Arjo Atayde gets "kilig" working with crush Alex Gonzaga

Arjo Atayde says he and Alex Gonzaga are still working out their chemistry as a loveteam in their first television series together.


Enjoy si Arjo Atayde sa pagte-taping para sa Pure Love, ang upcoming romantic-comedy series ng ABS-CBN kung saan sa unang pagkakataon ay pinagtambal sila ni Alex Gonzaga.

“Sa May na po kami mag-i-air," banggit ng Kapamilya young actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kahapon, Huwebes, April 10.

Dagdag niya, “Patapos na po kami ng taping ng mga episodes para sa second week nito.

"Going to third week na kami, so nakapagpondo na kami.

“Bago nag-start yung taping namin, nag-workshop muna kami under Tito Noni Buencamino.”

Sa third week ng May o bago magtapos ang buwan daw ang airing ng kanilang palabas.



CHEMISTRY. Ayon kay Arjo, very professional at masaya katrabaho si Alex, pero "hindi ko pa po masasabi yung chemistry."

Dagdag niya, "We work on it naman po, of course we’ll work it out."

Close naman daw sila, "Pero hindi sobrang close.

“Siguro I’m getting to know her pa.

"Kasi this is the first time na nagsama kami.

“It’s really fun to work with her, kasi she is a person who likes to always smile.

"And I’m very happy working with her, she’s one of my dream leading ladies, e.”

CRUSH. Inamin din ni Arjo na crush niya dati si Alex. Mga tsinita kasi, gaya ng actress-TV host, ang type niya.

Nasabi na ba niya kay Alex ang tungkol dito?

“Hindi, hindi rin naman kasi siya nagtatanong, e!” natatawang sabi ni Arjo.

Nahihiya siya?

“Hindi naman sa nahihiya, hindi lang kasi natatanong.

“Pero kapag tinanong, sasabihin ko, oo.

"Bakit naman hindi? Hindi ko naman ikakahiya ‘yon.

"Totoo naman na crush ko siya.

“Ngayon kasi, parang getting to know lang naman.

“So, it will take time, kasi hindi ko pa siya kilala.

“Kung liligawan ko, hindi ko pa kilala… baka magkaproblema lang, ’di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVABLE. Sa inisyal na pagkakakilala niya kay Alex, ano yung katangian nito na kanyang nakita agad at nagustuhan?

Sabi ni Arjo, “Yung personality, yung kabuuan, e.

“She’s very lovable. Lagi siyang nagpapatawa.

“Madalas kaming nagkakausap sa set kapag wala pang kinukunan na eksena namin.

"Puro mga patawa.

“Nagkukulitan kami kung minsan, masaya talaga siyang kausap.

“Madali siyang makagaanan ng loob.

"Kasi usually she cracks jokes that breaks the ice, e.

“Okey siyang kasama. I’m so comfortable with her.”



KILIG SCENES. Marami na raw silang eksenang nagawa, na ang karamihan ay kilig scenes.

“Halos every scenes namin together, kinikilig ako!" natatawang pag-amin ni Arjo.

“Pero yung pinaka-intense na scene namin, yung first meeting namin.”

May kissing scenes sila?

“Hindi ko puwedeng sabihin, e, hintayin na lang natin kapag umere na yung show.”

Hindi ba niya naiisip na baka may magselos o mag-react sa parte ni Alex?

“As far as I know, wala naman, wala naman po,” sagot ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN