IC Mendoza reveals better relationship with estranged dad

by Glenn Regondola
Apr 18, 2014
Sa lahat daw ng mga lalaking idineyt ni IC Mendoza ay apat pa lang ang ipinapakilala niya sa kanyang ina na si Dolly Anne Carvajal. Nang biruin kung hindi kaya magkagusto ang ina sa mga idini-date niya, natatawang sagot ni IC: “Hay naku, wala siyang pag-asa doon kasi bakla rin yun! Ayaw ko na sa straight guys… pompiyangan ang gusto ko! It’s a tie, yun ang gusto ko.”

Masaya si IC Mendoza dahil lalong gumaganda ang relasyon niya sa kanyang amang si Ed Mendoza, na matagal nang hiwalay sa kanyang inang si Dolly Anne Carvajal.

Si Ed ay dating PBA player na ngayon ay isa nang pastor sa New York, USA.

Samantalang si Dolly Anne ay kilalang entertainment columnist at anak ng yumaong Queen of Talk na si Inday Badiday.

Pagmamalaki ni IC sa PEP.ph (Phiippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang ama, “Oo, ngayon okey na kami.

“Naalaala niyo dati, hindi, ‘di ba?

“Ngayon, nagpe-Facebook kami niyan.

“Sa ngayon kasi nasa States pa rin siya, kasi pastor nga siya.

“And sinabi nga niya before na ipi-prayover niya ako pagbalik niya rito nang malaman niyang I'm gay.

“Pero ngayon, tanggap na tanggap niya ako.

“May dialogue pa siya na, ‘O, kumusta ka na, anak?’

“’Tapos meron pa siya sa FB na ‘Pastor Ed's Corner’ at tina-tag niya ako ako ng Bible verses, at sinasabi niya sa akin na basahin ko raw.

Continue reading below ↓

“Ako naman, ‘Sige.’”

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si IC sa taping ng Confessions of A Torpe sa Sta. Ana, Manila, kamakailan.



NOT ON SPEAKING TERMS. Kung maayos na ang relasyon ni IC sa kanyang ama, taliwas naman ito sa relasyon ng kanyang mga magulang.

Pambubuking ni IC, “Hay, hindi sila nag-uusap at all.

“I mean, kapag nagkita... my dad is coming here by May after five years, ‘tapos magkikita sila ni Mommy.

“Ayun, sana maulit muli. Chos!

“Pero yung dad [ko] ay may asawa na rin, e.

“And si Mommy naman, she's happy naman din na siya ay single.

“Lagi niyang sinasabi na she's 'loverless pero never loveless' dahil nandiyan kami.”

Pagdating sa personal life ng kanyang ina, open naman si IC sa posibilidad na mag-asawa muli ito.

Gusto rin daw niyang maging masaya ang ina kasama ang kanyang “Mr. Right.”

Sabi ng 26-year-old TV host-actor, “Open naman kami who she's dating… alam ko naman.

Continue reading below ↓

“Oo, may mga ipinakilala na siya sa amin, pero at par with our standards.

“Kasi my mom is my mom, so hindi puwede na kung sinu-sino lang.

“May mga idini-date kasi siya na hindi ako boto, like may mga bagets na weird.

“I mean, yung track record niya lately, mas okey na.

“Ay, yun ang kailangan… gusto ko ‘yan for her,” pagtukoy niya sa posibilidad na magpakasal muli ang ina.

Sabi pa ng dating child star, “Sa akin naman, wala naman siyang say.

“Ako kasi, 'pag sure na sure na ako sa guy, saka ko pa lang ipinapakilala sa kanya.

“With guys I've dated, apat pa lang ang ipinapakilala ko sa kanya.”

Biro namin kay IC, paano kung magkagusto ang mommy niya sa lalaking ipinapakilala niya?

“Hay naku, wala siyang pag-asa doon kasi bakla rin yun!” natatawang sabi niya.

“Ayaw ko na sa straight guys… pompiyangan ang gusto ko!

“It’s a tie, yun ang gusto ko.”

Continue reading below ↓



LGBT COMMUNITY. Kinuha ng PEP ang opinyon ni IC tungkol sa patuloy na pakikipaglaban ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender (LGBT) community sa kanilang karapatan bilang tao at bilang miyembro ng society.

Nakangiting pahayag niya, “Ayun, buhay na buhay ang ating rebolusyon.

“Maingay na siya, pero hindi pa siya fully accepted.

“May mga show kasi, like yung My Husband's Lover, nagustuhan ko yun dahil it presented gays in a different light, ‘di ba?

“Sanay tayo sa bakla sa TV, katulad ng ginagawa ko na sumisigaw, ganyan.

“Napaka-complex ng mga bakla, ang daming klase, at hindi kailangang ikahon sa isang stereotype na role."

May naging contribution na ba si IC sa LGBT community bilang isa sa kilalang out na gay sa ating bansa?

Tugon niya, “I also do yung podcast na Beki Nights at magsi-season five na kami sa June.

“Hopefully gawin siyang TV show, and we talk about issues ng mga bading.

Continue reading below ↓

“Then, mga kasama ko nga, beki rin from the industry at si Divine Lee…

"And we tackle hindi lamang yung sa LGBT community kundi current events din.

“Kung ano ang take namin with… or beki perspective.”

Ayon kay IC, dahil sa pagiging gay niya ay marami na rin daw siyang natanggap na panlalait mula sa publiko.

“Oo naman,” sambit niya.

“With my line of work, kasi siyempre, press din ako, nagsusulat din ako. And nagba-blind item din ako minsan.

“Marami, like kapag may prinisent ka na istorya, ang gagawin ay hindi lalaitin ang istorya mo kundi ang lalaitin ay ang pagkatao mo.

“Lalo na… also, very visible din ako sa social media.

“Pero kinasanayan ko na, e. Totally deadma na lang ako.

“Pero minsan ay pinapatulan ko ‘pag tinopak ako, ‘tapos bina-block ko sila para ‘di makasagot.

“Minsan kasi, ang gumagawa niyan ay mga fans ng artista na pinipitik ko minsan.

Continue reading below ↓

“Pero yung artista ay ‘di naman ganun kagalit, pero ang mga tagahanga, grabe kung magalit.”

Read Next
Read More Stories About
IC Mendoza, Dolly Anne Carvajal
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa lahat daw ng mga lalaking idineyt ni IC Mendoza ay apat pa lang ang ipinapakilala niya sa kanyang ina na si Dolly Anne Carvajal. Nang biruin kung hindi kaya magkagusto ang ina sa mga idini-date niya, natatawang sagot ni IC: “Hay naku, wala siyang pag-asa doon kasi bakla rin yun! Ayaw ko na sa straight guys… pompiyangan ang gusto ko! It’s a tie, yun ang gusto ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results