Anne Curtis visits office of BIR Commissioner Kim Henares; may face tax evasion charges

by Bernie V. Franco
Apr 10, 2014
Bumisita kamakailan si Anne Curtis sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue, subalit hindi ibinunyag ng BIR officials ang dahilan ng kanyang pagbisita. Samantala, may sources na nagsasabing nakipagpulong si Anne sa ilang opisyales ng tanggapan hinggil sa inisyung letter of authority sa kanya dahil sa tax evasion.

Kinumpirma ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares na bumisita sa kanyang opisina ang aktres na si Anne Curtis ngayong linggo, ngunit hindi sila nagkita dahil wala sa kanyang tanggapan ang commissioner noong oras na iyon.

Pahayag ni Commissioner Henares sa ABS-CBN News Online ngayong araw, April 10, "I was informed she went to BIR but I was not there.

"First, she did not have any appointment with me.

"Second, I have appointments outside of the Bureau."

Tumanggi naman ang BIR commissioner na ibunyag ang dahilan ng pagbisita ni Anne sa kanyang tanggapan.

"Wala akong puwedeng sabihin... Dapat tanungin niyo na lang si Anne Curtis bakit siya pumunta sa opisina ko.

"Ako, hindi ako puwede magsalita."

May ilang sources ang ABS-CBN na nagsabing may kinalaman ang pagpunta ni Anne sa BIR office dahil sa naisyuhan ng letter of authority (LOA) ang aktres para sa “alleged tax deficiencies” nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi na ni Commissioner Henares noon na kapag nakatanggap ng LOA ang tax evaders, hindi na nila maaaring amyendahan ang kanilang income tax returns (ITRs) at posibleng maharap sila sa civil o criminal cases dahil sa tax evasion.

"O kaya, kung hindi kayo nakapag-file, hindi na puwede kayo mag-file.

"So, kung ano ang resulta nun is another conclusion."

Ayon naman sa impormasyong nakuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kabilang si Anne sa maraming bilang ng mga artistang sasampahan ng kasong tax evasion ng BIR.



INQUIRY ON TAX LIABILITIES? Sa hiwalay na ulat na lumabas sa Tempo.com.ph, ngayong ding araw, nagsadya raw ang Dyesebel star sa BIR main office, sa Diliman, Quezon City, para magtanong tungkol sa kanyang diumano’y multi-million peso tax liabilities.

Ayon sa report, hindi idinetalye ng BIR information office ang dahilan ng pagbisita ni Anne sa ahensiya, subalit may sources na nagsabing nakipagpulong ang aktres sa legal and enforcement officials ng BIR upang magtanong sa inisyung LOA sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahaharap diumano si Anne sa tax fraud investigation sakop ang “recent years.”

Ayon pa sa sources, ang National Investigation Division, na dating Tax Fraud Division, ang nag-isyu ng LOA.

Sa record ng BIR, si Anne ay nasa ika-50 sa listahan ng top individual taxpapers noong 2012; at nagbigay ng kabuuang P19.1 million income tax.

Sinabi rin ng BIR na ang sakop ng binayaran ni Anne ay para sa self-employment and practice of profession, gamit ang BIR Income Tax Form No. 1701.

Bukod sa pagiging isang sikat na aktres at TV host, isa rin sa nangungunang endorsers ngayon si Anne.

Ibig sabihin, malaking porsiyento ng kanyang kinikita—na sinasabing nasa nine digits kada taon—ay mula sa mga produkto at serbisyong kanyang iniendorso.

Si Anne ay itinuturing ding prized talent ng VIVA Artists Agency.

Ang pinakahuling celebrity na naharap sa tax evasion case ay si Sarangani Representative Manny Pacquiao, kung saan ipinag-utos pa ng BIR na i-freeze ang bank accounts ng boksingero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, BIR
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumisita kamakailan si Anne Curtis sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue, subalit hindi ibinunyag ng BIR officials ang dahilan ng kanyang pagbisita. Samantala, may sources na nagsasabing nakipagpulong si Anne sa ilang opisyales ng tanggapan hinggil sa inisyung letter of authority sa kanya dahil sa tax evasion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results