi mo bibitawan ang pangarap mo.

Pahayag ng Kapamilya star, "Para sa akin, as an artist, ikaw mismo ay mag-e-explore ka at magta-try ng ibang talents na puwede mo pang i-share.

"Isa na rin ako sa naniniwala sa believe and it will happen."

Nangigiting saad pa niya, "’Di ba, ang title ng album ayBelieve, pero hanggang ngayon, ang feeling ko ay ’May album na ba talaga ako?’

"Ayun, believe it or not talaga, nandito na ako.

"Meron na akong album at, heto nga, nilu-launch na kaya sobrang saya ko talaga."

GERALD. Pangarap din daw ni Maja na maging total performer ’tulad ng mga idolo niyang sina Beyonce at Jennifer Lopez.

"Kapag napapanood ko yung concerts nila, parang grabe silang mag-perform.

"Ako, kapag nagpi-perform ako sa ASAP, ang sarap ng pakiramdam.

"What more kapag nagsi-sing and dance ka na, ’di ba?

"Alam mo, ang sarap na napapaindak mo yung mga tao, napapasayaw mo sila, may nakikisabay sa mga kanta mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isinasayaw na rin ba ni Gerald ang single niyang "Dahan-Dahan"?

Buweltang sagot ni Maja, "Bakit?"

Kasi nga, dance instruction siya na medyo slow.

"Tanong mo siya?" pag-iwas pa rin niya sa mga tanong tungkol sa kanyang boyfriend.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN