Sam Concepcion on bashers of Anne Curtis: "No one deserves to be attacked here."

by Arniel C. Serato
Apr 10, 2014
Kinumpirma ni Sam Concepcion na may nangyari ngang kumprontasyon sa pagitan nila ni Anne Curtis. Ngunit ayaw na nitong magdetalye pa tungkol sa insidente dahil nagkaayos na raw sila ng aktres.

Pinutakti ng mga katanungan si Sam Concepcion tungkol sa isyu sa kanila ni Anne Curtis sa presscon ng iniendorso niyang Korean restaurant kaninang tanghali, April 10.

Sumentro ang mga tanong tungkol sa pagkumpornta sa kanya ni Anne sa birthday party ni Vice Ganda noong madaling-araw ng March 31, sa 71 Gramercy, Makati City.

Read: PEP SCOOP. Anne Curtis reportedly tells Sam Concepcion at Vice Ganda’s party: “You’re not even classy enough to be here!”

Sa presscon niya kanina sa Chef’s Noodle, Robinson's Magnolia, Quezon City, kinumpirma ni Sam na may naganap ngang kumprontasyon sa kanila ni Anne.

Ngunit idiniin niyang nagkaayos na sila pagkatapos nilang mag-usap.

Read: Sam Concepcion confirms confrontation with Anne Curtis; says "all is well" now between them

Pagkatapos ng open forum ay muling nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang Mira Bella star.

Dito ay inalam ng press sa kanya kung ano ang bersiyon niya sa nangyari sa kanila ni Anne sa party ni Vice.

Saad ni Sam, “A, yun nga po... we did see each other. We did talk.

"And, of course, like I said earlier, I understand where she’s coming from.

"I understand what she’s saying, I understand that…

"Katulad rin ako, I have a little sister, siyempre I will... siyempre I will look out for my little sister.

"Siyempre, all of that are valid reasons.

“The important part is that we’re okay.

"Okay po kami ni Anne, okay po kami ni Jasmine."

Si Jasmine Curtis Smith ang nakababatang kapatid ni Anne at napapabalitang girlfriend ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



“WALANG NAG-I-EXPECT…” Nagulat ba siya nang bigla siyang kumprontahin at pagsalitaan ni Anne?

Pag-amin ni Sam, “Siyempre opo, it was a surprise, wala po naman sa aming nag-i-expect.

“It came as a surprise, but yun nga, things… she has reasons…

"Whatever reasons, siyempre family po yun ni Jasmine, e, so maiintindihan ko.

"And I really respect her [Jasmine] and I respect Anne."

Nasaktan ba siya? Napahiya?

Tugon ng 21-year-old Kapamilya actor-singer, “Ako po kasi, I’m very understanding of people.

"Basta, parang wala rin kasi akong space to feel that way kasi…

"Siyempre, I would go through whatever for her," pagtukoy niya kay Jasmine.

Kinumpirma naman ng media kay Sam ang report na lumabas sa ilang tabloids na nakatanggap daw siya ng maraming text messages pagkatapos ng insidente, at ilan daw sa ito ay sinabihan siyang huwag magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ni Anne.

Pero hindi ito tuwirang sinagot ni Sam.

Sabi niya, “Siyempre marami ang nagtatanong sa akin kung ano nga ba yung nangyari.

"Actually, hindi ko nga alam kung paano ko sasagutin yung mga ganun—calls and texts—na, ‘Ano ba nangyari?' Mga ganun, ganyan.

"And then stories come up, and iba-iba na.

"So, actually, nakaka-overwhelm din on my part."



ANNE'S DENIAL. Ilang oras lamang pagkatapos lumabas ang report ng PEP tungkol sa insidente kina Sam at Anne sa birthday party ni Vice ay naglabas ng mensahe ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram account.

Dito ay sinabi ni Anne na kinausap nga niya si Sam noong gabing iyon ngunit wala raw siyang sinabing masasakit na salita rito. Wala rin daw silang isyu ni Sam.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Anne Curtis denies humiliating Sam Concepcion at Vice Ganda's party

Pero ngayon ay kinumpirma ni Sam na may kumprontasyon ngang naganap sa kanila ni Anne.

