Mark Neumann admits he's not as popular compared with young stars from other networks

by Glenn Regondola
Apr 21, 2014
Mark Neumann on his blooming showbiz career: “Everyone gets his turn naman. And I think it's my turn, and part of my turn is yung gagawin ko ang best ko. I have five-year contract with the Artist Center [of TV5] and nakaka-almost two years na ako. And I have my car na, may investments na inipon ko from my shows. Kaya so far, happy ako sa takbo ng career ko.”

Ramdam na ramdam na raw ng baguhang aktor na si Mark Neumann ang pagiging isang artista dahil sa magandang exposure na nakukuha niya sa comedy show ng TV5 na Confessions of A Torpe.

Ang Fil-Croatian na si Mark ay produkto ng talent and reality show ng Kapatid Network na Artista Academy, kung saan siya naging finalist.

Sabi ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Super, kasi ito ang first time na role ko na main role at hindi lang ako guest star.

"May taping every other day, may promotion out of town.

“So, ngayon ko talaga ramdam na para ako talagang isang artista. Feel na feel ko.

“Pero hindi naman yung feeling na parang lalaki ang ulo—hindi naman dapat.

“Yung feel na maging busy, yun ‘yon.”

Pero aminado si Mark na marami pa ang hindi nakakakilala sa kanya kung ikukumpara sa ibang young stars sa ibang istasyon.

Aniya, “For me, it’s okay if they don't know me.

Continue reading below ↓

“I can’t do anything na parang pilitin ko sila na, ‘You have to know me.’

“Iba yun, ‘di ba? If they don't know you, they don’t know you, ‘di ba?

“Wala naman akong magawa. I just have to keep doing my best para makilala ako.

“I will reach out.”



HARD-EARNED MONEY. Bukod sa Confessions of A Torpe ay nasa weekly gag show din siyang Tropa Mo Ko Unli.

Dahil dala-dalawa ang shows ni Mark ngayon, may mga nang-iintriga tuloy na siya ang pinakapaboritong Artista Academy alumnus.

Ano ang pakiramdam niya rito?

Nangingiting sabi ni Mark, “Everyone gets his turn naman.

“And I think it's my turn, and part of my turn is yung gagawin ko ang best ko.

“I have five-year contract with the Artist Center [of TV5] and nakaka-almost two years na ako.

“And I have my car na, may investments na inipon ko from my shows.

“Kaya so far, happy ako sa takbo ng career ko.”

Continue reading below ↓

Ang kotseng ito ang iniintrigang kesyo galing daw sa isang gay benefactor niya.

Natatawang pagkontra ng 19-year-old newbie, “No, hindi siya totoo.

“Sa isang radio guesting ko nga, tinanong talaga ako tungkol diyan, and I said, ‘No!’

“And if a rich gay offers like something like that, ire-refuse ko politely.

“I want to earn money myself. And sa England, I worked money for myself, ‘di ba?

“It's better like that na lang, kasi kaya ko naman to achieve ang anuman na gusto ko by working hard, ‘di ba?

“So, ganun na lang ang gagawin ko.”



CONFESSION OF A TORPE. Naitanong din ng PEP kay Mark kung natorpe na ba siya sa isang babae.

Sagot niya, “Minsan, may pagka-torpe rin ako.

“Halimbawa, crush ko siya at tumabi siya sa akin, iba na ang galaw ko.

“Naninigas ako na parang ‘di ako makakilos nang maayos. Pinagpapawisan ako.

“Pero kung hindi ko siya crush, parang wala lang, normal lang ang pakiramdam ko.”

Continue reading below ↓

Paano kung may isang agresibong babae na magpakita sa kanya ng motibo? Ano ang magiging reaksiyon niya?

Sagot niya, “Siyempre, I will be polite pa rin.

“Kung hindi ko siya mahal, ba't ko siya...

“If ever she will do something, I will stop it kasi it's disrespectful of her... babae na rin siya.

“Hindi puwede yung ganyan.”

Dagdag ni Mark, “I can give her naman attention in another way, pero hindi kung ano yung gusto niya.

“At saka hindi ako mahilig sa bars. Usually dun mo raw makikita yung girls na ganyan.

“Even sa England, isang beses lang ako nakapunta sa bar, isinama lang ako ng Russian friend ko.”

Kaya hanggang ngayon ay hindi raw niya makalimutan ang kissing scene nila ni Alice Dixon sa TV movie na Lady Next Door, na ipinalabas noong Pebrero.

Nangingiti pa ring sabi niya, “Oh, she’s hot! Alice Dixon yun, ‘di ba?

“I mean, I was very uncomfortable nung tina-take namin yun, but she made it easy for me. She made me relaxed.

Continue reading below ↓

“I really felt great and ilang araw ko ring hindi ma-forget yun.

“I feel blessed na nabigyan ako na ganung opportunity.

“Now, she's with us here sa Torpe, pero iba namang genre ito.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Neumann on his blooming showbiz career: “Everyone gets his turn naman. And I think it's my turn, and part of my turn is yung gagawin ko ang best ko. I have five-year contract with the Artist Center [of TV5] and nakaka-almost two years na ako. And I have my car na, may investments na inipon ko from my shows. Kaya so far, happy ako sa takbo ng career ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results