Kris Aquino on Derek Ramsay: “God must love me to give me someone like you to lean on & count on.”

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Kris Aquino na nagdamayan sila ni Derek Ramsay, kaya maraming netizens ang naintriga kung ang aktor ba ang special someone ni Kris. Ayon pa sa isang bahagi ng Instagram post ni Kris: “Bahala na kayo sa interpretation.”


Dahil sa Instagram post ni Kris Aquino nitong Martes, April 1, lalong tumindi ang haka-haka ng ilan na si Derek Ramsay ang mystery guy na madalas tukuyin ng Queen of All Media na nagpapatibok ng kanyang puso.

Nababanggit ni Kris ang mystery guy, di lang sa kanyang Instagram account na madalas niyang i-update, kundi pati na rin sa kanyang weekday morning show na Kris TV.

Nitong Martes, April 1, sa Instagram post ni Kris (@krisaquino214) ay nakasulat ang mga katagang: “For every girl with a broken heart, there’s always a boy with a glue gun.”

Sa caption ng nasabing post ay pinangalanan ni Kris si Derek na siyang karamay niya sa gitna ng kani-kaniyang pinagdadaanan. Ganoon din naman daw si Kris kay Derek.

Ayon sa post ni Kris: “It was a hard day for both of us, you had your personal issues & so did I... But you were there for me & I was grateful you gave me the chance to be there for you...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I said it before, super cute na may coffee pa. And now we can add chocolate marble & French Fries to that list...

“THANK YOU because God must love me to give me someone like you to lean on & count on. Bahala na kayo sa interpretation but @ramsayderek11 deserves a shout out. THANK YOU!”

Ang @ramsayderek11 ay Instagram account ni Derek.

Sa dulo ng nasabing caption ni Kris ay may tatlong larawan ng puso.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing nag-reply sa nasabing post si Derek at nagpasalamat kay Kris sa pagiging mabuting kaibigan nito. Subalit agad ding binura ng aktor ang kanyang reply.

Ngayong araw, April 2, Miyerkules, ipinost naman ni Kris sa kanyang Instagram ang link ng 2005 TV commercial ng isang beer brand kung saan nagkasama sila ni Derek.

Ayon sa caption ng post: “This is the link for our San Miguel Beer TVC from 2005. 9 years after @ramsayderek11 & I have become REAL FRIENDS. ❤❤❤”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“JUST FRIENDS.” Samantala, nakapanayam naman si Derek ng Cinemanews, isang entertainment show ng cable channel na Cinema One.

Dito ay diretsang sinabi ni Derek na hindi niya nililigawan ang actress-host at magkaibigan lamang sila.

Ipapalabas ang nasabing interview sa darating na Sabado, April 5.

Sa ngayon, ang TV5 hunk ay hindi nali-link kaninuman. Ang huling napabalitang girlfriend niya ay si Cristine Reyes, na nakarelasyon niya ng isang buwan. Bago nito, mahigit na limang taong may relasyon si Derek kay Angelica Panganiban.



POLITICIAN. Bukod kay Derek, maugong din ang pangalan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista bilang posibleng mystery guy ni Kris.

Sa panayam kay James Yap noong press conference ng PEPsters’ Choice noong March 27, Huwebes—kung saan isa si James sa mga pinarangalang artista bilang "Male Newsmaker of 2013"—sinabi ng dating asawa ni Kris na kinumpirma mismo sa kanya ni Kris na isang pulitiko ang nagpapatibok sa kanyang puso.

Hindi naman daw sinabi ni Kris sa kanya kung sino ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ang anak nina James at Kris, si Bimby, ay nagbigay daw kay James ng pangalan ng pulitiko. Hindi naman pinangalanan ni James ang mystery guy.

Read: James Yap on rumored Kris Aquino-Herbert Bautista romance: "Sana masaya siya, kung totoo man talaga."

Kinumpirma ni Kris sa late-night talk show na Aquino & Abunda Tonight, noong March 5 episode nito, na may espesyal na lalaking nagpapaligaya sa kanya.

Bagama’t inamin niya ang masayang estado ng kanyang buhay pag-ibig, ayaw namang ibunyag ni Kris ang pangalan ng kanyang minamahal.

“But again, uulitin ko po, utang ko po sa inyo na ikuwento ko ang buhay ko," paliwanag ni Kris, na kilala bilang prangka tungkol sa kanyang personal na buhay.

"Pero utang ko sa kanya [her suitor] na bigyan ko siya ng privacy at bigyan ko siya ng katahimikan,” pagtatapos nito.

Read: Kris Aquino admits she’s in love; refuses to reveal identity of her suitor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN