Vice Ganda’s boyfriend not allowed to attend his birthday party

On his own, away from the limelight, Vice Ganda reveals himself to be introspective, quiet, a listener. But when the lights are on him, he explodes with all the stories and antics that make people laugh.


Ayon kay Vice Ganda, isang linggo na siyang nababaliw dahil sa birthday niya.

Ngayong araw, March 31, ang 38th birthday ni Vice.

Saad niya sa Buzz Ng Bayan kahapon, March 30, "Tinatanong nga ako ni Direk Bobet [Vidanes, It’s Showtime director], ’Ano naman ang ikinababaliw mo?’

"’Hindi ko alam, ibigay mo na, isang linggo lang ‘to, baka pagdating ng birthday ko, okay na.’

“Bigla akong nalulungkot… at kung anu-ano tinatanong ko sa isip ko na, ’Masaya ba ako?’

"Yung tsine-check ko lately kung totoo bang masaya ba ako.

"Kasi sa Showtime, palaging masaya, sa GGV [Gandang Gabi Vice], palaging masaya.

"Pero pagkatapos ng Showtime, GGV, totoong masaya ba ako?

"Hindi ko rin alam. Naguguluhan din ako.”



VICE GANDA ALONE. Kapag mag-isa siya, sino siya?

Tugon ni Vice, “Maisip po akong taong talaga, ’tapos tahimik lang ako, alam ng mga kaibigan ko ‘yan.

"Hindi ako maingay, hindi ako madaldal, hindi ako patawa.

"Palagi lang akong tagapakinig nila.

"Kaya nga ako nakakabuo ng mga materyal, sa mga kuwento nilang lahat.

“’Tapos kapag mag-isa lang ako, palagi nga akong maraming gustong gawin.

"Kaya ako nalulungkot kasi marami nga akong gustong gawin na hindi ko magawa.

“Sa career, ang dali, nagagawa ko lahat, napaplano.

"Lahat halos ng gusto kong gawin sa career ko, nangyayari na.

“Well, nahihiya akong sabihin dahil baka magalit sa akin ang Diyos, ’Ang dami ko nang binigay sa ‘yo, hindi ka pa rin masaya?’

"Kaya lang siguro, bumabalik pa rin yung tao ako.

"Meron pa rin akong hinahanap na hindi ko alam kung saan ko mahahanap."


VICE GANDA IN LOVE. Nabanggit ni Vice na may mga personal na bagay na gusto niyang gawin.

Anong personal? Sa pag-ibig, settling down?

Sagot nito, “Yung settling down, hindi ko naman nakikita ang sarili ko.

"Kasi ang dyowa ko, mag-aasawa rin yun, for sure.

"Gusto ko mag-asawa siya lalo na kapag nag-aaway kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinasabi ko, ’Mambabae ka nga para hindi ka nai-stress.’"

Gusto niyang straight ang kanyang boyfriend?

“Oo,” nakangiting sabi ni Vice.

Magiging masaya ba siya kung may kahati siya?

“Ay, wala na akong kahati kapag nag-asawa siya, sila na.

“Feeling ko, sa part na yun, selfless ako.

"Kapag nakita kong ang saya niya, sige, go.

"Bahala na ako sa sarili ko, basta ikaw, okay ka.

“Masakit, pero nangyari na sa akin dati yun.

"Nag-give way ako, may asawa, sige.”

VICE GANDA STRESSED. Pagdating sa usaping pag-ibig, gaano siya kasaya ngayon at gaano rin siya ka-stable?

“Hindi naman stable, pero masaya. Masaya… ” natawang sabi niya.

“’Di ba, may nakuwento ako, gusto kong lumabas?

"Katulad ngayon, may party ako, imbitado ko lahat, pati barkada niya [Vice’s boyfriend].

"Pero siya, hindi, hindi siya pupunta. Hindi siya puwedeng pumunta.

“Yun na ang set-up namin.

"Alam lang niya na may party, pero siya, hindi siya... ‘di ba, nakakaano, wala lang.

"Masaya sana.”

At hindi na nga napigilan ni Vice ang maging emosyunal at mapaluha.

Ayon kay Vice, “Yun siguro ang pinakatamang term, yung normal, e—hindi nga normal.

"That’s the price, mamimili ka lagi.

"Kapag ginive-ap mo naman ‘to para maging normal, may mawawala.”

BEST AND WORST. Ano ang “best thing” sa pagiging isang Vice Ganda ngayon?

“The best thing about being Vice today, yung meron akong kapangyarihan ngayon na makabago ng isang mukha ng tao.

"Mula sa malungkot, puwede siyang maging masaya.

“The best thing about being me now, nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-share ng magaganda sa isang tao.

"Lalo na sa Pilipinas, ang daming dahilan.

"Malungkot ang Pilipinas, pero nabibigyan ako ng pagkakataon para maging masaya ang mga tao.”

Ang “worst?"

“Hindi naman sa pagmamayabang, the best thing and the worse thing of being me is yung fame.

"That’s the best thing, pero ang dami rin nag-ugat na problema dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang daming masasayang pangyayari, mga pagkakataon na makilala ng mga tao, pero ang dami rin nawala sa akin."

LOLO GONZALO. Isa sa nakuhanan ng birthday greeting ng Buzz Ng Bayan ay ang lolo ni Vice na si Lolo Gonzalo.

Ito ang lolo ni Vice Ganda na pinuntahan niya sa probinsiya noong panahon na na-depress siya at isinama sa beach.

Read: Vice Ganda reveals going through depression despite successful career

Saad ni Vice, “Sobrang laki kasi ng pagkatao ko yung sa lolo ko.

"Kung paano ako magmahal sa mga taong importante sa akin, sa mga taong tumulong sa akin, nakuha ko yun sa lolo ko, nakita ko yun sa lolo ko.

“Napakalaki ng bahagi ng buhay ko ang lolo ko.

"Huwag namang ikasama ng loob ng tatay ko, pero ang lolo ko ang pinakamahalagang lalaki sa buhay ko."

Kapansin-pansin ding mahusay magsalita ng English ang lolo ni Vice.

Pagmamalaki ng komedyante, “Magaling talaga siyang mag-English, kinakausap niya ako ng English noong bata ako.

"Tinuturuan niya ako, sinusubaybayan niya ako sa pag-aaral ko.”

Kapag down o malungkotdraw si Vice at naghihinaing sa lolo niya, "Nginingitian niya lang ako.

"Parang bumubulong sa ‘yo na hindi naman everything will be alright.

"Comforting, kasi we were not alright before, but everything’s alright now."

Ayaw raw niyang mawala sa paningin ni Vice ang kanyang Lolo Gonzalo para maibalik dito ang pagpapahalagang ibinigay nito sa kanya.

"Gusto kong ibalik sa kanya yun.

"Ayokong maramdaman niya na nakalimutan ko na siya.

"Kasi, ayokong maramdaman din yun sa sarili ko na nakalimutan na ko ng taong mahal na mahal ko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN