Kris Aquino deletes family photo with QC Mayor Herbert Bautista on Instagram

Kris Aquino posted this photo with her family and QC Mayor Herbert Bautista during their dinner last Saturday, April 5. Kris posted this twice but deleted it later on after some of her followers on Instagram asked if the actor-politician is the mystery guy in her lovelife right now.


Ilang followers ni Kris Aquino ang nagtataka kung bakit binura ng TV host-actress ang Instagram posts niya na kasama niya si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Noong Sabado ng gabi, April 5, nag-post si Kris sa kanyang Instagram account (krisaquino214) ng larawan kung saan makikita ang mga miyembro ng Aquino family.

Kasama rito ang kanyang kuya, si Presidente Benigno “PNoy” Aquino, ang kanyang tatlong nakatatandang kapatid na babae, ang kani-kanilang pamilya, at ang mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Sa caption ay inilagay ni Kris ang mga salitang “Family Dinner” at may kasamang tatlong heart emoticons.

Marami sa followers ni Kris ang agad na nakapansin sa lalaking nakaupo sa kabisera sa bandang likuran, na nakasuot ng puting polo.

Karamihan sa kanila ay kinilala ang lalaki bilang si Mayor Herbert.

Kalaunan ay binura ni Kris ang post.

Sumunod ay nag-post siya ng isang photo collage.

Kasama pa rin ang family dinner picture, pero mas maliit na ito sa dalawang kuha kina Kris at PNoy na magkahiwalay at kasama ang mga anak ng TV host-actress na sina Bimby at Josh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami pa rin ang nagkomento sa larawan.

May ilang nagtanong kung si Herbert ang lalaking nagpapaligaya ngayon kay Kris.

May lumalabas kasing balita na nag-uugnay ngayon sa Queen of All Media at sa alkalde ng Quezon City.

Hindi nagtagal, binura muli ni Kris ang post sa Instagram.

Kaninang umaga, nag-post muli si Kris ng larawan, ngunit wala na ang “family dinner” photo.

Ito ay collage na lamang ng dalawang larawan nila ni PNoy kasama sina Bimby at Josh.

Hindi ito ang unang pagkakataong nakitang magkasama sina Kris at Mayor Herbert.

Sa episode ng Kris TV noong Biyernes, nakita rin ang pagbisita ni Herbert habang tine-tape nina Kris, Pokwang, at Pooh ang episode sa isang establishment sa Tomas Morato, Quezon City.

Kagabi, April 6, namataan din ng PEP sina Kris at Mayor Herbert na papaalis mula sa Starbucks Imperial Palace Suites, sa Timog Avenue, Quezon City.

Bago ang balitang ito, naging usap-usapan ang pagkakamabutihan ni Kris at ng aktor na si Derek Ramsay, na pinasasalamatan pa ng TV host-actress sa ilang posts niya sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit agad namang nilinaw ni Derek sa isang panayam ng PEP na magkaibigan lamang sila ni Kris.

Read: Derek Ramsay on real score with Kris Aquino: "No, there is no relationship going on."


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN