Manny Pacquiao turns down Comelec's advice to postpone Bradley fight

Mar 8, 2016
<p>Senatorial aspirant Manny Pacquiao refused to heed Comelec's advice to move his April 9 fight with Timothy Bradley until after May elections. This is in relation to two complaints against Pacquaio for having "unfair advantage" over other candidates dur

Hindi payag si Manny Pacquiao na umatras sa kanyang nalalapit na boxing match kay Timothy Bradley.

Ayon sa report ng State of the Nation ng GMA News TV kagabi, March 7, sinabi ni Pacquiao na hindi naman pangangampanya ang boxing.

Hindi rin daw siya makakaatras dito dahil ayaw niyang lumabag sa kontrata.

Ito ang kanyang tugon sa reklamong labag sa election rules ang magaganap na laban nila ni Bradley sa April 9 sa Las Vegas (April 10 sa Pilipinas) kaya’t dapat ay i-postpone ito.

Ayon sa petisyon ng senatorial candidate na si Walden Bello sa Commission on Elections (Comelec), magbibigay umano ng “tremendous advantage” ang coverage ng laban ni Pacquiao, na tumatakbo rin sa pagka-senador.

Read: Comelec's advice to Pacquiao: Move Bradley fight after May elections

Ayon kasi sa Fair Elections Act, ang mga kandidato sa isang national position ay bibigyan lamang ng limit na 120 minutes na allowable time sa bawat TV station at 118 minutes sa bawat istasyon ng radyo.

Continue reading below ↓

Dapat ding mag-leave of absence ang sinumang kandidato na may palabas sa TV at radyo habang nagaganap ang 90-day campaign period.

Sa May 9 gaganapin ang 2016 elections, isang buwan matapos ang Pacquiao-Bradley fight.

TOTAL MINUTES. Sa report ng State of the Nation, sinabi ni Pacquiao na ibawas na lamang sa kanyang allowable minutes ang pagpapalabas ng laban.

Aniya, ang boxing match ay tatagal lamang ng 36 minutes, dahil ang boxing ay may 12 rounds na tigta-tatlong minuto.

Ngunit matatandaang ang mga nakaraang laban ni Pacquiao ay pinalabas sa telebisyon nang mas higit pa sa 36 minutes.

Inaasahang maglalabas ang Comelec ng desisyon ukol dito sa nalalapit na mga araw.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Senatorial aspirant Manny Pacquiao refused to heed Comelec's advice to move his April 9 fight with Timothy Bradley until after May elections. This is in relation to two complaints against Pacquaio for having "unfair advantage" over other candidates dur
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results