John "Sweet" Lapus says fellow gay comedians Joey Paras and Shalala deserve to have solo movies

by Rose Garcia
Apr 3, 2014
John "Sweet" Lapus on having a solo movie: "Okay lang ako na ganito. Bida pero unsung kami, grupo kami at saka support. Kasi, feeling ko, ano ba, magaling akong mag-blend sa unsung kahit sinong makasama ko. Siguro yun ang forte ko, magic ko rin at the same time. And if you’ll ask me kung gusto ko pa rin magkaroon, gusto ko pa rin. But again, hindi ako nagmamadali."

Hindi pa rin nagkakaroon ng solo movie hanggang ngayon ang veteran comedian na si John “Sweet” Lapus.

Naunahan pa nga siyang magkaroon ng solo o launching movie ng ibang gay comedians.

Given na siyempre ang naging tagumpay ni Vice Ganda, pero si Joey Paras at ngayon nga ay si Shalala naman ang may solo movie.

Ilang beses na siyang natatanong sa hindi pa rin pagkakaroon ng solo movie. Hindi ba siya nao-offend sa ganitong klaseng mga tanong?

Tugon ni Sweet, “Hindi naman, hindi naman.

“Feeling ko nga, kung para sa akin, para sa akin.

“And modesty aside, nakapagbida naman na ako sa pelikula.

"Unsung nga lang, hindi nga lang solo.

“Sabi ko nga, yung Here Comes The Bride [2010], Moron 5 and The Crying Lady [2012]na mukhang magkakaroon daw ng Part 2.

“Calling Viva Films kasi, by June, expired na ang contract ko at dalawa yun.

“Siguro, isa na nga ang Part 2.

Continue reading below ↓

“Bigyan man ako o hindi ng kahit anong production company, I really don’t mind.

“Kasi, okay lang ako na ganito.

“Bida pero unsung kami, grupo kami at saka support.

“Kasi, feeling ko, ano ba, magaling akong mag-blend sa unsung kahit sinong makasama ko.

“Siguro yun ang forte ko, magic ko rin at the same time.

“And if you’ll ask me kung gusto ko pa rin magkaroon, gusto ko pa rin.

“But again, hindi ako nagmamadali.

“I really don’t mind being a support kasi, parang yung support, mas mahaba ang pisi.

“Mas marami ang puwedeng role.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa presscon ng pelikulang Da Possessed noong Linggo, March 30, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

GAY COMEDIANS WITH SOLO MOVIES. Ngayong may launching movie na si Shalala at si Joey Paras naman ay nakapag-solo na, hindi ba sumasagi sa isipan niya yung “mas bongga o mas sikat” naman siya sa mga ito, pero nauna pa silang nabigyan ng launching o solo movie?

Continue reading below ↓

Sagot ni Sweet, “Hindi naman.

"Kasi tingin ko, yung nagkaroon ng launching si Vice, si Joey Paras, at ito ngang si Shalala, deserve naman siguro nilang magkaroon.

“At ang producer nila, talagang sila ang ina-eye for that particular role, sa kanila talaga bagay.

"Wala namang problema.

“Yung Bekikang, bagay naman talaga kay Joey Paras.

“Yung kay Shalala, Echoserang Frog yata ang title, bagay naman.

“Maski yung kay Vice na Petrang Kabayo, bagay naman.”

Mahirap din naman daw kasing sumabak siyang magbida na mag-isa at pagkatapos ay baka hindi naman ito kumita sa takilya.

Aniya pa, “Pag-uusapan ka lang na flop ang pelikula mo. Baka ang ending, maapektuhan pati ang pagsu-support ko, ‘di ba?”

Minsan daw ay naiisip ni Sweet na mag-produce ng indie film, ‘tulad ng ginagawa ng ibang artista, at posibleng siya na rin ang maging bida.

“Naisip ko rin minsan at nagsabi rin ako kay Atty. Joji Alonso na, ‘Kung meron kang ipo-produce, kung kailangan mo ng partner, puwede ako.’

Continue reading below ↓

“Preferably sana, nandoon din ako sa cast para yun na ang ambag mo, yung talent fee mo.”

Pero masaya naman daw si Sweet ngayon dahil sunud-sunod naman ang proyekto niya sa ABS-CBN.



KRIS AQUINO. Bilang isa sa matalik na kaibigan ni Kris Aquino, sinubukan naming tanungin kay Sweet ang tila “misteryosong” lovelife ng TV host-actress.

Madalas kasi ay nagbibigay ng iba’t ibang pahiwatig sa Instagram si Kris.

Iba’t ibang aktor at pulitiko ang nauugnay sa kanya.

Nang kausap namin si Sweet, ang matunog na pangalang nali-link kay Kris ay si Mayor Herbert Bautista.

Ngayon naman, may Derek Ramsay rin.

Pero bago yun, naugnay rin si Kris sa iba pang mga pulitiko.

Sabi naman ni Sweet tungkol dito, “Alam niyo, hindi ko alam.

“Sa news ko na lang nalaman at narinig ang pangalang Herbert Bautista.

“Alam niyo ako, kaibigan ko rin si Kuya Herbert, so siguro hindi pa lang kami nagkikita ni Kris after na sumabog ang isyung ito.

Continue reading below ↓

“Kasi nga, hindi ako nakakapag-guest sa Kris TV dahil nga tatlo-tatlo ang ginagawa ko.”

Dugtong niya, “At saka dapat, si Kris ang tinatanong niyo.

“Ganoon kaming klaseng kaibigan, e, when we talk, we make sure, face to face, eye to eye.

“And kung may alam man siguro ako, parang ang pangit naman na ako ang nagsasalita for Kris.”

Sa napapansin niya kay Kris, masasabi niya bang meron nga itong lovelife o inspirasyon ngayon?

Sagot ni Sweet. “Well, she looks happy, she looks beautiful.

“The other day, noong nanonood ako noong isang araw ng Aquino Abunda, ang ganda ng bruha! Parang may inspirasyon talaga.

"Kaya sabi ko, kung totoo mang may inspirasyon si Kris o may lovelife siya ngayon at nagpapakilig sa kanya, happy ako for her.

“She looks happy, she looks beautiful, and she looks contented.”

Sa pagkakakilala niya kay Kris, anong klaseng lalaki ang babagay rito para talagang mag-work ang relasyon nila?

Continue reading below ↓

Sabi ni Sweet, “Well, ako sinasabi ko naman sa kanya na dapat, ang lalaking makarelasyon ni Kris, mas matalino sa kanya or, at least, kasing-talino niya, ‘di ba?”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John "Sweet" Lapus on having a solo movie: "Okay lang ako na ganito. Bida pero unsung kami, grupo kami at saka support. Kasi, feeling ko, ano ba, magaling akong mag-blend sa unsung kahit sinong makasama ko. Siguro yun ang forte ko, magic ko rin at the same time. And if you’ll ask me kung gusto ko pa rin magkaroon, gusto ko pa rin. But again, hindi ako nagmamadali."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results