Ano ang masasabi ni Sam sa naging pahayag ni Anne?

Sagot ng Stages at Star Magic talent, “I think, even... I think she says also that we did talk that night.

"So, I think alam naman po naming dalawa.

"Kasi napag-usapan na rin namin, we talked about it, and I think, walang… there’s nothing else to talk about.

"Okay, okay kami."

Sino ang nag-initiate ng pag-uusap nila?

Sagot ni Sam, “Siyempre, as the guy na, na ako yung… I’m the one courting Jas, siyempre I’m the one…

"Ako yung nanliligaw, siyempre, ‘di ba… whatever the situation, it’s always the guy who has to make an effort.

“Yes, oo naman, yeah. Kaya nga po I want to clear things muna with her, gusto ko po na maging okay muna kami bago…”

Sa birthday celebration daw ni Jasmine sila nagkita ni Anne at pamilya nito.

WAS ANNE DRUNK? Dagdag pang tanong ng media kay Sam: Lasing ba si Anne noong maganap ang kumprontasyon nila sa party ni Vice?

Natatawang sagot niya, “Hindi ko alam!

"Kasi minsan, mahirap, kasi… malilito ka na rin sa mga nangyayari, 'tsaka sa dami ng lumalabas."

Tinanong din si Sam tungkol sa report ng PEP kung saan nilapitan daw siya ng mga taga-It's Showtime upang i-console o i-comfort pagkatapos ng insidente. Totoo bang nangyari ito?

Ang It's Showtime ang noontime show ng ABS-CBN kung saan dating mainstay si Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Atubiling tugon ni Sam, “A... andun yung mga... there were real, true friends who came with me, na medyo, para ano lang…”

Hindi na itinuloy ni Sam ang kanyang sasabihin.

Kinuha rin ng media ang reaksiyon ni Sam sa pagkakakagat ng box jellyfish kay Anne sa taping ng fantaserye nitong Dyesebel, ilang araw pagkatapos maganap ang kumprontasyon sa kanila.

Read: Anne Curtis on box jellyfish sting: “I thought I was going to die.”

May ilang Netizens ang nag-ugnay ng nangyari kay Anne sa insidente sa pagitan ng aktres at ni Sam.

Pahayag ni Sam tungkol dito, “Alam niyo, kung may mangyaring… we don’t wish…

"Hindi natin dapat i-wish ng masama kahit kanino, and no one deserves that.

"Hindi dapat mangyari 'yan sa kahit na sinong tao."



RELATIONSHIP WITH CURTIS FAMILY. Inulit naman ni Sam ang kanyang pahayag na maayos ang relasyon nila ni Jasmine ngayon, sa kabila ng nangyari sa kanila ng ate nitong si Anne.

Sabi niya, "Oh, yes, definitely.

"She is very, very special to me. And I really take care of her.

"'Tsaka, I won’t do anything to hurt her, e."

Bagamat hindi pa umaamin sina Sam at Jasmine sa totoong estado ng relasyon nila, sinabi ng binata na hindi niya hahayaang masira ang kanilang relasyon.

Gagawin daw niya ang lahat "for love."

“Anything... I’ll do anything for Jasmine. Gagawin ko kahit ano for her.

"She is very, very special to me. So, I won’t let anything get in the way."

Kumusta naman ang relasyon niya sa pamilya ni Jasmine?

“Good, good... mabuti po. Everything’s been well, okay naman po talaga kami.”

Sa huli, may mensahe si Sam sa lahat ng mga tagasuporta niya at sa mga bumabatikos ngayon kay Anne.

“Una, I hope that, yun na nga po, huwag na po nating palakihin nang palakihin.

"All is well between all of us. Wala naman pong problema na.

"Yun din, I hope na we don’t wish badly of her, of Anne. No one deserves to be attacked here, e.

“I know, the fans, susuportahan nila yung sa kanila, anytime.

"I hope we don’t… hindi natin i-attack other people."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ni Sam Concepcion na may nangyari ngang kumprontasyon sa pagitan nila ni Anne Curtis. Ngunit ayaw na nitong magdetalye pa tungkol sa insidente dahil nagkaayos na raw sila ng aktres.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results