Nadine Samonte waits end of TV5 contract before planning for her wedding

by Glenn Regondola
Apr 8, 2014
Nadine Samonte on fiancé Richard Chua: “Noong first time ko siyang makilala at first time niya rin akong makilala, may magnet na kaagad. It’s different kaagad. May… hindi ko alam, mahirap i-explain, e. Meron palang ganun na kahit first time lang, parang iba na. ’Tapos nung lagi kaming nag-uusap, getting to know each other, parang parehas kayo. Lahat okay… makikita mong puro positive lahat, e. Iba talaga siya."

Halos siyam na buwan nang engaged ang TV5 star na si Nadine Samonte sa businessman na si Richard Chua, pero wala pang detalye na lumalabas tungkol sa pagpapakasal nila.

Ayon kay Nadine, hihintayin muna niya kung ano ang mangyayari sa kanyang kontrata sa TV5, na magtatapos ngayong June, bago niya pagtuunan ng pansin ang tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa shooting ng pelikulang Dementia noong Linggo, April 6, sa Bustos, Bulacan.

Saad ni Nadine, “Tatapusin ko muna ang kontrata ko by June.

“Let's see, kasi gusto ko munang mag-concentrate ngayon sa magiging career ko at kung ano ang mangyayari sa akin after June, bago kami magsalita.

“Pero this year, malalaman at malalaman din niyo ‘yan.”

Pero meron na bang initial wedding plans silang napag-uusapan o inaasikaso?

“Oo naman, lagi namin pinag-uusapan. Kung saan? Secret!” natatatawang sabi pa niya.

Beach ba o garden wedding?

Continue reading below ↓

“Puwede, puwede… ayaw ko pang magsalita tungkol sa detalye—pagdating na ng June.

“Basta ako, simple lang. Simple lang naman ang gusto ko.

“Ang importante sa akin, masaya kayo, kumpleto ang mga ini-expect naming bisita, okay na yun sa akin.”

Ang kasal ay posible raw mangyari sa taong ito o early 2015.

FAMILY-ORIENTED. Maging ang ina raw ni Nadine na si Edjirita Eidloth ay walang problema tungkol sa plano niyang lumagay sa tahimik.

“Walang problema,” paniniguro ng StarStruck alumna.

“Si Mommy naman, kung saan masaya, okay lang yun sa kanya.

“Siyempre, andiyan pa naman ako para sa kanila, pero may mga pagbabago na rin.

“Pag nagkataon, ‘di ba, meron na rin kasi akong sariling pamilya.

“Pero hindi naman ibig sabihin na nag-asawa ka na, e, iiwanan mo na sila or bibitawan mo na sila.

“Hindi naman ako ganun, e.

“Family-oriented ako, so andiyan pa rin naman ako for them.”

Simula nang mag-artista si Nadine ay siya na ang tumayong breadwinner ng kanilang pamilya.

Continue reading below ↓

Napagkikinita na raw niya ang luhang bubuhos sa mga mata ng ina kapag dumating ang takdang araw ng kanyang kasal.

“Ayun, naikuwento ko pa nga lang sa kanya yung tungkol sa proposal, hindi ko na maintindihan ang reaksiyon ng kanyang mukha.

“Nagulat siya, pero parang mas alam na niya kaysa sa nalaman ko.”

AFTER THE WEDDING. Inamin din ni Nadine na namanhikan na si Richard, pero tumanggi siyang sabihin kung kailan nangyari ito.

Ano naman ang plano nila pagkatapos ng kanilang kasal?

Magku-quit na ba siya sa showbiz o patuloy pa rin ang kanyang pag-arte sa telebisyon at pelikula?

Sagot ni Nadine, “Actually, hindi ko pa rin alam, e.

“Go with the flow na lang, kasi hindi ko rin alam pa kung ano ang mangyayari sa career ko, e.

“Tuloy pa rin [ang showbiz career], pero siyempre may mga limitation na.

“At ganun naman talaga yun, lalo na kapag gusto mo na ring magka-family, ‘di ba?”

Continue reading below ↓

May mga magiging limitasyon na ba siya pagkatapos niyang maikasal, ‘tulad ng kissing scenes o love scenes?

Sabi ni Nadine, “Siguro ganun na nga.

“Pero kasi kapag artista ka, artista ka, e.

“Hindi naman puwede na, 'Ay, bawal ako sa ganito o ganyan.’

“Siguro, may mga time na puwede ka lang mag-react na, ‘Puwede po bang ganito na lang yung eksena?’

“Pero kung sabihin mo na i-stop mo na lahat, parang ano, ‘di ba?”

Ano ang opinyon ng kanyang magiging asawa tungkol dito?

“Wala. Basta sabi niya, ‘Nandito lang ako para suportahan ka.’

“Yun ang maganda sa kanya kasi kaya nga nasasabi ko na he’s my better-half, kasi he brings out the best in me.

“Ang maganda, every time na may gagawin ako, inspired ako dahil na rin sa kanya.

“Kaya nga lagi kong sinasabi noon pa na ayaw ko nang mag-invest sa maling tao kasi mahirap, e.

“Oo nga, I'm still young, but time is running din and life is too short din, ‘di ba?

Continue reading below ↓

“Enjoy it na lang sa taong gusto mo na talagang makasama.”

Muli, inalam namin sa kanya ang dahilan upang masabi niyang si Richard na nga ang lalaking gusto niyang makasama habambuhay.

Nakangiting pagbalik-tanaw ni Nadine, “Noong first time ko siyang makilala at first time niya rin akong makilala, may magnet na kaagad.

“It’s different kaagad. May… hindi ko alam, mahirap i-explain, e.

“Meron palang ganun na kahit first time lang, parang iba na.

“’Tapos nung lagi kaming nag-uusap, getting to know each other, parang parehas kayo.

“Lahat okay… makikita mong puro positive lahat, e. Iba talaga siya.

“Basta yung buong detalye ng love story namin ay ikukuwento namin after our wedding na.”

Read Next
Read More Stories About
Nadine Samonte, Richard Chua
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Samonte on fiancé Richard Chua: “Noong first time ko siyang makilala at first time niya rin akong makilala, may magnet na kaagad. It’s different kaagad. May… hindi ko alam, mahirap i-explain, e. Meron palang ganun na kahit first time lang, parang iba na. ’Tapos nung lagi kaming nag-uusap, getting to know each other, parang parehas kayo. Lahat okay… makikita mong puro positive lahat, e. Iba talaga siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results