Bela Padilla on boyfriend Neil Arce: "I hope kami na nga ang magkatuluyan."

Wala raw problema sa boyfriend ni Bela Padilla na si Neil Arce ang pangingibang-bansa ng aktres habang ginagawa niya ang Singaporean TV series na Point of Entry.


Hindi makalimutan ni Bela Padilla ang naging karanasan niya sa Singapore habang ginagawa ang TV series na Point of Entry, na parang C.S.I. ng Amerika.

Ang Point of Entry ay tungkol sa ICA agents na nakatutok sa illegal immigrants at cross-jurisdiction crimes.

Pagmamalaki ni Bela sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ibang-iba ang process ng kanilang taping.

“Kung tayo, we have a hundred people on the set, ‘tapos may sarili kang hairystylist and make-up artist, may wardrobe assistant at PA [personal assistant], dun sa Singapore, walo lang kami…

“Bukod sa artista, walo lang kami—isang direktor, isang AD [assistant director], isang nag-aayos ng lights, isang cameraman…

“Konti lang sa set kung kaya nakakapanibago. Kaya ang bliis ng trabaho.”

Dagdag pa niya, “Kaya kapag dumating kami sa set, ‘pag sinabing 8 o’clock, nag-uumpisa na talaga ‘yan ng 8.

“Mini-makeup-an na kami sa station, sa Media Corp, bago kami pumunta sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun sa Media Corp, tatanungin nila kami, ‘Okay, what’s your role? What’s your TV show?’

“Then, sasabihin ko na, “I’m Analyn Ocampo of Point of Entry.’

“’Tapos ay titingnan sila sa isang papel. ‘Tapos sasabihin nila na, ‘Okay, this is your makeup for today.’

“Sobrang organized kaya nakakagulat.

“’Tapos gagawin na yung makeup mo, then pupunta ka sa isang room, bibihisan ka na nila para sa first outfit mo.

“’Tapos, lahat ng outfits mo ay ilalagay na pati sa van at pati mga artista ay nasa isang van, so walang late.

“Kaya nakakatuwa kasi wala kang hinihintay.”

DIFFERENT SYSTEM. Taliwas daw ito sa sistemang umiiral sa ating bansa.

Aniya, “Dito sa Pilipinas, laging ako ang una sa taping, ako ang laging nagbubukas ng taping.

“’Tapos, super-hintay ako, dadating ako sa set ng 7 a.m., ‘tapos magro-roll ng 10 a.m.

“But then, siyempre iba nga rin dito sa atin kaya nag-adjust na rin ako sa system dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Coping naman ako, coping.”

Dagdag ni Bela, “May pros and cons naman yung sistema dito sa atin.

“Kasi kung titingnan mo, sa laki na nga ng pagka-primitive ng sistema natin ay dami nating natatapos.

“Kami, may taping kami, minsan one hundred sequences a day, e.

“Sila dun [sa Singapore], maiksi nga lang yung oras, pero parang masyado silang pulido.

“Parang sa isang eksena, kung one hour sila for this scene, one hour yun, kasi maganda na... para silang movie shoot.

“So, tayo naman, kahit hindi ganun kasistemado, mas marami tayong nagagawa dahil masyado tayong resourceful.

“So, I think may matututunan din sila at tayo rin sa kanila.”

NEIL ARCE. Mabuti at hindi naging sagabal sa personal niyang buhay ang pag-alis-alis niya noon papunta sa ibang bansa?

Naintindihan naman daw siya ng kanyang nobyong si Neil Arce na isang negosyante at film producer din.

Sabi ng 23-year-old actress, “Okey lang, okey lang sa kanya yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s something na I might not try again.

“Yung ganoong opportunity doesn’t come to anyone so often.

“I have to audition for it.

"I went through screen tests, ‘tapos nakipag-meet pa ako sa producers and director kasi gusto nila akong makita in person.

“They all checked my accent kasi gusto nilang malaman kung marunong ba akong mag-Filipino accent na nagsi-shift into American accent.

“Maraming meeting bago ako nakuha.

"At naiintindihan niya [Neil] yun kasi this is one thing na I really want to do."

Kahit nga raw may pagka-possessive si Neil, hindi ito hadlang sa kanyang mga ambisyon sa buhay.

Saad ng Kapuso actress, “Yeah, eventhough nakikita ko sa character niya na may pagka-possessive siya, pero hindi ko naman siya binibigyan ng reason para magselos siya or whatsoever.

“Tipong kampante naman siya sa akin kaya hindi siya natakot na hayaan akong mangibang-bansa for a while.

“We talk naman constantly.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ramdam ba niyang si Neil na talaga ang huling lalaki sa kanyang buhay?

Napapangiting sagot ni Bela, “Siguro naman kahit sinong babae, gusto nila na kung sino yung boyfriend mo ngayon ay kayo na ang magkatuluyan.

“Hindi mo naman iniisip na you’re in a relationship right now, ‘tapos nag-iisip ka na kung sino yung next boyfriend mo, ‘di ba?

“I don’t think any girl would think like that.

“Parang ganun din yung thinking ko noon sa first boyfriend ko na sana kami na.

“Neil is my second boyfriend and I hope kami na nga ang magkatuluyan.

“Magtu-two years na rin kami at ayaw ko na nang palit-palit.

“I want to be a good example, especially sa fans na gusto ko rin silang i-inspire na to have a clean life.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN